Chapter 7

262 14 0
                                    


WARNING: This chapter contain nudity that may feel uncomfortable for you. Read at your own risk.

•••••••


TIAN MARTELL

PAKIRAMDAM ko parang may kung ano ang humahaplos sa balikat ko at mukhang may nakapatong din sa bandang paahan ko. Kaya kahit gusto ko pa matulog ay dahan-dahan ko nalang minulat ang mga mata ko at tinignan ko ang nakapaligid.

Mukhang ayos naman ang lahat, nandito naman ako sa loob ng kwarto na exclusive para sa amin ni Haku as mga main lead. Dahan-dahan akong tumingin sa gilid ko at napatulala nalang ako, hindi ko alam kung namalikmata lang ba ako, kaya pilit kong nililinis mga mata ko sa pamamagitan ng kamay ko.

Pero mukhang tama nga ang nakikita ng dalawang mga mata ko, si Haku, nasa tabi ko. Like what the heck, eh kagabi lang nong matutulog na kami nasa kanyang kama siya, bakit ngayon katabi ko na siya, at ang lapit-lapit pa talaga niya, halos nagmumukha kaming beko na sobrang dikit.

Halos hindi ko magawang igalaw ang katawan ko dahil sobra siyang dikit sa 'kin, kaya hinawakan ko ang kamay niyang nakahawak sa braso ko at dahan-dahan ko itong inaalis. Pero nahihirapan lang ako dahil tulog mantika siya at ang bigat-bigat pa niya.

"Jusko naman hindi ka naman mataba pero bakit ang bigat-bigat mo..." panay reklamo na 'ko ngayon.

Ituloy ko sana ang pag-alis sa kamay niya pero napatingin ako sa ibaba at napabuntong hininga nalang ako nang makitang nakapatong ang paa niya sa mga paa ko. "Hay naku naman talaga...talagang ginawa mo na akong unan 'no..."


Habang nakakunot ang mga noo ko ay nakatingin naman ako kay Haku at panay titig lang ako sa kanya. Hindi ko namamalayan na habang tumatagal ay hindi ko na magawang ialis sa kanya ang tingin ko, paulit-ulit kong tinitignan ang mukha niya hanggang sa ibaba na bahagi ng katawan niya.

"Maganda nga ang katawan ng mokong na 'to..." mahinang sabi ko at nanlaki ang mga mata ko nang may ma-realized ako. "Ay gago, nakahubad pala ang gagong ito..." napatakip ako ng bibig dahil bakit ngayon ko lang ito napansin.

Wala siyang suot na pang taas habang yakap-yakap pa talaga niya ako! Aba lumi-level up ang kamanyakan ng lalaking ito!

Magsasalita sana ako nang bigla siyang gumalaw. "Tian..." mahinang tawag niya sa pangalan ko at natawa lang ako dahil nagsasalita siyang tulog. "Tian, I will never leave you, again. So please, huwag ka rin mawawala sa 'kin." Dagdag pa niya.

"Pinagsasabi mong tukmol ka..." natawang sabi ko. "Tian..." banggit niya ulit sa pangalan ko. "Bakit ba...?" Inis kong tanong pero hindi na siya sumagot at dahan-dahan lang niya ako niyakap nang mas mahigpit.

Lalo tuloy akong hindi makagalaw at wala na nga akong takas sa kanya dahil sa higpit ng hawak niya sa 'kin. "Uy gumising ka na..." sabi ko sa kanya. "Mamaya na..." sagot niya. "Ehhh, mukhang kanina ka pa pala gising eh..." tugon ko. "Oo, pero gusto ko pa dito sa tabi mo."

Wala na akong nagawa kundi titigan nalang siya na payapa ang tulog. Habang tinitigan ko ang mukha niya ay napangiti nalang ako sa hindi ko maipaliwanag na dahilan. "Haku..." hindi ko alam anong nakain ko nang dahan-dahan kong hinahaplos ang mga biceps niya at inaamoy ko na rin ang mga buhok niya. "Gago, bakit ang gwapo mo pa rin pag tulog..."


Napanganga ako dahil nagulat ako sa nagawa ko kaya agad kong tinulak ang braso niya. "Hoy Tol, gising na...may trabaho pa tayo..." dahan-dahan kong inilayo ang katawan niya sa 'kin at tumayo na ako. "Hoy bumangon ka na dyan..." inihampas ko na sa kanya ang unan kaya dahan-dahan siyang bumangon at umupo nalang siya sa kama niya.

Make You Mine Season 2 | Heartful Academy 1Where stories live. Discover now