ᴄʜᴀᴘᴛᴇʀ 28: ᴅʏʟᴀɴ ᴄᴏɴғᴇss ᴛᴏ sʜᴇɴʏᴜᴇ.

7 2 0
                                    

Saka umalis na siya samantala ay napangiti naman si Dylan dito.

Samantala sa ECMH ay dumating na ang mga magulang ng pasyente at ang mga pulis na pinatawag nila.

"Doc totoo ba ang sinabi niyo na nirape ang anak namin, saad ng nanay ng pasyente.

"Opo nasa mga pulis na po ang mga ebidensya na nakuha ko sa katawan ng pasyente, saad ni Ciara.

Samantala ay tila kinakabahan ang tatay ng pasyente.

"Ngunit maam wag niyo po sana masamain ang sasabihin ko kasi po bago operahan ang anak niyo ay nagising siya at nakausap ko pa siya, tila takot na takot na siya habang binabanggit niya ang papa niya, saad ni Ciara.

"Sandali sinasabi mo ba na ako ang gumahasa sa anak ko, biglang saad ng ama ng pasyente.

"Wala po akong sinasabing ganyan, saad ni Ciara.

"Pero yun ang gusto mong palabasin! Galit na sambit ng ama ng pasyente.

Hanggang sa dumating si Suho.

"Anong kaguluhan ito bakit sinisigawan mo ang doktor ng hospital ko, saad ni Suho.

"Dahil hindi ko gusto ang tabas ng dila nyan, ganyan niyo ba tratuhin ang mga pamilya ng pasyente niyo, galit na sambit ng tatay ng pasyente.

"Bakit ginahasa mo nga ba ang anak mo! saad ni Suho sabay nanlaki naman ang mata ng tatay ng pasyente.

"Ano?!! Pinagbibintangan mo ba ako bakit ko naman yun gagawin sa sarili kong anak, saad ng tatay ng pasyente.

"Bakit hindi mo yan itanong mo sarili mo, at isa pa kung wala kang kinalaman sa nangyari sa anak mo hindi ka dapat nag rereact ng ganyan dahil para mo na rin sinasabi na ikaw nga ang gumawa nun sa anak mo, saad ni Suho.

Hanggang sa kinuha ng tatay ang baril na nasa bulsa ng isang pulis at hinostage niyo si Ciara.

"Ciara! Bitawan mo siya, saad ni Baekhyun.

"Wag kayong lalapit kundi pasasabugin ko ang ulo nitong doktor niyo, saad ng tatay ng pasyente.

"So totoo nga ginahasa mo ang anak natin, saad ng nanay ng pasyente.

"Asawa ko pati ba naman ikaw maniniwala sa mga kasinungalingan ng mga doktor na yan, saad ng tatay ng pasyente.

"Napakawalang hiya mo paano mo yan nagawa sa sarili natin anak! Ang galit na sambit ng nanay ng pasyente.

"Demonyo ka! Kaya pala sa tuwing magkasama kami ng anak mo lagi siyang wala sa sarili yun pala binababoy mo siya hayop ka!! Galit na sambit ng boyfriend ng pasyente.

"E ano naman ngayon nadala lang naman ako ng tukso, saad ng tatay ng pasyente.

"Hindi tukso ang nakadala sayo kundi ang kalibugan mo! Saad ni Suho.

"Mabuti pa bitawan mo na si Ciara kung ayaw mong pagsisihan yan, dagdag pa niya.

"Bakit naman ako magsisisi, HA HA HA, saad ng pasyente na tila wala ito sa sarili.

Samantala unti unti naman lumalapit si Baekhyun sa hostage hanggang sa sininyasahan niya si Ciara, saka ginawa nga ni ciara ang utos sa kanya ni Baekhyun sabay siniko niya ang suspek dahilan kaya napabitaw ito sa kanya.

Samantala habang namimilipit sa sakit ang suspek ay tinangka itong lapitan ng mga pulis ng bigla itong nanutok muli ng baril.

"Sige lumapit kayo magkakamatayan talaga tayo dito, saad ng tatay ng pasyente.

"Brother in law ikaw na munang bahala kay Ciara, saad ni Baekhyun.

Saka tinanggal muna niya ang stethoscope na nakasabit sa leeg niya saka niya sinipa ang kamay ng suspek dahilan ng pagkabitaw nito ng baril, pagkatapos ay nakisali naman si Sehun kaya sinipa niya ang suspek sa tiyan dahilan ng pagkatumba nito.

"Don't you dare lay your finger to my sister, ang inis na sambit ni Sehun.

"Dr. Oh, Dr. Byun tama na yan ipaubaya niyo na sa mga pulis yan, saad ni Suho.

Hindi nag tagal ay hinuli na ng mga pulis ang suspek.

"Sige na go back to work, saad ni Suho.

At ganun na nga ang ginawa nila.

Samantala ay bumili muna ng tubig si baekhyun para kay Ciara maya maya ay pinuntahan na niya ang girlfriend niya.

"Babe ito oh uminom ka muna, saad ni Baekhyun.

Sabay kinuha naman ito ni Ciara.

"Thanks, saad ni Ciara.

"Kamusta pakiramdam mo, saad ni Baekhyun.

"Okay naman ako pero until now parang ninerbyos pa rin ako, saad ni Ciara.

"Kalimutan mo na yung nangyari kanina para di ka nag iisip ng kung ano okay, saad ni Baekhyun.

Sabay niyakap niya ang girlfriend niya.

"Hay buti na lang talaga nandyan ka, saad ni Ciara habang magkayakap pa rin sila ni Baekhyun.

Napangiti naman si Baekhyun sa sinambit ni Ciara sabay kiniss niya ito sa noo.

Samantala habang magkayakap sila ay nakita naman sila nila Sehun.

"Hindi mo ba lalapitan mo kapatid mo, saad ni Mira.

"Bakit pa nandyan naman boyfriend niya, saad ni Sehun.

Napangiti naman si Mira dito saka umalis na sila.

Samantala sa kabilang dako ay abala pa rin sila Shenyue at Dylan ng tawagin sila ng mga kasamahan nilang doktor.

"Dra. Agustin, Dr. Wang halina kayo dito mag lunch muna kayo, saad ni Yuri.

At lumapit na nga dun si Dylan.

"Shenyue! Halika na dito sumabay ka na samin habang mainit pa ang pagkain, saad ni Dylan.

"Hindi pa ko gutom, saad ni Shenyue.

Sabay kinuhaan siya ni Dylan ng pagkain at binigay ito sa kanya.

"Kumain ka muna para may lakas ka mamaya, saad ni Dylan.

Sabay kinuha naman ni Shenyue ang pagkain dinala sa kanya ni Dylan sabay tinarayan niya ito.

"Kanina lang iniiwasan mo ngayon naman tinatarayan mo ko bakit ka ba ganyan, saad ni Dylan.

"Bakit ba kasi ang kulit mo, saad ni Shenyue.

"Kasi nga gusto kita, saad ni Dylan.

sa narinig ni Shenyue ay bigla na lang niya nalunok ang kinakain niya sabay binigyan naman siya ni dylan ng tubig.

"Dahan dahan kasi kung makakain ka para kang may kaagaw, saad ni Dylan.

"It's your fault, saad ni Shenyue.

"Huh? Bakit ako? Anong ginawa ko, saad ni Dylan.

"Bigla bigla ka na lang kasi nagcoconfess wala man lang pasakalye, saad ni Shenyue.

"Di uso saken yun, saad ni Dylan.

"Ewan ko sayo, saad ni Shenyue.

"Pero seryoso ako I like you Shenyue, saad ni Dylan.

Sa mga sandaling iyon ay tila kinabahan na naman si Shenyue kaya umalis na lamang siya at lumayo kay Dylan.

Makalipas lang ang ilang oras ay balik na ulit sila sa trabaho at naging abala silang lahat dito.

Lumipas pa ang buong maghapon nila ay sa wakas natapos din ang kanilang medical mission kaya naman inayos na nila ang kanilang mga gamit.

The Doctors Bk2(Feat Dyshen Couple)Where stories live. Discover now