ᴄʜᴀᴘᴛᴇʀ 13 ᴅʀ. ᴋᴀɪ ᴋɪᴍ ɪs ʙᴀᴄᴋ.

8 3 0
                                    

Samantala ay bumalik muli si Richard sa ECMH kasama ang ilan staff niya sa NSMH, nakarating kay Suho ang tungkol dito kaya naman dali dali siyang lumabas ng kanyang opisina.

Pagpunta niya sa labas ng ER ay nakita niya na tila nagkakagulo ang mga staff niya at nandoon din si Chen.

"Ano na naman kaguluhan ito, saad ni Suho.

At tila ng natahimik ang mundo ng dumating si Suho.

"Ano na naman ang binabalak mo nung una konti lang sa mga staff mo ang kasama mo, ngayon mukhang halos lahat sinama mo? Saad ni Suho.

"Hindi ka na nainform ng bagong Chairman ng foundation na si Rafael Jeon na simula sa araw na ito ako na ngayon ang bagong director ng hospital na ito, saad ni Richard.

"Ano? Pinagsasabi mo? Paaalisin niyo ko sa posisyon ko who do you think you are para mag desisyon, saad ni Chen.

"Hindi ka ba kuntento sa NSMH pati dito gusto mong pamunuan HAHAHA pero ang tanong may alam ka ba sa pagiging director ng hospital? Saad ni Suho na tila nang aasar.

"Kay Chairman kayo makipag usap, saad ni Richard.

Saka dumating na nga si Chairman.

"Kamusta long to no see Suho Kim, saad ni Rafael.

"Rafael tagal natin di nagkita hindi ko akalain na hindi magiging maganda ang muli natin pagkikita(Sigh) saad ni Suho.

"Bakit ano bang inaasahan mong magandang mangyayari sa pagkikita natin, saad ni Rafael.

"Wala naman sa totoo lang ayoko ngang makita ka, saad ni Suho na tila nang aasar.

"Nagpapatawa ka ba? Btw hindi nako magpapaligoy ligoy pa simula ngayon si Prof. Richard Choi na ang bagong director sa hospital na ito, siya na ang masusunod sa kung ano ang dapat gawin sa hospital na ito, saad ni Rafael.

Hanggang sa narinig sila ni James.

"Dad? What did you say? Aalisin niyo kay Prof. Park ang posisyon niya dito, saad ni James.

"Ikaw pala my son you're right mas mabuti na yun para naman nagagampanan ni Prof. Park ang trabaho niya bilang isang doctor, besides hindi magtatagal ikaw naman ang pauupuin ko sa posisyon na iyon  saad ni Rafael.

"No dad hindi ako kailan man papayag na maging director dito, dahil ang trabaho ko ay doctor ibig sabihin trabaho ko ang gumamot ng mga pasyente at hindi maging boss sa hospital, saad ni Jeon

"Buti pa itong anak mo matalino alam kung ano talaga ang tungkulin niya hindi katulad mo na tinalikuran ang pagiging doktor para lang sa mataas na posisyon, alam mo Rafael minsan nagtataka ako kung ama ka ba talaga ni Dr. James Jeon kasi sa totoo lang magkaibang magkaiba kayo, saad ni Suho.

"Wala akong pakialam sa mga pinagsasabi mo buo na ang desisyon ko tandaan mo under pa rin kayo ng foundation na hinahandle ko, saad ni Rafael.

Hanggang sa....

"Anong meron?kababalik ko lang may gulo agad, biglang sabat ni Kai.

Dr. Kim you're back! Saad naman ng staff dito.

"Yes I'm back nabalitaan ko kasi na mapapalitan na daw ang director ng hospital namin, mas qualified ako dyan since ako ang panganay na anak ni Prof. Suho Kim at isa sa nag mamay ari ng hospital na ito, saad ni Kai.

"Ang taas ng confident mo bata, saad ni Rafael.

"Oo naman po kaya nga sabi ko mas qualified ako na umupo sa posisyon na yun, btw before I forgot I remember na never humingi ng tulong si dad sa foundation, sariling PERA niya mismo ang pinang gastos sa mga gamit dito so ibig sabihin hindi under ng foundation mo po ang hospital na ito tama ako hindi ba, anong masasabi niyo guys, saad ni Kai na tila nang aasar.

Sabay sumang ayon naman ang lahat sa sinambit ni Kai kaya mas lalong nainis si Rafael, habang sina Suho at Irene ay natawa naman ng palihim sa sinambit ng anak.

"Iba ang talas ng dila mo bata gusto ko lang ipaalala sayo galing pa rin sa foundation ang lupa na kinatatayuan ng hospital niyo, kaya wala kang karapatan kontrahin ako, saad ni Rafael.

"Dad that's enough hindi mo dapat inaabuso ang posisyon mo hindi tama yan, saad ni James.

"My son hindi ko alam kung anong klaseng pangbibilog ang ginawa sayo ni Suho at napakalaki ng pinagbago mo, saad ni Rafael.

"Tulad na nga sinabi ko magkaiba kayo ng anak mo kaya wag ka ng magtaka, but anyway kung yan ang gusto mo fine simula sa araw na ito si Prof. Richard Choi na ang bagong director sa hospit ko, saad ni Suho.

At nagulat ang lahat sa sinambit nito.

"Pero ito lang ang sasabihin ko sayo Richard Choi wag na wag mong pakikialaman ang mga staff ko sa ER or else sisiguraduhin kong hindi ka makakatagal dito, saad ni Suho.

"Are you threathing me, saad ni Richard.

"Hindi pananakot yun warning lang para alam mo, saad ni Suho.

"Everyone sige na go back to work, dagdag pa niya.

saka umalis na siya upang magtungo sa opisina niya at sumunod naman sa kanya sila Chen at Kai.

Suho Office:

"Honey bakit naman sumang ayon ka sa gusto nila, saad ni Irene.

"Hayaan mo natin sila gusto kong malaman kung anong klaseng pamumuno ang gagawin ni Richard, okay lang naman sayo diba chen, saad ni Suho.

"No problem much better na yun para makapagpahinga rin ako sa mga gawain ko dun, besides mas namiss kong magfocus sa trabaho ko bilang isang doctor, saad ni Chen.

Saka napangiti naman sila Suho dito.

"Anyway anak welcome back, saad ni Suho.

Sabay niyakap ni Kai ang ama at ina niya ganun din naman sila Chen at Seulgi.

"Namiss ko po kayo, saad ni Kai.

"Namiss ka rin namin, saad nila Suho.

Saka nag ngitian sila at hindi nagtagal ay nagpaalam na si Kai kala suho upang magsimula na muling mag trabaho.

Samantala ay nang matapoa ang kaguluhan sa first floor ay nagtungo si Dylan sa ICU upang imonitor si Congressman habang si Shenyue ay papunta sa lang sa pasyente niyang bata.

Pagpunta niya sa ICU para tignan ang batang pasyente niya ay napansin niya na binubogbog ng asawang lalaki ang nanay ng pasyente niya kaya inawat niya ito.

The Doctors Bk2(Feat Dyshen Couple)Where stories live. Discover now