ᴄʜᴀᴘᴛᴇʀ 18: sʜᴇɴʏᴜᴇ ᴅᴀʀᴋ ᴘᴀsᴛ.

7 2 0
                                    

Sabay napaiyak si Shenyue habang sinasabi niya ang hinanakit niya sa kanyang ina.

"Buong buhay ko kayo ang nasunod tinalikuran ko ang pangarap ko para lang matupad yung pangarap ni kuya, buong buhay ko dala dala ko po yung trauma ko sa mga nangyari samin noon noong mga bata pa kami, kasi buong buhay ko sakin mo sinisi ang pagkamatay ng paborito niyong anak minsan ba inintindi mo man lang po ba ako? hindi diba? ma hindi ko ginusto na iligtas ako ni kuya pero bakit parang kasalanan ko ang nangyari bakit parang ako ang lumalabas na masama, ang tagal tagal na nun pero hanggang ngayon nandito pa rin yung sakit, saad ni Shenyue habang umiiyak.

"Matanong ko lang po kayo minsan ba nagaalala kayo sa naging kalagayan ko noon? Dagdag pa niya.

Sabay tinanggal niya ang suot niyang jacket at binuksan niya ang botones ng damit niya upang ipakita ang tahi at peklat malapit sa dibdib niya na mula pa sa surgery niya noong bata pa siya.

"Pagmasdan mo po itong tahi at peklat, ito ang naging dahilan kung bakit ayaw na ayaw kong maging doctor dahil sa tuwing nakakakita ako ng inooperahan, bumabalik sa alaala ko ang nangyari samin noon ni kuya dahil yung injury na ito sanhi nung aksidenteng nangyari samin, bumabalik sa alaala ko kung paano niyo ko sinisi ng paulit ulit sa pagkamatay niya, ang masaklap pa niyan pinagdoktor niyo ko at gusto niyo CS ang kunin kong specialist dahil dun mas pinalala niyo yung trauma ko, saad ni Shenyue habang umiiyak.

"Patawarin mo ako anak hindi ko alam na ganyan na pala ang naging epekto sayo ng mga ginawa ko I'm sorry anak, saad ni Gloria.

"Mabuti pa po umalis ka na at wag kana ulit babalik dito, saad ni Shenyue.

Saka umalis na siya at iniwan niyang mag isa ang ina niya.

Paglabas niya ay nakita niyang nakatayo doon si Dylan at kanina pa pala ito nakikinig sa usapan nila.

"Narinig mo lahat, saad ni Shenyue.

"Pasensya na hindi ko sinasadyang makinig ng usapan niyo, saad ni Dylan.

"Ngayon alam mo na kung anong dahilan kung bakit wala akong silbi sa OR, saad ni Shenyue.

"I'm sorry Shenyue hindi ko sinasadya yung mga sinabi ko sayo before galit lang ako that time I'm really really sorry, saad ni Dylan.

Sa mga sandaling iyon ay lalong naiyak si shenyue na para bang bata kaya naman niyakap siya ng mahigpit ni Dylan upang pakalmahin.

"Umiyak ka lang ilabas mo lahat yan willing akong damayan ka, nandito lang ako paggusto mo ng iiyakan, saad ni Dylan habang niyayakap niya si Shenyue.

Hindi natagal ay kumalma na si Shenyue saka dinala na muna siya ni Dylan sa Vending machine para bilhan ng maiinom, pagkatapos ay umupo muna sila waiting chair malapit doon.

"Alam mo sa totoo lang pareho tayo ng pinagdaanan ang pinagkaiba lang natin maaga kaming nauli, pero buti na lang nandyan sina Prof. Suho Kim at Prof. Irene Kim sila ang.... Sila ang tumayong guardian namin, dahil sa kanila kaya ako nandito ngayon sa kinatatayuan ko, saad ni Dylan.

"So ano toh? Iingitin mo ko dahil may mga babait na tao ang umampon sa inyo habang ako parang ampon ang turing ng ina, saad ni Shenyue.

"That's not what you think gusto ko lang ikwento sayo ang naranasan ko, e ikaw ba if okay lang sayo pwede mo bang ikwento yung nangyari sa inyo ng kuya mo? Willing akong makinig, saad ni Dylan.

"Okay, saad ni Shenyue.

Saka kwenento na nga niya lahat kay Dylan.

Flashback:(Shenyue Fast)

Nagpunta sila sa beach para mag family bonding, nagpunta si Shenyue sa gilid ng dagat upang maligo ng bigla na lang siyang tangayin ng alon mabuti na lamang ay nandun ang kuya niya kaya mabilis siya nitong nailigtas ngunit sa kasamaang palad ay inalon din ang kuya dahil na rin sa lakas ng alon dito.

Nang mailigtas si Shenyue ay sinubukan siyang iCPR ng mga rescuer habang ang iba ay niligtas naman ang kuya nito, nang maCPR nila si Shenyue ay nagrerespond na ito ngunit wala pa rin itong malay kaya sinugod siya agad sa hospital, habang ang kuya niya inabot ng dilim sa pag rescue sapagkat natagalan itong mahanap.

Dead on arrival na ang kuya niya ng dalhin sa hospital habang si Shenyue ay inooperahan sa OR sapagkat kakailanganin niya ito upang mabuhay.

Magmula ng mamatay ang kuya niya ay nag iba na ang trato sa kanya ng kanyang ina.

"Napakapasaway mo talaga kahit kailan sakit ka sa ulo! Dapat ikaw na lang ang namatay at hindi ang kuya mo perwesyo ka malas ka sa buhay namin! Ang galit na sambit ni Gloria.

"Pwede ba tumigil ka na wag ka naman ganyan sa anak natin, wala naman kasalanan si Shenyue sa nangyari aksidente yun, saad ni Gabriel(Shenyue father).

"Yan kaya lumalaki ang ulo ng anak mo iniispoiled mo bwesit! Magsama nga kayong mag ama! Ang galit na sambit ni Gloria.

End of Flashback.

"Grabe di ko akalain na ganyan pala ang narasan mo, saad ni Dylan.

"Now you know, saad ni Shenyue.

"Btw thank you sa pagdamay at pakikinig mo, sige ah mauna na ako sayo kukunin pa doctor suit ko, dagdag pa niya.

"Sige kita na lang tayo sa ER, saad ni Dylan.

Saka nagpaalam na nga sila sa isa't isa.

Samantala ay kinuha na nga ni Shenyue ang doctor suit niya habang si Dylan at napunta naman sa ER.

Samantala sa opisina ni Suho habang abala siya ay napansin naman ng asawa niya ang ilang paper case na nakatago sa mga gamit ni Suho.

"Huh? Hon bakit meron ka nito, saad ni Irene.

Sabay binabasa niya ang mga nakasulat dito.

"Muntik na palang malunod before si Dra. Shenyue Agustin, saad ni Irene.

"Oo, nasambit ni Suho.

"Eh bakit meron ka nito? Saad ni Irene.

"Kinailangan ko yan nung pinapacheck ko ang background ni Shenyue, actually balak ko siyang ipatingin sa isang psychiatrist baka sakaling makatulong sa trauma niya, saad ni Suho.

"Kung ganun bakit hindi mo pa siya ipatingin ngayon, saad ni Irene.

"Sa ngayon hinihintay ko pa ang tawag ng isang Psychiatrist na nakausap ko, saad ni Suho.

Napatango naman si Irene.

The Doctors Bk2(Feat Dyshen Couple)Where stories live. Discover now