Chapter 9

121 14 0
                                    


TIAN MARTELL

AFTER a long day, nagkaroon na rin kami ng mahabang break this night. Madami sa aming team ang bagsak ang mga katawan dito sa malawak na sala ng mansion, ang ilan ay masarap na nga ang tulog. Mukha kaming pagod lahat, liban lang kina Blue at Vincent na kakarating lang kanina at binisita ako sa set.

Magkatabi kami ni Haku sa sofa at nakapatong pa sa 'kin ang ulo niya, masarap ang tulog niya and he looks so peacefully on my arms. Ayaw kong ma-disturb ang tulog niya pero nakita kong bumaba ng hagdan si Direk Mike na halatang kakagising lang at mukhang may mahalagang announcement.

"Haku, gising na." Kalmadong sabi ko at dahan-dahan naman siyang nagising, hindi ko alam kung anong nakain ko or gutom lang ba ako, dahil bigla ko nalang hinaplos ang pisngi ni Haku at inayos ang magulo niyang buhok.

"Okay guys, listen. By tomorrow gagawin na natin ang intimate  scene." Dahil sa biglang annoucement ay napatayo ako sa sobrang gulat. "What? Seryoso po, gagawin po talaga natin ang scene na 'yon...?!"

"Yes, tuloy ang scene na 'yon. So Tian and Haku get ready." Tugon ni Direk.

Wala na akong nagawa kundi ang umupo nalang at napabuntong hininga nalang ako nang makita ang abot tengang ngiti ni Haku. Napa-rolled eyes ako dahil tuwang-tuwa naman ang manyak.



Nakaupo kami ni Haku sa may buhangin malapit sa dagat. Nakahanda na ang lahat para sa take 3 ng intimate scene namin. Yes naka take 3 na kami, dahil talagang nahihirapan ako, I mean madali lang naman siya dahil may mga ganitong scenes na ako before, pero iba ngayon.

First time ko gagawin ito sa kapwa ko lalaki! Puta!

"What's wrong?" Tanong sa 'kin ni Haku at agad ko siyang nilingon. "What's wrong?! This is wrong! Tangina!" Napamura na ako pero nanatili pa rin kalmado si Haku. "Don't worry everything is fine. Comfortable na tayo sa isa't isa, and after this scene walang magbabago sa 'tin." Mahinahon niyang sabi.

Napakamot na ako sa ulo. "Ang daling sabihin pero ang hirap gawin." Mababa ang tuno ng boses ko. Ang pangamba ko ay bigla nalang unti-unting nawala nang dahan-dahan na hinawakan ni Haku ang likod ko.

Napalingon ako sa kanya at nakita kong may ngiti sa labi niya. "Stay calm, okay. Remember, we've already practiced this yesterday." Habang tinitigan ko ang mga mata niya ay bigla nalang naalala ang kakawatwang practice namin kagabi.


Pagpasok namin sa kwarto ay pariho kaming tahimik. Umupo ako sa kama na hindi kumikibo, habang nakatayo naman si Haku sa gilid ng drawer at harapan niya akong tinitignan. Napakaseryoso ng titig niya sa 'kin kaya medyo nailang na ako. "What?" Taas kilay akong nagtanong.

Nag crossed arms siya. "So, magtitigan nalang ba tayo dito?" Nagbalik siya ng tanong.

Napabuntong hininga ako at parang gusto ko nalang sumigaw pero nagpigil nalang ako at agad na tumayo. "Sige na nga, gawin na natin 'to para matapos na 'to, tang ina!" Lumapit ako kay Haku at dahan-dahan kong hinaplos ang pisngi niya at paibaba hanggang sa leeg niya.

Napakagat siya sa labi habang nakatitig sa 'kin ang nang-aakit niyang mga mata. Ginawa ko na ang dahan-dahan na paglapit ng mukha ko sa kanya para halikan siya. Pero pang minutong oras lang pala ang tapang ko dahil nawalan na naman ako ng lakas. "Hindi ko talaga kaya..." napaatras ako.

"Then let me lead the fun." Rinig kong sabi niya kaya natigilan ako. "Anong fun, anong fun pinagsasabi mo—" pagkaharap ko ay laking gulat ko nalang nang hawakan niya ang kamay ko. "Uy tangina, ano ba...nakakagulat ka naman..."

Make You Mine Season 2 | Heartful Academy 1Where stories live. Discover now