Chapter 27

66 4 0
                                    


TIAN MARTELL

DAHAN-DAHAN nagmulat ang mga mata ko at mukhang tinanghali na ako ng gising. Ngayon lang ulit naging ganito kasarap ang tulog ko na parang ayaw ko na gumising. Nakita kong pumasok ng kwarto ang sikat ng araw, kaya dahan-dahan ako bumangon.

Habang nakaupo sa kama ay nilingon ko ang bintana malapit sa gilid ko, nakabukas pala ito at nakatupi mga kurtina. Inisip ko nalang na baka si Haku or si Ante Alma ang maygawa.

Habang nililingon ko ang kwarto ay napapangiti ako. "Ang gara talaga ng kwarto itong, para tuloy akong prinsipe sa victorian era..."

Sa sobrang lawak ba naman ng espasyo. Balot na balot pa ng makakapal na bedsheets ang malambot na kama na 'to. May mga maninipis na puting kurtina pa sa gilid ng kama ko—hindi ko alam kung anong tawag nito, parang sa sinaunang panahon. Shiny pa ang chandelier light sa itaas. Painted in vintage brown pa ang mga walls.


Tumayo na ako at lumabas na ng kwarto kahit ang pinantulog ko pa rin ang suot ko, manipis na white long sleeve polo at manipis din ang black pants. Habang naglalakad sa malawak na hallway ay napapamangha pa rin ako sa ganda ng mansion na 'to.

Pagkarating ko sa may hagdan ay hindi muna ako bumaba, pinagmasdan ko muna ang mansion. May tatlong naglalakihang chandelier light sa itaas. Parang mga office kung titignan ang mga kwarto sa third floor na hindi ko pa napuntahan. Napakaraming kwarto na mapapaisip ka kung bahay pa ba 'to o president's hall na.

Clearest white, shining gold, and vintage brown, ang kadalasang kulay na makikita. Mula sa mga ding-ding, windows, tables, furnitures, at maging ang dalawang mahahabang hagdan na nakakahiya pang tapakan dahil sa shiny nito.

Pero anyway, gusto ko pa malibot ang mansion na 'to, kaya dahan-dahan na akong bumaba at talagang dinamdam ko na ako ang prinsipe sa mansion na 'to. Pangiti-ngiti akong tumitingin sa malawak na sahig ng first floor at sinubukan ko pang kumaway—natawa nalang ako sa pinaggagawa ko.


Pagkababa ko ay nakita ko si Ante Alma na pinupunasan ang malaking lamisa. "Good morning po!" Pagbati ko at gulat naman siyang napalingon. "Ay Sir, gising na po pala kayo...good morning din po!" Ngumiti siya.

"Nasa'n po sila?" Tanong ko. "Umalis po. Bumili ng mga gamit dito sa mansion, masyadong luma na kasi 'yong iba." Sagot niya. "Masarap po tulog niyo, kaya hindi na kayo pinagising ni Master." Dagdag niya at tumango nalang ako.

"Baka gutom na po kayo? Nagluto po ako ng masarap na ulam." Pupunta sana siya ng kusina pero agad ako nagsalita. "Mamaya na po, hindi pa naman ako gutom." Lumingon ako sa labas ng pintoan na nakabukas. "Maglilibot lang muna ako." Tugon ko.

Ngumite naman siya. "Sige po Sir. Maglilinis lang po ako ng mga kwarto, tawagin niyo nalang po ako pag may-kailangan kayo." Lumakad na siya at pumunta ng second floor.


Lumabas na ako at pinagmasdan ko ang malawak na kalupaan. Nakita ko na kahapon itong makukulay nilang garden at nagtataasang mga coconut trees pero namamangha pa rin ako. Pero may isang bagay ang pumakaw sa attention ko.

Isang daan na parang papasok sa kagubatan. Hindi gaano kalawak ang daanan na 'to at napapalibutan pa ng mga kahoy sa gilid-gilid kaya siguro hindi ko gaano nakita kahapon. Out of my curiousity ay wala akong salita-salita, agad akong bumaba ng hagdan at lumakad papunta roon.

Pinasok ko ang daanan na 'to at habang naglalakad ay hindi ko maiwasang mapaangat ng tingin dahil sa mga kahoy na nasa gilid-gilid, mapapayat ang mga ito pero sobrang tataas. Naririnig ko pa ang mga ibon na parang nag-aawitan.

Make You Mine Season 2 | Heartful Academy 1Where stories live. Discover now