ᴄʜᴀᴘᴛᴇʀ 29: ᴅʏʟᴀɴ ɪs ɪɴ ᴅᴀɴɢᴇʀ

9 3 2
                                    

Hindi nagtagal ay nakapag ayos na silang lahat kaya naman nagtungo muna sila sa kubo na tinuluyan nila kagabi upang kunin ang mga naiwan pa nilang gamit.

Sa Kubo:

Habang abala sila sa pag aayos ng kanilang mga gamit ay bigla na lang umulan.

"Naku! Bakit ngayon pa umulan kung kailan naman pauwi na tayo oh, saad ni Yuri.

"Kaya nga e hay ano ba yan, saad ni Shenyue.

Hanggang sa dumating si Divina.

"Magandang hapon po mga doc, saad ni Divina.

"Magandang hapon din po kapitana, saad nilang lahat.

"Malakas pa po ang ulan sa labas mukhang hindi pa kayo makakauwi ngayon dahil delikado dito pag umuulan madulas ang daan, saad ni Divina.

"Ganun po ba di bale dito na lang po muna kami magpapalipas ng gabi, saad ni Irene.

"Sige po magsabi lang po kung may kailangan pa kayo, saad ni Divina.

At napatango na lamang sila saka nagpaalam na si Kapitana sa kanila.

Samantala ay nanatili nga muna sila sa kubo.

"Hay ayoko ng mag stay dito, saad ni Rose.

"Kung gusto mo mauna ka na pero kapag may nangyaring masama sayo labas kami dun, saad ni Yuri.

Napatahimik na lamang si Rose samantala napapansin nila na tila lumalakas pa ang ulan kaya naman nagtulong tulong sila na isara ang mga bintana.

Habang sinasara ni Shenyue ang bintana ay nasugatan siya sapagkat masyadong matigas ang bintahan ay mahirap itong ibaba, napansin naman siya ni Dylan kaya tinulungan siya nito, pagkatapos ay nilapitan niya si Shenyue upang tignan ang sugat nito.

"Patingin nga next time kasi mag iingat ka, saad ni Dylan.

Sabay kumuha ito ng first aid kit saka ginamot niya ang sugat ni shenyue sa daliri.

"Buti na lang maliit lang ang sugat mo ma bleeding nga lang, saad ni Dylan, habang ginagamot ang sugat ni Shenyue.

"Ah ako na dyan kaya ko na gamutin yan, saad ni Shenyue.

"Wag kang malikot, saad ni Dylan.

At sumunod na nga si Shenyue sa kanya.

"Bakit ba ang bait bait mo sakin, saad ni Shenyue.

"Di ba obvious gusto nga kasi kita besides dapat lang na itrato ko ng maayos ang future girlfriend ko, saad ni Dylan.

Nagulat naman si Shenyue sa binanggit nito.

"Future girfriend ka dyan tumigil ka nga, saad ni Shenyue.

"Bakit wala ba akong pag asa, saad ni Dylan.

"Tumigil ka nga binabagyo na nga tayo dito kung ano ano pa pinagsasabi mo dyan, saad ni Shenyue.

"Edi kapag nakabalik na tayo give me your answer okay hehe, saad ni Dylan.

"You?!!... Saad ni Shenyue.

Natawa naman si Dylan sa kanya.

Hindi nagtagal ay nagpahinga na silang lahat, nanatili nga sila sa kubo upang magpatila ng ulan.

Kinabukasan:

Paggising nila ay umuulan pa rin ngunit mahina na lamang ito ganun pa man ay napakadelikado pa rin sapagkat madulas ang daan doon.

"Hay ano ba yan di pa rin tumigil ang ulan, saad ni Shenyue.

Hanggang sa tinawag sila ni kapitana.

"Kapitana bakit po anong nangyari, saad ni Irene.

"Kailangan po namin ng tulong niyo may batang naaksidente daw po, saad ni Divina.

At pinuntahan na nila ito kahit pa maulan.

"Nasaan yung naaksidente, saad ni Yuri.

Saka nilapitan ito ni Yuri hinawakan niya ang binti ng bata at namilit naman ito sa sakit.

"Na fractured ang bone niya, kailangan ko ng bandage at splint, saad ni Yuri.

"Ako ng maglilinis ng mga sugat niya, saad ni Kai.

At tumango naman ito samantala ay nilagyan na ng splint at bandage ni yuri ang injury ng bata.

"Okay need natin siyang dalhin sa hospital, saad ni Yuri.

"Pero paano umuulan pa at madulas ang daan, saad ni James.

Napaisip naman si Yuri.

Hanggang sa napansin nila na tila nahihirapan huminga ang pasyente.

"Allergic po ang batang yan sa pollen at peanut, saad ni Divina.

"Hanapin niyo baka may nakadikit na mga pollen sa kanya, saad ni Kai.

At hinanap nga nila ito may ilang pollen silang nakuha mula sa damit ng bata.

"Nahihirapan siyang huminga from bloated throat dahil sa matinding allergy, saad ni Yuri.

"May tracheal intubation kit ba tayo? Dagdag pa niya.

"Wala po doc, saad ni Jay.

"Bigyan niyo na lang ako ng scissor, alcohol at anesthesia, saad ni Yuri.

At ganun nga ang ginawa nila saka sinimulan na ni Yuri ang kanyang gagawin.

"Scalpel please, saad ni Yuri.

Sala binigay nga sa kanya ang scalpel.

Hindi nagtagal ay naagapan na nila ang pasyente at nakahinga naman ng maluwag ang lahat.

"Need na siyang madala sa hospital as soon as possible, saad ni Yuri.

"Kami ng bahalang magdala sa kanya sa hospital, saad ni James.

"Sige Dr. Jeon mag iingat kayo, saad ni Yuri.

"Btw may Acute laryngeal edema ang batang yan, dagdag pa niya.

Tumango naman si James saka umalis na sila upang dalhin na sa hospital ang bata.

"Maghanda kayo icheck niyo baka may mga naaksidente pa, saad ni Irene.

Tumango naman ang lahat.

"Mag ingat lang po kayo mga doc madulas po ang daan, saad ni Divina.

Tumango muli ang lahat saka sinimulan na nilang gawin ang kanilang mga tungkulin, hindi nila akalain na ang kanilang medical mission ay magiging rescue mission dahil sa hindi inaasahan na uulanin sila doon.

Habang abala ang lahat sa pagrerescue sa mga na aksidente ay may isang lalaki ang nadulas kaya naman muntik na itong mahulog sa bangin mabuti na lamang ay nahawakan siya ni Dylan, ngunit sa kasamaang palad ay tila pareho na silang mahuhulog sapagkat halos sa bato na lamang nakahawak si Dylan.

"Tulong! Tulongan niyo kami! Sigaw ni Dylan.

At narinig naman sila ng mga kasamahan nila.

"Dr. Wang! Saad nina Kai.

"Kumuha kayo ng lubid dalian niyo I can't hold it anymore, saad ni Dylan.

At ganun na nga ang ginawa nila maya maya lang nakuha na sila ng lubid at hinagis nila ito pababa upang makahawak ang lalaking nirerescue ni Dylan.

"Sige itali mo ng mahigpit ang lubid, saad ni Dylan.

At ganun na ang ginawa ng lalaki.

"Hila!!! Sigaw ni Dylan.

Sabay nagtulong tulong sila na hilain ang lubid pataas hindi nagtagal ay nailigtas na ang lalaki, ngunit sa kasamaang palad ay naiwan pa rin na nakalambitin si Dylan hanggang sa napabitaw na siya sapagkat dumudulas na ang batong hinahawakan niya dahil sa ulan, nagpagulong gulong siya pababa sa bangin hanggang sa tumama ang ulo niya sa puno dahilan ng pagkawala niya ng malay.

"Dr. Wang!! Sigaw nila.

"Dylan! Sigaw ni Shenyue na may pag aalala.

"Nars Park, Nars Kim sumama kayo sakin sa baba, saad ni Kai.

At ganun na nga ang ginawa nila.

The Doctors Bk2(Feat Dyshen Couple)Where stories live. Discover now