Chapter 24

95 9 4
                                    


TIAN MARTELL

NASA labas ako ng bahay ni Haku at dalawang beses na ako nag door bell. "Pag ito hindi pa niya bubuksan sa pangatlong door bell, sisigaw na talaga ako dito." Inis na sabi ko dahil naiinip na talaga ako kakahintay dito.

Mag do-door bell na sana ako ng pang-tatlong beses, pero naramdaman kong may tao na ang papalapit at dahan-dahan nito binuksan ang gate. "Haku—" umurong ang galit ko nang makita kong hindi ito si Haku.

May katandaan na ito at nakasuot ito ng formal na damit pero may apron naman ang nakasuot sa bandang bewang nito, kung titignan ay para itong empleyado o main na lalaki. "T-Tian...?" Parang gulat na sabi nito.

"K-Kilala niyo po ako?" Tanong ko at natigil naman siya sa pagkatulala. "Y-Yeah, of course, sino ba namang hindi makakilala sa Drama Prince ng Pilipinas..." nakangiting sabi nito. "Tuloy po kayo..." sabi nito.

Pumasok na ako at isinara na niya ang gate. "You must be Vin, tama po ba?" Tanong ko at tumango siya. "Yes. You can call me Uncle Vin, gaya ng laging tawag sa 'kin ni Master Haku, kahit na hindi niya ako tito or kaano-ano." Nakangiting sagot nito.

"Aba, ang sosyal, talagang Master pa gusto itawag sa kanya. Nasa'n ba 'yan, at nang masapak ko." Pabirong sabi ko.

"No, Sir. Master po talaga ang tawag namin sa mga Monteriver. They are not just an ordinary people. They are all billionare, each of them owned a business, not just here in the Philippines, but also in the other countries. And soon, Haku will start his own company."

Napalunok ako sa sinabi ni Uncle Vin, natatamimi ako dahil para akong sinampal ng kahirapan. Nakakahiyang isipin na inaaway ko ang isang billionare pala. Ang kapal naman ng mukha ko.


"Tian."

Natigil ako sa kakaisip nang marinig ko ang boses ni Haku. Napalingon ako at nakatayo siya ngayon sa labas ng malaking pintoan nila. Nanlaki ang mga mata ko nang mapagtanto kong isang itim na pusa pala ang kanina pa niya buhat-buhat.

"Pusaaa..." dali-dali akong nagtago sa likod ni Uncle Vin. "Sir, may phobia po yata kayo sa pusa." Natawang sabi ni Uncle Vin. "Naku, sinabi mo pa...alam mo bang ilang beses na akong nakakalmot ng mga pusa sa daan, kahit gusto ko lang naman makipag-kaibigan sa kanila..." halos manginig na ako.

Dahan-dahan na lumapit si Haku. "Chill. This little creature won't hurt you. He's just a cute siberian cat." Sabi niya habang pinapakaway pa niya ang maliit na kamay ng pusa.

Tinitigan ko ang pusa at ngayon lang ako nakakita ng pusa na sobrang bilog ang mga mata; he has a big brown eyes, makapal ang balahibo, at parang lion pero itim nga lang. "Awww...he's so cute..." parang naging bata tuloy ako tignan na nakipagtitigan sa mga mata ng pusa.


Umalis ako sa likod ni Uncle Vin. Dahan-dahan na inaabot sa 'kin ni Haku ang pusa na hawak-hawak niya. Hahawakan ko na sana ito nang dahan-dahan itong gumalaw, at sa takot ko na baka tatalon ito sa 'kin ay dali-dali akong nagtago sa likod ni Haku.

"Gagi, hindi ko talaga kaya..." napahawak pa ako sa damit ni Haku. "You can do it. Just give it a try." Tugon niya.

Hinarap niya ako at muli niyang dahan-dahan na inilapit sa 'kin ang pusa. Nanginginig kong inabot ang mga kamay ko. "O-Okay..." sinusubukan kong ngumiti.

Nang tuloyan kong mahawakan ang bandang braso ng pusa ay sinusubukan ko alisin ang kaba. "H-Huwag ikaw mangagat ah," mahinang sabi ko.

Nanatiling behave naman ang pusa habang buhat-buhat ko ito. Dahan-dahan pa ito napahikab kaya napangiti ako nang makita ko ang mapulang dila nito at maliliit na ngipin. "Awww...sobrang cute nga niya..." binigyan ko ng masahi ang ulo nito at parang nagustohan naman nito.

Make You Mine Season 2 | Heartful Academy 1Where stories live. Discover now