Chapter 1

3K 20 0
                                    


IPINARADA ni Megan ang puting Honda Civic niya sa parking lot ng Santana Building na kung saan siya pumapasok bilang Executive Secretary ni Mr. Julio Santana; Chairman of the Board, president and general manager ng Santana Construction. Sinamsam niya ang isang rolyo ng blue print at ang shoulder bag sa upuan at lumabas ng kotse.

Mas maaga siya ngayon kaysa sa dating pasok niya. Ngayong umaga ang bidding ng isang multi-million project na sinalihan ng kanilang kompanya.

Kagabi, kasama ng apat na engineers, ang accoun-tant, ay tinapos nila ang trabaho hanggang alas-diyes. Pagdating sa mga ganoong confidential na trabaho tulad ng bid estimates ay siya na mismo ang personal na nagta-type.

Dalawang palapag ang okupado ng Santana Construction. Ang 5th at ang 6th floor na siyang huling palapag. Penthouse na ni Mr. Santana ang kasunod.

Nasa 6th floor ang administrative at engineering offices. Sa 5th naman ang accounting at personnel.

Bago ang opisina niya ay madaraanan niya ang engineering office. Nakangiting tinanguan niya ang mga naroon nang empleyado. Huminto siya sa tapat ng mesa ng kaibigang si Sheila. Isa ring sekretarya.

"Hi, Shell Hindi na ba daraan dito ang mga boss mo?" Na ang tinutukoy ay ang Sales Engineer at ang Operations Manager.

"Dederetso na sa bidding ang mga iyon."

"Sana manalo naman tayo sa pagkakataong ito. Alam mo namang dalawang projects ang natalo sa atin sa parehong close amount," aniya na sandaling ipinatong ang bag sa mesa ng kaibigan.

"Tiyak iyon. Narinig kong pinag-usapan kahapon bago ako umalis na maganda ang bid natin," sagot ni Sheila natumigil sa pagta-type at hinarap si Megan. Pagkatapos ay idinagdag: "Alam mo ba na may kasama ka na sa puwesto mo?"

"Ano ang ibig mong sabihin?" nagtatakang tanong niya.
"Pumasok na iyong bagong Personnel Assistant. At sa mismong tapat mo ipinalagay ang mesa kanina," paliwanag ni Sheila na nilingon ang ibang mga empleyado na nagsisang-ayon at pare-parehong mga nakangiti.

Nagsalubong ang mga kilay ng dalaga. Nilingon ang puwesto niya gayong hindi naman nakikita inula sa kinaroroonan niya.

"Inaasahan naming dito siya pupuwesto dahil engineer din. Kaso hindi nangyari ang inaasahan namin," may himig-panghihinayang na nagpatuloy si Sheila. "O, di kaya ay sa Personnel sa ibaba. Tumawag nga dito si Vangie at tinanong ko kung bababa sa kanila ang bagong PA," dagdagnito.

"Pero bakit sa puwesto ko? Masikip na roon? Bakit hindi sa tabi ni Engr. Alfonso?" Bago sa puwesto niya ay ang cubicle ng Engineering Manager. "O, di kaya ay malapit sa boss mo?"

"Don't look so aghast, Meg. We would have loved to trade tables with you, 'di ba girls?" Natatawang nilingon nito ang mga katabi.

"Oo nga naman, Meg. Ang suwerte mo nga, eh," si Lydia, ang clerk-typist. Nag- second the motion naman ang ibang mga babae.

"Magtigil nga kayo!" saway ng isang engineer. "Ang hihilig ninyo sa guwapo. Tingnan na lang ninyo kami." Nilingon nito ang mga kasamang lalaki na nagtawanan. So, guwapo, ha? anang isip niya na muling dinampot ang bag. Walang kibong iniwan ang mesa ni Sheila.

Kahit siya pa ang pinakamagandang lalaki sa lupa wala itong karapatang pumuwesto sa silid niya.

Sino ang nagbigay dito ng authorization na doon pumuwesto?

Pagdating sa kanyang opisina ay nakita niya ang dagdag na mesa. Sa pagitan ng mesa niya at ng mesang inilagay sa may pinto ng silid ni Mr. Santana.

Inilagay nito ang mesa sa malapit sa Fax, Shredder at computer.

At paano kung gagamit siya ng computer na kung saan doon mismo sa likod ng mesa nakalagay?

Inilapag niya ang mga gamit sa ibabaw ng mesa at iginala ang paningin sa munting cubicle na iyon. Siya namang pagbukas ng silid ni Mr. Santana at lumabas doon anghinahanap niya.

All-Time Favorite: Kung Kaya Mo Nang Sabihing Mahal Mo AkoWhere stories live. Discover now