Chapter 9

1.1K 17 0
                                    


"IBIG mong sabihin ay mag-on na kayo ni Mguel?" tanong sa kanya ni Sheila pagkapasok niya kina-Lunesan.

"It looks like it. Naguguluhan pa rin ako, Shel. Isipin mo ba namang nilagnat lang ako'y naiba na ang pangyayari sa buhay ko."

"Be happy about it. Kung ako ang tatanungin mo, Meg, ay mas preferred ko si Miguel kaysa sa ex-boyfriend mo. Maliban sa mahusay na accountant at guwapo ay wala na akong makitang iba pang katangian ni Gil." Muli ay kinapa ng dalaga ang dibdib sa sinabing iyon ng kaibigan. Nasaktan siya nang magsalita nang hindi maganda si Gil kay Sheila sa canteen. Pero bakit hindi siya nasasaktang ang kaibigan naman ang magsalita ng hindi pabor sa... ex-boyfriend niya?

"At sa nakikita ko sa iyo ay hindi mo mahal si Gil, Meg. Ni hindi ka naghihimutok. Oh, well, kung tulad naman ni Miguel ang kapalit, eh, hindi nga ako maghihimutok."

"Sinabi na rin ni Miguel iyan. Gusto ko na ngang paniwalaan na hindi ko talaga minahal si Gil. I am just confused. Kung hindi ko siya mahal, what kept us together for almost a year? At isiping gusto kong makasal na kami kaagad. Kung hindi enggrandeng kasal ang gusto niya, maaaring mag-asawa na kami ngayon."

"At magsisi hanggang sa huling sandali ng buhay mo!"

"Pero, Shel... nagi-guilty ako sa nangyari kay Gil. Napilitan siyang mag-resign dahil sa napahiya siya. Nagpapabigat sa dibdib ko iyon."

'Ay, naku, Meg. Kilala ko si Gil. Hindi magre-resign iyon kung dahil lang doon. Believe me, it's more than that. Kung ano ay ewan ko. Anyway, i-welcome mo ang bagong relationship mo kay Miguel with ardour," panghuling sabi ni Sheila kay Megan bago ito lumabas.

Nang dumating si JS ay sandali muna siya nitong kinumusta bago siya bumalik sa routine works.

Hindi rin nagtagal ay dumating si Miguel. May dala itong isang stem ng american rose na nakalagay sa box.

"For my special lady," nakangiting wika nito na inilapag sa harap niya ang box. "T-thank you..." Minsan man sa loob halos ng isang taon ay hindi siya nakatanggap kahit na bulaklak ng gumamela mula kay Gil.

Naging lubhang abala ang lahat dahil sa panibagong project. Si Miguel ay business- like ang trato sa kanya.

Bandang alas-dose ay nagpaalam si JS na may luncheon meeting sa labas kasama si Miguel at si Mr. Sarmiento. Maliban sa isang sulyap ay wala nang sinabi pa ang binata. Gustong masaktan ni Megan. Umaasa siya ng mas warmth na pakikitungo mula kay Miguel.

Pero bakit? Hindi ba at mas malamig pa roon ang pakikitungo ni Gil sa kanya? Maliban na lamang doon sa mga pagkakataong gusto siyang masarili ng lalaki.

Kaya nang yayain siyang mag-lunch m Sheila ay nagdahilan siyang busog. Nawalan siya ng ganang kumain.

Alas-kuwatro ng hapon nang tumawag si Miguel.

"Hello, love? Nandito pa kami sa opisina ng may-ari ng project. Nagmi-meeting pa rin."

"Oh!" Wala siyang masabi. Kabang-kaba ang dibdib niya.

"Drive to Manila Pen after office. Matapos man o hindi ang meeting, I'll meet you there. Sa lobby. Bye..."

"B-bye..."

Matagal na niyang naibaba ang telepono ay nakatanga pa rin siya.

"Ehem!" si Sheila na nakangiting pinagmamasdan siya.

"Baka kahit si Amorsolo ay hindi kayang ipinta ang mukha mo."

"Oh, Shel! Gusto ko lang kalmahin ang sarili ko. Naninibago ako sa nadarama ko. Sa panahon namin ni Gil ay hindi ko naranasan ang ganito."

Umupo si Sheila sa silya sa harap niya. "Pakieksplika nga po."

All-Time Favorite: Kung Kaya Mo Nang Sabihing Mahal Mo AkoWhere stories live. Discover now