Chapter 1

543 18 3
                                    


TIAN MARTELL

MIDNIGHT already, but I can't sleep right now. Hanggang ngayon naiisip ko pa rin ang mga katagang sinabi sa 'kin ni Haku a few weeks ng nakalipas. Sa lalim ba naman ng kanyang sinabi na tulad ng pinagmamasdan namin nuon na dagat ay talagang napapa-isip ako.

"People always change. Kaya balang araw matatanggap din nila kung ano tayo. The important thing is we follow our hearts."

Sa kanyang nasabi, napa-isip ako kung kilala na ba talaga niya ako dati pa. Kung imposible bang may alam siya tungkol sa 'kin na hindi ko alam dahil wala akong matandaan sa nakaraan ko.

Paano niya nasabing, "kung ano tayo", eh hindi naman niya ako ganon kakilala para isipin niyang bading ako, o kung ano man. Hays...mababalyo na talaga ako nito.

Sobrang daming nagbago sa buhay ko mula nong nakilala ko si Haku. Hindi ko alam kung bakit na-aapektohan ako sa kanya eh bagong character lang siya na pumasok sa buhay ko. Ni-hindi ko nga alam kung bakit pinaglalapit talaga kami ng tadhana.

Tanggap ko na dati na naging magka-away kami. At naging guitar coach ko siya. Pero itong makasama ko siya sa isang movie, ang hirap tanggap—pero wala naman akong choice eh.

Kailangan kong lunokin ang pride ko for my career. Sana nga lang hindi ko ito pinagsisihan.


Sa dahan-dahan na pagpapakita ng araw, pumasok pa sa loob ng bintana ko ang maliwanag nitong sikat. Kaysarap nga magising sa ganitong umaga na payapa ang paligid, may nakatanaw na araw, at pumapasok ang hangin sa loob ng bintana.

Dahan-dahan akong bumangon at dinala ko ang cellphone ko hanggang sa pagpasok ko sa comfort room. Habang nagto-toothbrush ay hawak naman ng kabilang kamay ko ang cellphone at panay scroll ako sa Twitter.

Morning na nga pero parang midnight feels pa rin na parang every thing hunting me. Hanggang ngayon puro mga hate ang pangba-bash pa rin sa 'kin ang nababasa ko. Hindi pa naka-move on ang lahat sa viral post ng unknow HA Student, malaki pa rin ang galit nila sa 'kin dahil daw nilalandi ko si Haku.

Sa sobrang galit ko hindi ko nasadyang malakasan ang pagbrush sa ngipin ko kaya napangiwi nalang ako. "Aray..." agad kong nasuka ang bumubulang toothpaste sa bibig ko at may dugo pa ito.

Galit na galit akong nakatingin ngayon sa malaking salamin na halos gusto ko na 'to suntokin. "Fuck you ka talaga Haku!!" Sigaw ko.


Pagtapos ko maghilamos ay lumabas ako ng kwarto at nagtimpla ng kape sa lamisa. Pagtapos ay chill nalang akong nakaupo ngayon at tulalang nagkakape. Natigilan ako nang marinig ang door bell mula sa gate ng bahay ko.

Napakamot ako sa ulo. "Diputang Haku, hindi ba niya talaga ako titigilan!" Sa inis ko ay agad akong napatayo at dali-daling lumabas ng bahay.

Padabog kong binubuksan ang gate. "Pwede ba Haku...tigilan mo na ako—" natigilan ako at nanlaki ang mga mata ko nang makitang ang mga kaibigan ko pala ang nandito sa labas ng gate.

Halata din ang gulat sa mukha nila. "O-Oh, chill ka lang...hindi kami si Haku..." agad na sabi ni Vincent. "Ano bang nangyari sa 'yo, bakit si Haku ang inexpect mong bisata...?" Tanong sa 'kin ni Alvin.

Hindi ako makasagot at parang gusto ko nalang maiyak. "N-Namiss ko kayo, sobra..." agad kong niyakap si Blue. "Super na-miss ka din namin..." saad naman ni Blue at mahigpit nila akong niyakap tatlo.


We're sittin here in front of the table while drinking our coffee. Dahan-dahan akong napangiti habang tinitignan sila. "It's a great reunion for us. One week ko lang kayo hindi nakita pero sobra ko na-miss ang pagmumukha niyo." Sabi ko.

Make You Mine Season 2 | Heartful Academy 1Where stories live. Discover now