ᴄʜᴀᴘᴛᴇʀ 15: sʜᴇɴʏᴜᴇ ғɪʀsᴛ ᴘᴀᴛɪᴇɴᴛ ᴀᴛ ᴇᴄᴍʜ.

6 2 0
                                    

"Pero kasalanan ko naman kaya nalalagay sa alanganin ang hospital kaya mas mabuti na rin ito para matapos na, saad ni Shenyue.

"Pinagtanggol mo lang ang biktima tapos sa huli ikaw pa ang nasaktan kaya walang mali sa ginawa mo, ang pagkakamali lang dun ay sinangkot mo ang sarili mo sa gulo imbes na humingi ka ng tulong sa iba, pero alam mo bang ang iba ay nanahimik na lang para mapagtakpan ang problema nila pero kung ipagpapatuloy mo yan habang buhay kang magiging sunod sunoran sa kanila at sa bandang huli ikaw din ang kawawa, kaya pag isipan mo yan desisyon mo, saad ni Suho.

"Lagi mong tandaan na kung ano sa tingin mo ang TAMA YUN ANG GAWIN MO, BASTA ALAM MONG TAMA IPAGLABAN MO, dagdag pa niya.

Saka umalis na si Suho.

Samantala at hindi pa rin nakinig si Shenyue dito at tinuloy niya pa rin ang plano niyang humingi ng tawad sa mag asawa.

"Tama ang ginawa mo Dra. Shenyue Agustin, saad ni Richard.

"Salamat po, saad ni Shenyue.

Saka umalis na siya.

Samantala ay may dumating na pasyente sa ER kaya naman pinatawag nila ang OS na si Sehun ngunit abala ito sa OR kaya naman inutusan niya sila Baekhyun na CS ang ipatawag, ngunit sa kasamaang palad ay abala rin sa loob ng OR ang ilan CS Doctor at tanging si Shenyue lang ang available.

Sa ER:

"Anong nangyari, saad ni Shenyue.

"Yung pasyente may rib fracture, saad ni Baekhyun.

"Yung CT scan, saad ni Shenyue.

"Okay naman ang lungs niya at wala rin akong nakitang bleeding, yung EKG(electrocardiogram) at Cardiac enzymes normal naman lahat, saad ni Baekhyun.

"Nars. Shin cheneck mo ba yung medication history niya, saad ni Shenyue.

"Gamot sa Bp lang po ang iniinom niya, saad ni Mira.

Sabay tinignan naman ni Shenyue ng maigi ang CT scan.

"May segmental fracture siya? Saad ni Shenyue.

Hanggang sa...

"Doc!! Bumagsak po ang saturation niya, saad ni Sunoo.

Saka pinuntahan ito ni Shenyue.

"Nars Shin tawagan mo si Prof. Kim, saad ni Baekhyun.

"Okay doc, saad ni Mira.

Saka pinuntahan na rin ni Baekhyun ang pasyente.

"Sir! Sumasakit pa rin po ba ang dibdib niyo, saad ni Shenyue.

"Nasa 78 ang saturation niya at bumababa pa, saad ni Jay.

"Need na natin siyang iintubate, saad ni Baekhyun.

"Teka lang, saad ni Shenyue.

Sabay cheneck niya muli ang CT scan.

Pagkatapos ay cheneck ni Shenyue ang tiyan ng pasyente.

"May Flail chest? Saad ni Shenyue.

"Ano? Nasambit naman ni Baekhyun.

"May face masks o venturi masks ba kayo? Saad ni Shenyue.

"Wala po doc,saad ni Jay.

"Okay Dr. Byun iintubate na natin siya, saad ni Shenyue.

"Bigyan niyo siya ng ampule of tramadol sa IV niya at 10cc syringe sa lidocaine, saad ni Shenyue.

"Okay doc, saad ni Sunoo.

"Gagawin ko yun intercostal nerve block para mabawasan ang kirot, saad ni Shenyue.

At sinimulan na nga itong gawin ni Shenyue.

"Okay pakihanda ang ventillator, saad ni Shenyue.

"Nakahanda na, saad ni Baekhyun.

Sabay senet up niya ito.

"Teka lang napakaraming pressure naman nyan, saad ni Baekhyun.

"Positive pressure ventillator need niya yan dahil natatamaan ang frature rib need niya ng maraming pressure kada hinga, paliwanag ni Shenyue.

"A-ah? Really? Saad ni Baekhyun.

Sabay cheneck naman nito ang puso ng pasyente gamit ang stethoscope niya.

Hanggang sa....

"Tumataas na ulit ang oxygen level niya, saad ni Jay.

At nakahinga naman ng maluwag ang lahat hanggang sa dumating si Suho.

Maya maya ay nagtungo sila sa nars station at doon ay cheneck ni suho ang CT scan habang si Shenyue ay nakatayo naman.

"Paano mo nalaman na meron siyang flail chest, saad ni Suho.

"Ahm... Nakita ko na po kasi yun once sa NSMH sa isang TA(Traffic accident) patients, saad ni Shenyue.

"Once mo palang nakita pero nahandle mo na agad, saad ni Suho.

"Ah fast learner po kasi ako hehe, saad ni Shenyue.

sabay napatingin naman si Suho sa kanya.

"Nakakaramdam ka ba ng pressure at takot habang ginagawa mo yun kanina, saad ni Suho.

"Hindi po, actually sa ER kaya ko pong gawin lahat pero sa loob sa OR hindi po, saad ni Shenyue.

"Okay sige na you may go, saad ni Suho.

Saka aalis na sana si Shenyue ng biglang magsalita si Suho.

"Kailangan natin maghintay ng isang linggo bago natin siya tanggalin sa ventillator, imonitor mo siya ng maigi siya ang first patient mo dito sa ECMH, saad ni Suho.

"Po? Di ba po sabi mo mag quit na ako sa pagdodoktor, saad ni Shenyue.

Sabay tumingin sa kanya si Suho.

"Kapag sinabi ko bang tumalon ka sa bangin tatalon ka? Saad ni Suho.

"Hindi po, saad ni Shenyue.

"So kapag sinabi kong mag quit ka sa pagdodoktor gagawin mo? Saad ni Suho.

"Hindi po, saad ni Shenyue.

"Good sige na keep it up, saad ni Suho.

"Salamat po sige po, saad ni Shenyue.

Saka umalis na nga siya ng tuluyan.

samantala ay napangiti naman sila Baekhyun at ibang nurses dito.

Makalipas ang ilang oras ay may pasyente ulit na darating kaya naman naghanda silang lahat at nakarating ito kay Richard kaya dali dali siyang nagpunta sa ER.

Sa ER:

"May gunshoot patients daw, saad ni Richard.

"Oo at dito sila dadalhin kaya naghahanda kami, saad ni Suho.

"Hindi niyo sila pwedeng dalhin dito,saad ni Richard.

"At bakit, saad ni Suho.

"Dahil ang isa sa kanila ay leader ng gang group sa tingin mo ba safe na dalhin sila dito, saad ni Richard.

"Eh ano kung leader ng gang group ang isa kanila wala kang pakialam dun, pasyente sila kaya dapat gawin mo ang tungkulin mo bilang isang doctor, saad ni Suho.

"Ganyan ka ba talaga ah! bigla bigla nagdedesisyon kahit na mali, anong klaseng prinsipyo mo yan bilang isang doctor iniintindi mo dapat ang kaligtasan ng mga taong nandito sa hospital mo, saad ni Richard.

Hanggang sa...

"Tulong! Tulongan niyo po ako, saad ni Mr. Estrada.

Nagulat ang lahat lalo na si richard dahil sa itsura ng pasyente na puro dugo ang leeg.

Hanggang sa nawalan ito ng malay at saktong kay Dylan siya bumagsak.

"Sir! Sir! Bigyan niyo ko ng gauze! Saad ni Dylan.

The Doctors Bk2(Feat Dyshen Couple)Where stories live. Discover now