Chapter 10

1.2K 19 0
                                    


SWEET and thoughtful si Miguel sa labas pero very professional pagdating sa opisina. Kahit ang mga magulang niya ay walang maipipintas sa binata.

At natitiyak na niyang mahal niya itong talaga. Subalit hindi pa niya maisatinig ang damdamin niya rito. Nakapagitan sa isip niya si Gil.

Kung sana man lang ay naging maayos ang paghihiwalay nila. At kung sana man lang ay hindi nito kailangang mag-resign. Maliban sa mga ito ay nasa pag-iingat pa niya ang passbook ng joint account nila na kung saan ay pag-aari ni Gil ang kalahati.

ISANG Linggo ng tanghali ay nasa kanila si Miguel at nagtulong silang dalawa na mag- baked ng halaan.

"Ouch!" hiyaw niya na naibagsak sa range ang tray na kinuha mula sa oven. Mabilis na lumapit si Mguel." Ano ang nangyari?"

"N-napaso ako. Lumusot sa pot holder ang thumb finger ko."

"Akina nga." Itinaas nito ang kamay niya. "Namumula na. Teka at ikukuha kita ng yelo."

Binuksan nito ang freezer at kumuha ng ice cubes. Inihaplos ang yelo sa napasong daliri niya.

"Tiyak may ointment kayo rito para sa napaso?"

"Mamaya na lang. Kaunting paso lang iyan plus na- first aid mo na." "Minsan ka lang magluto, napaso ka pa. Paano ka mag-aasawa niyan?"

"Eh, di ikaw ang magluto," ganting-biro niya na ikinatawa ng binata. "Nangangahulugan ba iyan na maaari ko nang yayaing mamanhikan si JS at si Tita Esmeralda?"

Inirapan niya ito. "Limang linggo pa lang tayong mag-on, ha? Isa pa, nag-e-enjoy ako sa relationship natin."

"Mas mahusay akong asawa kaysa boyfriend. Inaapura na ako ni JS. Maniniwala ka ba kung sabihin ko sa iyong matagal ka na noong inirereto sa akin?"

"Ow?"

"Alam niyang nasa penthouse ako noong masama ang pakiramdam mo dahil hindi ako umuwi ng bahay at iniwan niya ako doon. Nang sabihin kong inalisan kita ng damit ay pinaniwala niya akong si Esmeralda ang tatawagan niya pero ang mga magulang mo sa halip."

"I can't believe it!" natatawang wika niya.

"Maniwala ka. He's trying to play cupid," natatawa pa ring wika ni Miguel na dinala ang tray ng yelo sa gripo.

Nag-ring ang telepono sa sala. Lumabas ang dalaga upang sagutin ito.

"Ako na, Ising," aniya sa katulong.

"Hello..."

"Hello? Megan..."

Si Gil! "G-Gil..." bulong niya sabay sulyap kay Miguel na tinitikman ang hinangong halaan mula sa oven.

"Maaari ba tayong magkita?"

"S-saan?"

"Mag-half-day ka bukas, Sa Virra Mall. Sa dati nating kinakainan. Ala-una, dapat ay nandoon ka na."

"I'll be there. Bye."

Sinalubong na niya si Miguel na papalabas bitbit ang tray ng baked halaan. "Sino ang tumawag?"

Nagkibit siya ng balikat. "Isang dating classmate sa college. Nangungumusta."

"Tara sa video room," yakag ng binata. "Panoorin natin ang tape na dala ko. Concert ni Michael Jackson." Walang kibong sumunod ang dalaga. Bakit hindi niya sinabi kay Miguel na tumawag si Gil?

Natapat na may luncheon meeting si Miguel kinabukasan ng tanghali kaya hindi na nahirapang magpaliwanag si Megan na magha-half day.

Menos kinse bago mag-ala-una ay naroon na siya. Umupo siya sa sulok na mesa at um-order ng juice at sandwich. Hindi naglipat minuto ay dumating si Gil. Umupo ito sa tapatniya.

All-Time Favorite: Kung Kaya Mo Nang Sabihing Mahal Mo AkoWhere stories live. Discover now