Chapter 2

1.1K 14 1
                                    


PALABAS si Miguel nang pumanhik si Gil. Sandaling nagtanguan ang dalawang lalaki.

"Lalabas ba tayo?" salubong ni Megan.

Nagkamot ng ulo ang binata. "I'm sorry, sweet, pero hindi ba puwedeng si Sheila na lang muna ang kasama mo?"

"Bakit na naman?" naiiritang tanong ng dalaga.

Sa loob ng straight isang linggo ay hindi niya ito nakasama sa tanghalian at hindi rin siya nito inihahatid.

"May kausap akong kakilala sa labas, Meg. May pinag-uusapan kaming negosyo. Anyway, para din naman sa atin ito, 'di ba?"

"Na naman!"

"Pero ihahatid kita mamaya pag-uwi, okay?" nakangiting agap ni Gil. Lumitaw ang dimple nito sa magkabilang pisngi. How boyishly handsome he is.

"Why, thank you, Mr. Lariosa!" sarkastikong tugon ng dalaga.

"Please, Meg..."

Huminga siya nang malalim. "All right."

"See you this afternoon."

Naiwang nag-iisip si Megan. Kung hindi sa tanghali ay pagkalabas ng opisina sa hapon ang sinasabi ng katipan na may ginagawa itong sideline sa mga kakilalang gustong ipaayos ang libro.

Para rin daw sa kanila ang ginagawang ito ni Gil. Balak nilang magpakasal sa isang taon.

May mahigit na isang buwan na mula nang umpisahan ni Gil ang sinasabing sideline. Ayon pa dito ay may mga kakilala itong nagsisimula pa lang sa maliit na mga negosyo at hindi pa kayang bumayad ng accountant.

Masipag at matalino si Gil. Nauna ito ng isang taon sa kompanya bago siya. Nagsimula bilang accounting clerk. Nang pumasa sa board at mapabilang sa top ten ay na-promote bilang senior accountant. At makalipas lamang ang dalawang taon ay naging accounting manager.

Hindi lang iyon, ipinahihiwatig ng VP-Finance na si Mr. Amaldo na naka-line up ang binata for another promotion. Tila magre-resign ang comptroller at mag-a-abroad. "I'm so proud of you, Gil. Kung saka-sakali ay nakatatlong promosyon ka sa loob lamang ng mahigit na apat na taon," minsan ay nasabi niya rito.

"Dapat lang, Meg, hindi ba? I worked hard for this company," may bahagyang himig ng pagyayabang na sagot nito. "Naranasan ko kung paano ang walang pera. At isinumpa kong kahit na anong mangyari ay hindi ko babalikan ang kahirapang dinanas ko!" hindi maikakaila ang determinasyon sa tinig nito. A grim determination.

Galing sa inahirap na pamilya sina Gil at walang pinag-aralan ang mga magulang. Subalit sinikap ng mga itong makatapos ang mga anak kahit elementarya man lang. Likas na matalino, nakatuntong ng high school si Gil sa pamamagitan ng scholarship. Nagpatuloy ang scholarship hanggang kolehiyo at patuloy rin si Gil sa sari- saring trabahong maaaring gawin.

Dito niya hinangaan ang binata. Sa pagiging masikap at matiyaga. Hindi pa man sila magkasintahan ay magaan na ang loob ni Gil na ikuwento ang buhay sa kanya.

"Maganda na ang buhay ninyo ngayon, Gil. Napag-aral mo na ang bunsong kapatid mo sa isang pribadong paaralan. Naipagamot mo ang tatay mo," aniya dito. Matagal nang maysakit na tuberculosis ang tatay nito. On and off ang pagpapagamot.

"Marami pa akong pangarap sa buhay, Meg. Hindi ako titigil hangga't hmdi ko nakakamtan iyon."

"Hindi ba ako kasali sa mga pangarap na iyon?" birong may halong katotohanang tanong niya.

"Alam mo naman ang sagot doon, 'di ba? I love you and I need you, Megan," usal ng binata.

"I need you." Malimit sabihin ni Gil sa kanya iyon. Dobleng pangangailangan para kay Megan ang kahulugan.

All-Time Favorite: Kung Kaya Mo Nang Sabihing Mahal Mo Akoحيث تعيش القصص. اكتشف الآن