Chapter 8

1K 19 2
                                    


NANG magmulat ng mga mata si Megan ay nasa isang hospital, suite na siya. Iginala niya ang mga mata sa paligid. May mga bulaklak ng rosas sa mesa sa gilid ng hospital bed.

Inabot niya ang tarheta at binasa ang nakasulat doon. 'Call me if you need me -Miguel.' Miguel! Pumikit ang dalaga at sinikap alalahanin ang mga nangyari.

Noon biglang bumukas ang pinto. Pumasok si Gil. "Gil..."

Matiim siyang tiningnan nito. Tumayo ito sa may tagiliran ng kama. "Marami kang dapat ipaliwanag sa akin, Megan!"

Nagsalubong ang mga kilay ng dalaga. "H-hindi mo man lang ba ako kukumustahin?"

Tumaas ang isang sulok ng mga labi ng lalaki na tila nang-uuyam. "Sa nakikita ko ay natitiyak kong naka-recover ka na sa virus na dumapo sa iyo kung anoman iyon. But I doubt kung makaka-recover ka sa virus na kumakalat sa buong opisina."

"Ano ba ang ibig mong sabihin?"

"May mga nakakita sa iyo nang buhatin ka ni Miguel mula sa penthouse pababa kahapon ng umaga."

Muling nag-isip ang dalaga. "Siguro. Ang alam ko'y pinapanhik ako ni JS sa penthouse upang palipasin ang pagsama ng pakiramdam ko. Dinatnan ko roon si Miguel Hindi ko na matandaan ang kasunod."

"Maaari. Pero paano mo ipaliliwanag na suot mo ang polo ng lalaking iyon habang binubuhat ka niya? At ang mga lumabas sa bibig mo habang nasa elevator kayo?" pagalit nitong sabi.

"A-ano'ng sinasabi mo?" naguguluhang wika ng dalaga.

"Pinag-uusapan at pinagtatawanan ako sa opisina, Megan, dahil sa mga nangyari kahapon na hindi ko alam!" Bago pa nakasagot ang nalilitong dalaga ay bumukas ang pinto. Pumasok ang mommy niya.

"Narito ka pala, Gil."

Bahagya lang tumango ang lalaki na hindi nagbabago ang ekspresyon ng mukha. Dumeretso kay Megan si Cecil at isinubo ang oral thermometer sa kanya at pinulsuhan siya.

Pinaglipat-lipat ng doktora ang tingin sa dalawa.

Napupuna nito ang pag-iigting ng mga bagang ng lalaki. Ang kalituhan sa mukha ni Megan.

"Thirty seven point six. Bumaba na ang lagnat mo, hija. At kung magtutuloy-tuloy iyan hanggang mamayang hapon, puwede na kitang i-release bukas." Pagkatapos ay binalingan nito si Gil. "Kung anuman ang problema ninyong dalawa ni Megan. Gil, perhaps that can wait until she gets well. Baka siya mabinat."

Tumaas ang dibdib ng lalaki at muling tinitigan ng matalim ang kasintahan. Pagkatapos ay walang sabi-sabing lumabas.

"Hindi ba mukhang kagaspangan naman ang ginawa ng lalaking iyon?" anang ina ni Megan. "Granting na nagagalit siya sa iyo, pero nandito ako. He could have shown a little respect."

"Ano ba ang nangyari, Mommy? Paano akong napunta dito sa ospital?" "Tinawagan kami ni Mr. Santana at ipinaalam ang kalagayan mo. Nag-aapoy ka sa lagnat nang datnan namin sa itaas ng penthouse. Your clothes off, at si Miguel ay nakatapis lang ng tuwalya."

Nakatapis ng tuwalya! "Oh yes! Kalalabas lang siguro noong tao mula sa banyo.

Pero iyong wala akong damit... bakit?"

Nagkibit ng balikat ang doktora. "Inisip ng lalaking iyon na baka ka magkapulmonya kung hindi niya aalisin ang damit mong basang-basa ng pawis."

Namula ang dalaga. Hinubaran siya ni Miguel! "Wait till you hear the worst part," sarkastikong ngumiti si Cecil. "Both of you were whispering endearments to each other. You were delirious, pero hindi ang lalaking iyon."

"Mom!"

"I was horrified, really. Si Gil ang kasintahan mo pagkatapos ay maririnig kitang humihingi ng halik sa lalaking iyon? Oh well, he maybe handsome pero hindi binibigyang katwiran noon ang mga pinagsasabi mo. At may tatlong tao kaming nakasabay sa elevator nang ibaba ka ni Miguel. At kahit sinong makakakita sa inyo ay hindi iisiping wala kayong relasyon. Miguel was dead worried about you, yet he was so gentle and caring. Kaninang umaga ka lang niya iniwan mula kahapong dalhin ka rito "Oh, Mom! No wonder galit na galit si Gil," nanlulumong wika niya. "Ano'ng sabi ng Daddy?" aniya makaraan ang ilang sandali.

All-Time Favorite: Kung Kaya Mo Nang Sabihing Mahal Mo AkoWhere stories live. Discover now