CHAPTER 15

126 7 0
                                    

Tyler Moreno

Gaya noong ginagawa ko magmula nang umalis si kevin at naiwan si Louie sa unit Niya ay palagi ko siyang pinupuntahan sa unit Niya para na rin bigyan siya Ng breakfast. Nakailang ulit na rin siya nag Sabi sa'kin na huwag na pero mas gusto ko pa rin siya bigyan.

Itong Araw lang pumunta uli Ako sa unit ni Louie nagulat Ako dahil si Kevin Ang nag bukas Ng pinto. Bumalik na pala siya. Mabuti naman at may kasama na ulit si Louie. Pero Ang totoo niyan, kung Ang sarili ko lang din Ang tatanungin ko, nalungkot Ako. Alam Kong Wala Akong karapatan, kaibigan lang Naman Ako ni Louie eh. Pero di ko lang maiwasan Hindi masaktan dahil na rin sa idea na, Hindi ko na uli siya parating makakasama Kasi nandyan na si Kevin. Nandyan na uli yung taong nagpapasaya Kay Louie, nandyan na uli yung taong mahal Niya.

Ang sakit lang sa part ko na pakiramdam ko option lang Ako. Na kailangan lang Ako ni Louie noong mga panahong yon Kasi wala si Kevin pero Ngayon na bumalik na si Kevin, echapwera na uli Ako. Ang sakit. Ganito Pala Ang pakiramdam na maghabol sa taong di mo alam kung may pag-asa ka pa ba pero eto ka umaasa pa rin kahit napakalabo.

Wala eh, mahal ko pa rin si Louie. Pero kahit ano naman mangyari, nandito pa rin Ako, maghihintay pa rin Ako.

Aaminin ko mamimiss ko yung mga panahong nagkukwentuhan na ulit kami, nagbibiruan, nag aasaran at nag tatawanan. Isa sa pinaka special moments na palagi Kong babalik-balikan sa alaala ko. Tapos yung pag punta ko sa unit Niya at papapasukin Niya ko don para mag stay Muna don at samahan siya. Tapos kapag papasok siya sa school ihahatid ko siya gamit Ang bike. Noong una bike pero kalaunan car na kasi marunong na rin Ako mag drive at nakabili na rin Ako, pero kung Ako lang ang masusunod mas pipiliin ko Ang sa bike pa rin siya iangkas. Marami kasing memories Ang nag paapalala sa'kin kapag nakabike kami.  Tapos yung pag aaya ko sa kanyang lumabas Ng unit para gumala lang din sa loob condo. Halos lahat na yata Ng sulok Ng condo na ito ay nalibot na namin. Yung Atriums, sky patio, sky lounge, roof deck, open lawn, lounge area, lap pool, play ground, at yung court.

Mamimiss ko ang mga yon.

***

Habang naglilinis Ako Ng unit ko ay may biglang kumatok sa pinto. Si kevin, kasama Niya si Louie.

"Tyler sama ka samin, mag s-swimming kami." Sabi ni Kevin.

Natawa ko. "Parang kakaiba yata Yan ah..Mag didecember na tapos mag s-swimming kayo?" Sabi ko.

"Eh ano naman? Tuwing summer lang ba pwede mag swimming? Sige na Tyler, sumama ka na." Pamimilit ni Louie.

"Sige na brad, Minsan lang 'to oh." Gatong Naman ni Kevin.

Kung Hindi ko lang mahal si Louie Hindi Ako papayag at Hindi ko Sila pag bibigyan.

"Sige Susunod Ako." Pag payag ko.

"Yes!" Masayang reaction ni Louie.

Nag tanguan kami ni Kevin Bago ko isarado ang pinto.

***

Bumaba na ako ng building at lumakad sa open lawn. Nakaswim trunks lang ako na may stripe na kulay black and green. Natanaw ko Sila Tyler at Louie na nakaupo sa gilid ng pool. Papalapit pa lang Ako ay napalingon na sa akin si Kevin.

"There you are." Sabi Niya at tumayo. Napatingin na din si Louie sa'kin at tumayo na rin siya.

Gaya ko, naka swim short din si Kevin. Kulay black Ang sa kanya. Walang abs si Kevin pero may shape ang katawan Niya, sexy na rin. Si Louie Naman, naka dark blue swimming suit na short sleeve siya na may front zipper. Light skin si Louie, slim din ang body niya, at ang haba ng bias Niya kaya Naman bagay na bagay sa kanya ang sinuot niyang swimsuit.

Kahit 'Di Mo Alam [COMPLETED]Where stories live. Discover now