Chapter 11

2K 35 2
                                    


"BITIWAN mo ako!" aniya nang iyakap nito ang braso sa baywang niya. Mabilis siyang tumayo at itinakip ang bedsheet sa katawan.

"Kaydali mong magpalit ng mood. A while ago, you were so submissive," tukso nito na hindi tumatayo at nanatiling nakahiga, nakaunan sa dalawang kamay. At ni hindi pinagkaabalahang takpan ang sarili.

"Pinilit mo ako! Idagdag pa ang alak na iyon."

"Ah, ganoon?" amuse na tugon ng binata na tumayo at hinatak ang bedsheet na itinakip niya sa katawan.

Napatili si Megan.

"Eskandalosa,"natatawang sabi ni Miguel. "Maririnig tayo hanggang parking lot sa tili mong iyon." Muli siya nitong niyakap at hinalikan sa leeg.

"Bitiwan mo ako, Miguel. Gusto kong pumasok sa banyo para mag-shower."

"Ako rin. Then I'll take you home." Pinagapang nito ang mga daliri sa likod niya pababa.

"Hindi na kailangan. Kaya kong... M-Miguel, ano ba! Maliligo ako." Mga labi ni Miguel ang muling pumigil sa mga sasabihin niya.

Naglakbay pababa ang mga labing iyon.

And they never made it to the shower.

TINRAYDOR man siya ng sariling katawan ay hindi pa rin nagbabago ang damdamin ni Megan. Nagagalit pa rin siya kay Miguel.

Tinawagan niya si Sheila upang ito na ang mag-relay ng pagre-resign niya kung sakaling hindi sabihin ni Miguel.

Pero hindi rin pumayag ang kaibigan. Kinagabihan ay bisita niya si Miguel. Una'y hindi niya ito gustong harapin subalit nagpasabi sa katulong na papasukin siya sa silid kapag hindi bumaba.

"I love you, Meg. Paulit-ulit kong sinasabi sa iyo iyan," Simula ng binata. "At iyan ang totoo. I am willing to marry you anytime na gugustuhin mo. Alam kong nasa crossroad ka ngayon. Hahayaan muna kitang makapag-isip. And I wish you would let your heart decide. Wala akong inagrabyadong tao, Megan. Paniwalaan mo iyan. Trust. Isa iyan sa mahahalagang pundasyon ng isang relasyon. Kung kaya mo nang sabihing mahal mo ako at nagtitiwala ka sa akin, then, alam mo kung saan ako hahanapin." Nang tumayo ang binata at magpaalam ay gusto niya itong pigilan. Parang hinihiwa ng patalim ang puso niya.

Ang sabi niya noon, she'd rather cry a river than be married to a man she could not respect. Pero kaya ba niyang mawala si Miguel? At paano na ang nangyari sa kanila? Paano kung magbunga ito?

Nakalipas na si Gil at hindi naman talaga niya ito minahal. Anuman ang ginawa ni Miguel na kinasangkapan pati ang ama, he did it for love. At iniibig din niya ito. Hindi ba dapat ay kalimutan na lang niya ang ginawa ng mga ito kay Gil?

All is fair in love and war.

Nang gabi ring iyon ay kinausap niya ang mga magulang.
"At dahil sa nalaman mong iyon kaya nakipagkasira ka na kay Miguel?" anang papa niya.

Tumango siya.

"Mahal mo ba si Miguel, Meg?" ani Cecil na sinusuklay ng kamay ang buhok niya. "Oh, yes, Mom. I think I love him."

"Puntahan mo si Miguel, anak. Sabihin mong mahal mo siya. Kalimutan mo na si Gil. Pormal mo nang tinapos ang namagitan sa inyong dalawa."

"Tama ang mommy mo, hija. Natitiyak kong may dahilan ang mag-ama o ang opisina na i-terminate si Gil. Hindi ko kailangang sabihin sa iyong pagkomparahin mo ang dalawang lalaki dahil natitiyak kong ginawa mo na iyon. Hayaan mong pagpasiyahan ng puso mo iyan, Megan."

Salamat, Dad, Mom. I'll sleep on it." Hinalikan niya ang mga magulang at pumanhik na siya sa kanyang silid.

KINABUKASAN ng hapon ay nagtungo ng opisina si Megan. Pasakay siya sa elevator ay palabas naman si JS. "O, hija, akala ko ba absent ka ngayon?"

All-Time Favorite: Kung Kaya Mo Nang Sabihing Mahal Mo AkoWhere stories live. Discover now