Chapter 6

170 11 0
                                    


WARNING: This chapter contain nudity and suicidal that may feel uncomfortable for you. Read at your own risk.

•••••••


TIAN MARTELL

PAGOD na ako sa buhay kong ito. Bawat araw gusto ko ng sumuko. Bawat araw napapaisip ako, siguro nong umulan ng kamalasan sinalo ko lahat. Kaya ito ako pagod na pagod, pakiramdam ko buhat-buhat ko ang mundo kaya kahit naglalakad ako bagsak na bagsak ang katawan ko.

Parang ayaw sa 'kin ng mundo kaya pinapahirapan ako nito.

Hindi ko maangat ang balikat ko. Namumutla ang mga mata ko. Napabayaan ko na ang sarili ko. Lagi nilang sinasabi na kulang nalang magdala ako ng basura para magmukha akong taong grasa.

Tama naman sila eh. Pero wala na akong paki do'n, wala na akong paki sa sasabihin nila, wala na akong sa ano maging itsura ko, wala na akong paki kung anong mangyari sa 'kin, mamatay na kung mamatay.

Napahinto ako sa paglalakad nang biglang may dumaan sa isip ko. "Hindi. Hindi pa ako pwede mamatay. Hindi ngayon. May mga bagay pa akong dapat malaman."

Muli akong nagpatuloy sa paglakad dito sa napaka-ingay na paligid. Masayang nagtatawanan ang mga tao, maraming ka-edaran ko ang nag i-enjoy sa pag-inom ng wine sa bar na dinaanan ko. Dapit hapon na kasi kaya dumadami ang mga taong gumagala.

Kung sila ini-enjoy nila ang buhay nila, ako hindi. Wala akong gana sa lahat ng bagay. Hindi uso sa 'kin ang salitang magsaya. Dahil paulit-ulit lang naman ang ginagawa ko eh.

Umuwi ng umaga. Matulog hanggang hapon. Pagsapit ng gabi papasok sa trabaho at laging dilat ang mga mata. Tulog sa umaga, gising sa gabi. Ganyang klase ng buhay meron ako. Pero kahit nahihirapan na ako pinipilit ko pa rin bumangon sa araw-araw para kumayod.


Paulit-ulit lang naman ang nangyayari sa buhay ko. Umiikot lang sa trabaho at sa Lungkot Village ang araw ko. Lagi-lagi akong pumupunta dito sa Lungkot Village hindi para makipagsayahan sa mga taong nasa park at club, kundi para masilayan muli ang Kadilim Beach.

Marami akong gusto tuklasin sa Kadilim Beach. Napakaraming tanong ang alam kong balang araw ay masasagot din, kaya hindi ako sumusuko, naglalaan ako ng oras para magpunta dito.

Kaya kahit pagod na ako kailangan ko pa ring mabuhay dahil kailangan kong malaman kung anong sumpa ang meron sa Kadilim Beach, kung bakit sunod-sunod nilang kinukuha ang mga mahal ko sa buhay, anong gagawin nila sa kanila. Dapat kong malaman kung anong mysteryoso ang bumabalot sa Kadilim Beach. 'Yon nalang ang nagbibigay dahilan sa 'kin ngayon para mabuhay.

Malapit na 'ko sa Kadilim Beach at gaya ng lagi kong inaasahan na sa tuwing dadaan ako dito sa mahabang kalsada ay maraming tao ang dumadaan, malapit na kasi maggabi kaya nagsiuwian na ang mga taong kakatapos lang maligo sa dagat. Pero wala akong paki sa kanila, straight lang ang lakad ko at kahit nakakabangga na ako ay hindi ako humihingi ng tawad o nagsalita.

Sa unahan ay may nakita akong mga tambay na nag-iinoman sa gilid-gilid. Marami sa kanila ay lasing at halos wala na sa mga sarili. Mayamaya ay mukhang nagkainitan sa pagitan nila, may sigawan na akong naririnig at nagtuturoan na ng daliri na parang nanghahamon ng gulo.

Tama nga ako, nagkaroon nga ng away sa kanila. Isang matinding suntokan ang naganap at may hampasan pa ng bote at lamisa kung saan sila nag-inoman. Wala akong paki sa away nila kailangan ko pa ring dumaan malapit sa kanila dahil wala namang ibang daanan.

Make You Mine Season 2 | Heartful Academy 1Where stories live. Discover now