Chapter 6

1K 21 0
                                    


HINDI siya inihatid ni Gil nang hapong iyon dahil pareho naman silang may dalang sasakyan. Maliban pa sa nauna na itong umalis ng opisina. Pero panauhin niya ang kasintahan nang gabing iyon.

"Bakit mag-aalas-dos na kayong nakabalik ni Miguel mula sa bangko kanina?"

"Lunchtime na nang matapos ang mga transactions sa bangko. Nagtuloy na kaming mananghalian," kaswal na sagot ng dalaga na inuugoy-ugoy ang swing na bakal. "I thought you don't like the guy?"

"Personal iyon, Gil. Pero kanina, he started becoming friendly."

"Ano ba talaga ang trabaho ng PA na iyan? Hindi ba dapat ay nasa Personnel siya?" Nagkibit ng balikat ang dalaga.

"Dapat. Pero si JS ang naglagay sa kanya sa itaas. Isa siyang engineer, Gil."

"Really? So, anong ginagawa niya sa administrative position?"

"Gil, hindi ka nagpunta rito para si Miguel ang pag-usapan natin," naiiritang wika niya.

"Nagtataka lang kasi ako, Meg. Kumikilos ang Miguel na ito na parang siya ang may-ari ng Santana Construction."

"Ganoon ka rin naman, 'di ba? Ang kaibahan lang ninyong dalawa, pagdating sa bagay na iyon ay pinupuwersa mo ang authority mo. Si Miguel ay hindi.Taglay niya ang pamamaraan ni JS." Ano na naman ba ang nakain niya at ipinagtatanggol niya si Miguel sa harap ng kasintahan?

"Ito ang ikalawang pagkakataong ipinagtanggol mo ang Miguel na iyan sa akin, Megan. Nagtataka ako dahil dati-rati, lahat ng sabihin ko sa iyo ay sinasang-ayunan mo, "matiim siyang tinitigan nito.

"I should have not done so. Ngayon ko lang na-realize. Tuloy tingin ko ba, ako pa ang instrumento sa paglaki ng ulo mo. Ang gusto ko lang namang mangyari Gil, matuto kang makisama sa mga subordinate."

"Megan, 1 can't believe you telling me that! Kung mayroon man tayong hindi pinagkakasunduan in the past ay 'yong tungkol lang sa pag-ayaw mo sa pre-marital sex. Ngayon, twice na tayong nagtalo dahil lang sa PA na iyon."

Huminga nang malalim si Megan. "Hindi si Miguel ang pinagtatalunan natin. Ang attitude mo... oh, hintuan na nga natin ang pag-uusap na ito. Ikaw naman ang nagbukas ng topic na ito, eh."

Bagaman naiirita pa rin ay tumango si Gil. Kinabig nito ang kasintahan.

"I'm sorry. Ano ang gusto mong pag-usapan natin?"
Inihilig ng dalaga ang ulo niya sa balikat ng katipan. Subalit malayo rito ang isip niya.

ILANG minuto na siyang abala sa harap ng computer kaya hindi niya namamalayang nasa likod na niya si Miguel at pinanonood siya.

Nagulat pa siya nang itukod nito ang isang kamay sa mesa at ang isa ay sa ibabaw ng computer.

"Mguel!" bulalas niya. Bahagyang inusog ang swivel chair. Napakalapit ng binata. "D-dito ka na. Mamaya ko na lang tatapusin ito." Akma siyang tatayo pero pinigil siya nito.

"Go ahead. Puwede naman akong magtrabaho sa conference room o di kaya ay sa mesa mo." Humaplos sa pisngi niya ang hininga nito.

I hope you'll go, bulong niya. Paano akong makapagtatrabaho nito?

Inalis ng lalaki ang kamay mula sa computer.
Naramdaman ng dalaga iyon sa ulo niya. Tinatanggal nito ang ipit na nakalagay sa pusod ng buhok niya.

"You have the blackest hair I've ever seen. And I like it better kung nakalugay ng ganyan."

Mabilis na inikot ng dalaga ang swivel chair at hinarap si Miguel.

"Come on, Miguel... don't flirt with me."

"At bakit hindi?" Muling itinukod ng binata ang mga kamay sa annrest ng silya. Nakulong si Megan.

"May... may boyfriend na ako. Hindi magandang tingnan." Abot-abot ang tambol ng dibdib niya na sa wari ay maaaring naririnig ng binata.

All-Time Favorite: Kung Kaya Mo Nang Sabihing Mahal Mo AkoWhere stories live. Discover now