Chapter 4

218 15 4
                                    


TIAN MARTELL

MAGKAYAKAP kami ni Haku nang mahigpit. Hindi ko naman inasahan na gagawin ko ito sa kanya. Bigla nalang may kung anong bagay ang nagtulak sa 'kin na yakapin siya.

Sinasabi ng isip ko na huwag dahil maraming nakatingin at magkakaroon lang ng issue. Pero sa puso ko labis ang pag-aalala ko sa kanya, kaya ayon siguro ang nagtulak sa katawan ko na kumilos para yakapin siya.

Wala naman sana akong plano magpunta dito, pero gusto ko din ma-witnessed ng live ang sasabihin niya sa media lalo na dala-dala din niya sa conference na 'to ang name ko dahil na-leaked nga kami sa isa't isa. Tapos kakapasok ko pa nga lang gulo na ang inabutan ko.

Kung hindi ko nahawakan ang braso niya malamang nasuntok na niya ang lalaki at maraming camera sa paligid na paniguradong kakalat sa public ang mga mai-record at masisira siya. Ayaw kong maranasan niya ang mga dinanas ko dati, sobrang hirap no'n.


Tsaka lang ako natigilan nang marinig ang kinikilig na hiyawan ng mga tao sa paligid, marami sa kanila ang ayeahhh nang ayeahhh. Dahan-dahan kong tinigil ang pagyakap kay Haku at dahan-dahan kaming nagbitawan. Nilingon ko ang paligid at iba't ibang reaction ng kilig ang nakita ko sa mga tao dito.

Nilingon ako ni Haku. "Ang bilis magbago ng mundo 'no? Dati lang naiinis silang makita tayong magkasama, ngayon kinikiligan na nila tayo." Mahinahon niyang sabi sa 'kin.

Tinignan ko siya ng masama dahil hindi naman talaga ako natuwa sa ginawa niya. "At sa tingin mo maganda ang ginawa mo?!" Inis ko sa kanya, pero pinilit kong kumalma dahil nasa harap pala kami ng media at dahan-dahan akong lumingon. "Everyone, please excuse us..." tugon ko sa lahat.

Hindi ko na hinintay ang mga sagot nila at agad ko na hinawakan ang kamay ni Haku at dali-dali ko siyang hinila. Dinala ko siya sa labas ng conference room at lumakad pa kami papunta sa payapang area. May nakita akong isang malaking office at walang mga staff kaya dito kami pumasok.


Agad ko siyang binitawan nang patulak. "Ano bang problema mo?!" Pagalit kong tanong sa kanya pero parang sinusubukan lang niyang ngumiti. "Problema? Wala naman akong problema, masaya nga ako dahil dumating ka..." nakangiting sabi niya.

Tinaasan ko siya ng kilay. "Wala akong panahon para sa biro mo!" Lumayo ako ng kunti sa kanya dahil naiinis na ako sa mukha niya. "Hindi ka ba nag-iisip, nilagay mo sa alinlangan ang reputation mo! First day mo pa nga lang as a Seaven Actor, may scandal ka na!" Paninigaw ko sa kanya.

Naging seryoso na nga siya tignan. "Sino naman kasing hindi magagalit eh wala siyang respeto. Pinag-iisipan niya tayo ng masama. Binastos ka pa niya!" Ramdam ko ang inis niya at napabuntong hininga nalang ako dahil ayaw niya talaga tanggapin ang mali niya.

"Sana nagpigil ka...huwag ka magpa-apekto dahil hindi naman totoo ang mga 'yon. Walang nangyari sa 'tin, hindi tayo bading, at higit sa lahat walang feelings na nabubuo sa atin! Huwag mo silang pansinin, gawin lang natin 'yong trabaho natin..." sandali siyang natahiimik dahil sa nasabi ko.

"W-Wala ba talagang feelings ang nabuo sa atin?" Dahan-dahan siyang lumapit sa 'kin kaya napapaatras ako. "Wala ka ba talagang nararamdaman ? Kasi ako, meron." Habang sinabi niya 'yon ay lalo akong kinabahan dahil wala na akong maatrasan nakasandal na ako sa dingding.


Dahan-dahan niya sana akong i-korner pero agad ko siyang itinulak. "Tol, umayos ka! Dala mo ang pangalan ko! Paggumawa ka ng kalokohan damay ako dito, dahil tayo ang magka-partner!" Paninigaw ko sa kanya.

Make You Mine Season 2 | Heartful Academy 1Donde viven las historias. Descúbrelo ahora