Chapter 7

1K 19 1
                                    


MASAMA ang pakiramdam ni Megan nang magising kinabukasan pero nagpilit mag- ayos. Hindi siya a-absent ngayon. Gusto niyang naroon siya upang malaman ang resulta ng bidding.

Alas-nuwebe na nang dumating siya sa opisina. Nasa parking lot ang kotse niya. Naroon na marahil si Miguel.
Si Miguel... nagbuntong-hininga siya. Buong magdamag halos ay inokupa nito ang pag-iisip niya.

Kung patuloy na ganito, then she's asking for trouble.

Subalit pagdating sa itaas ay bakante ang mesa ng binata. Siguro ay ipinarada lang nito sa building ang kotse niya at nag-taxi pauwi. Saan nga pala ito umuuwi? Oh dear, how little did she know about him. Tapos hayun at pinahintulutan niyang halikan siya nito sa paraang minsan man ay hindi niya ipinahintulot kay Gil.

Hindi niya gustong mag-type dahil wala siya sa kondisyon. Masama talaga ang timpla ng katawan niya kagabi pa. Ipinaligo niya ito kaninang umaga pero lalo pa yatang sumama. Parang mainit ang pakiramdam niya.

Inaayos niya ang filing cabinet nang makadama siya ng pagkahilo. Agad siyang naupo. Isinubsob ang sarili sa mesa. Sa ganoon siya inabutan ni JS.

"Are you all right, Megan?"

Nag-angat ng ulo ang dalaga. Nahihiyang sinuklay ng daliri ang buhok. "'Morning, JS."

"Why, you look. Nilapitan siya nito at hinawakan sa braso. Tapos ay dinama ang noo. "Mainit ka, bakit ka pumasok?"

Mabuway siyang ngumiti. "I wouldn't miss this day for anything."

Umiling ang matanda. May dinukot na susi sa bulsa. "Alam kong gusto mong malaman agad ang resulta ng trabaho natin, but you look like hell. Heto ang susi ng penthouse. Magpahinga ka muna roon. Ipahahatid kita kay Miguel o kay Gil. Kung sino ang maunang dumating sa dalawa."

"Thanks, boss." Inabot niya ang susi mula sa matanda.
Dati-rati ay ginagamit niya ang hagdan pagpanhik sa penthouse pero hindi ngayon. Nanghihina ang mga tuhod niya. Nag-elevator siya.

Ni hindi siya magkandatuto sa pagsusuot ng susi sa pinto. Pagkabukas ay pumasok siya at nalimutan ng hugutin ang susi sa susian. Biglang nanginig sa ginaw ang dalaga. Bakit bukas ang airconditioner?

Ibabagsak na lang niya ang sarili sa sofa nang mula sa isang kuwarto ay lumabas si Miguel. Nakatapis lang ito ng tuwalya at halatang katatapos lang maligo.

Pareho pa silang nagkagulatan. Si Megan ay hindi malaman ang sasabihin. Nasa harap niya ang laman ng isip niya sa magdamag-in bare flesh! Hunk and sexy sa tumutulo pang buhok.

Mula sa matitipunong dibdib ay bumaba ang mga mata niya hanggang sa mga binti nito at hanggang sa mga paang nakalubog sa carpet.

"A-anong ginagawa mo rito?" nauutal niyang tanong. Gusto niyang tumalikod at lumabas pero ayaw ng mga binti niya.

"Hindi ba dapat na ako ang magtatanong niyan? Surely, alam mong ipinagagamit ni JS ang penthouse para sa mga nag-o-overtime na executive?"

"N-no. Hindi ko alam." Na ang ibig niyang sabihin ay hindi niya alam na doon natulog ang binata.

Dahan-dahang lumapit si Miguel. Ang warning bell sa ulo niya ay nagbabadyang lumabas na siya pero ipinako yata ang mga binti niya sa carpet.

Hinapit siya nito. "You expect me to believe that? This time ay walang iistorbo sa atin."

"B-bitiwan mo ako!" mabuway niyang piglas. Marahil dahil nanghihina siya dala ng sama ng katawan. O marahil ay dahil hindi naman niya talaga gustong magpumiglas.

"Sshh... Don't fight, Meg," his voice husky and seductive.

"D-don't do this, Miguel," hilong-hilo siyang talaga. Ginaw na ginaw at gusto na niyang matulog.

All-Time Favorite: Kung Kaya Mo Nang Sabihing Mahal Mo AkoWhere stories live. Discover now