Chapter 28

79 6 0
                                    


BLUE NATIVIDAD

I BECOME the greatest supporter of Red. Like every where he goes, nando'n ako. Ayaw ko naman sana laging dikit sa kanya dahil baka kung anong iisipin ng mga fans niya, but he wants me to stay on his side.

Nakikipag-away na nga siya minsan sa team niya para lang mapapayag akong sumama sa mga lakad nila. Sounds so sweet, right? Talagang kinikilig ako sa tuwing kasama ko siya.

Tulala na naman ako ngayon habang pinagmamasdan ang gwapong si Red na nakaharap sa malaking salamin. Nasa loob kami ng dressing room kung saan naghahanda ang mga artista, dito sila nag ma-make up at nagpapalit ng damit.

Mukhang malalim ang iniisip niya habang nakaupo at tinitignan ang sarili sa salamin. "Hey Red, are you okay?" Tanong ko kaya natigil siya sa pagkatulala at tumango siya. "Yeah, I'm fine."

Pero sa tuno ng boses niya halatang hindi siya okay. Mag re-react sana ako nang dahan-dahan niya akong nilingon. "It's just, I'm worried about you." Mababang tuno ng boses niya. "But why?" Nagbalik ako ng tanong.


"Kasi ba't mo tinanggap na maging PA—" mahinahon kong hinawakan ang labi niya kaya natigil siya. "Shhss—behave my boy. I swear, okay lang talaga sa 'kin maging PA mo. Kung 'yon lang ang way para makakasama mo ako, then it's fine." Ngumite ako.

"Hindi ba gusto mo naman ako manatili sa tabi mo?" Tanong ko at tumango siya. "Yeah. But it's so hard to see you pretend as my PA, when the truth is we're dating." Hinawakan ko ang buhok niya. "Ano ka ba, ayos lang talaga sa 'kin. You don't have to worry." Saad ko at ngumite nalang siya.

Kung hindi umipal ang manager ni Red ay hindi kami aabot dito. Nagkaroon kanina ng bangayan sa pagitan nilang dalawa ni Red. At dahil ayaw naman magpatalo ni Red. Ay pinag-suggest nalang ng manager na maging PA o Personal Assistant ako ni Red.

So tinanggap ko nalang kahit wala akong kaalam-alam sa ganito. Total wala rin naman akong ginagawa dahil bakasyon pa, kaya magpapaka-busy nalang muna ako sa trabahong ito. At least kasama ko lagi si Red; sa mga fans meeting niya, events na dadalohan, pag-guest sa mga shows, at sa taping.


Red has a fans meeting today, kasama ang ilan sa mga artista na kasama niya sa bagong movie. They are going to promote their movie kaya nandito sila sa mall ng ?, simple lang ang mall na 'to, hindi kasing laki ng Heartstown Mall, pero may malawak naman na event center sa first floor at dito ginaganap ang fans meeting.

Matapos kumunta ng ilan sa mga artistang kasama ni Red, ay time naman niya ngayon para magpakita sa mga fans. Kakalabas pa nga lang niya sa stage ay nag-iingay na ang mga tao, especially girls and gays na halos mapaos na kakasigaw.

Nandito lang ako sa gilid kasama ang ilan sa mga crew. Gusto kong i-cheer si Red, pero hindi ko magawa dahil katabi ko ngayon ang manager niyang super-strict, akala mo naman kung sinong maganda eh halos kalbo naman ang kilay at lagpas pa ang lipstick.

Nilingon kami ni Red at ngumiti siya sa 'kin. Biglang nagbago ang reaction niya, 'yon pala'y dahil ginagamitan siya ng mga mata ng manager niya, bilang signal na bumaba siya at lapitan ang mga fans. Halatang kahit ayaw niya ay wala siyang choice.


Bumaba siya at patuloy sa pagkanta habang inilalapit niya ang kamay niya sa mga fans na gustong hawakan siya. Tuwang-tuwa ngayon ang mga fans niya dahil nahahawakan siya at feel pa nilang hina-harana sila. Nabwe-bwesit naman ako dito sa gilid, parang gusto ko manuntok dahil sa gigil ko.

Mayamaya ay may isang fan ang humawak sa mukha ni Red at hinalikan nito ang pisngi ni Red at sumisigaw ito sa kilig. Umuusok na nga ang ilong ko at kumukulo ang dugo ko.

Make You Mine Season 2 | Heartful Academy 1Where stories live. Discover now