Chapter 4

935 18 0
                                    


KUNG paano nakapagtrabaho nang maayos si Megan sa sumunod na mga sandali ay ewan niya.

Sa pagitan ng phone calls, dictations, at typing jobs ay lumipas ang umagang iyon. Umalis si JS bago mananghali kasama si Miguel. Subalit mag-isa na langna bumalik ang huli nang bandang ala-una y medya.

Hustong nakaupo ito nang tumunog ang telepono. Sinagot iyon ng dalaga. "Hello... yes..." Sinulyapan si Miguel. "Para sa iyo," aniya sa uncompromising tone. Tumayo ang lalaki at lumakad patungo sa mesa niya at sinagot ang telepono. May kung ilang minuto ring nag-usap ang mga ito at walang naunawaan si Megan.

Hindi dahil sa gusto niyang makinig pero nasa mesa lang niya ito dahil wala pang extension ang lalaki sa puwesto nito.

"Bakit hindi mo sinabi sa aking tumawag si Irma kahapon?" tanong nito kay Megan nang maibaba ang telepono.

Hindi agad makaapuhap ng isasagot ang dalaga. Nawala sa isip niya iyon. At sa pagnanais na depensahan ang sarili ay galit ang ipinanlaban niya.

"Sana ay ipinaliwanag mo sa akin na maliban kay JS ay boss na rin kita."

Naningkit ang mga mata ni Miguel sa sagot niya. Inikutan siya nito.

"You're right," mariing wika nito na hinawakan ang braso niya. "Si JS ang boss mo. Pero hindi mo ba alam ang kahulugan ng salitang pakikisama?"

"Bitiwan mo ako!" Pilit niyang binabawi ang braso subalit mahigpit ang pagkakahawak dito ni Miguel. "Bakit ko kailangang makisama sa iyo? Didn't we just agree that we hated each other?"

"Next time, you should learn when to separate per-sonal from business," wika nito sa boses na bagama't mahina ay maririin ang bawat salita.

"Next time, ibibilin mo sa mga babaeng tatawag sa iyo kung ano ang sadya nila sa iyo! Ow, nalimutan ko nga palang isiping you could be their business!" aniya sa kaparehong tono.

"Ah, ganoon!" Marahas siyang hinatak nito patayo. At sa lakas ng pagkakahila ay napatayo siyang talaga at halos napayakap na dito.

"Don't you know that you are my business, too? First and foremost," patuloy ni Miguel na mula sa braso niya ay lumipat ang kamay nito sa baywang niya. Ang isa ay sa batok niya nakahawak at hinila ang buhok paibaba upang mapatingala siya rito.

Then she was being kissed brutally!

Hindi nakakilos si Megan sa kabiglaanan. Ang mga kamay niya ay nakatukod sa dibdib ni Miguel. At ang katawan niya ay nakapagitan sa mga binti nito.

At dahil nga sa nabigla ay hindi niya nagawang mag-umalpas. Naroon lang siya na tila nagpapaubaya. Na naging sanhi ng pagbabago ng paraan ng paghalik ng binata. He was kissing her softly and gently. Causing her to respond.

Hindi sinasadya, she parted her lips and welcomed the probing of his mouth. Napaungol si Miguel sa ginawa niya. Lumalim ang paghalik nito. Mula sa marahas na pagkakahawak sa buhok niya, he was now gently cupping her head.

At ang tila boltahe ng kuryente na naglakbay sa katawan ng dalaga ay nagpahina sa mga tuhod niya. And why was he gentle? Hindi ba at galit ito?

At bakit tumigil yata sa pag-ikot ang mundo at naroon lang sila, suspended in time and space.

Segundo lang ba ang itinagal ng paghalik sa kanya ni Miguel? Or was it ages?

Bahagya pa siyang napaatras nang bitiwan siya ng lalaki. Nawalan ng lakas ang mga binti niya. Hahawakan sana siyang muli nito upang alalayan subalit agad siyang umupo sa swivel chair.

Isang nakabibinging katahimikan ang sumunod. Nag-iinit ang sulok ng mga mata niya.

Si Miguel ay nalito rin. Akma siyang hahawakang muli subalit pinagulong niya paatras ang upuan.

All-Time Favorite: Kung Kaya Mo Nang Sabihing Mahal Mo AkoWhere stories live. Discover now