ᴄʜᴀᴘᴛᴇʀ 31: ᴅʏʟᴀɴ ᴡᴀs ғᴜʟʟʏ ʀᴇᴄᴏᴠᴇʀᴇᴅ.

9 1 0
                                    

Saka nagpaalam na nga si Yuri sa parents niya at umuwi na nga muna sila ni Kai para magpahinga dahil napagod sila sa kanilang medical mission, habang si Shenyue ay nag stay pa rin sa tabi ni Dylan para bantayan at alagaan, sapagkat biniliin iyon sa kanya ni Yuri.

Kinabukasan:

Nang magising na si Dylan ay nakita niya si shenyue na mahimbing na natutulog malapit sa bed niya kaya naman hinimas niya ang buhok ng dalaga hanggang sa nagising na si Shenyue.

"Dylan gising ka na pala kamusta ka, saad ni Shenyue.

"It's good to see you sa paggising ko thank you shenyue, saad ni Dylan.

"Wag kang mag overthink dyan binilinan lang ako ni Dra. Park , saad ni Shenyue.

"Talaga? Okay sabi mo e, saad ni Dylan.

Sabay tinitigan niya si Shenyue na tila nang aasar ang tingin nito.

"Nagsasabi ako ng totoo, saad ni Shenyue.

"Wala naman akong sinasabi nagsisinungaling ka, pabirong sambit ni Dylan.

"Pero yun ang gustong sabihin ng mga mata mo, saad ni Shenyue.

Napangiti na lang si Dylan dito.

Hanggang sa dumating si Yuri.

"Good morning mabuti naman gising ka na Dr. Wang, saad ni Yuri.

"Kamusta ang pakiramdam mo, dagdag pa niya.

"Okay na po ako, saad ni Dylan.

"I'm glad to hear that, saad ni Yuri.

"Btw magpapaalam na ako sa inyo need ko ng bumalik sa korea, dagdag pa niya.

"Po? Akala ko mag stay ka na dito, saad ni Shenyue.

"Babalik pa naman ako dito may tatapusin lang ako, besides dito ang working place ko, saad ni Yuri.

Napatango naman sila Shenyue at hindi nagtagal ay tuluyan ng nagpaalam sa kanila si Yuri.

Sa labas ng ER:

"So pano ba yan magpapaalam na ako sa inyo, saad ni Yuri.

"Safe travel Dra. Park, saad ng mga staff.

"Safe travel love hihintayin ko pagbabalik mo, saad ni Kai.

Sabay kiniss siya sa labi ni Yuri at hindi nagtagal ay tuluyan na siyang umalis.

Samantala sa Recovery room ay pinuntahan ni Suho si Dylan.

"Prof. Kim, saad nina Shenyue at Dylan.

"Kamusta ka na Dylan, saad ni Suho.

"Okay lang po ako, saad ni Dylan.

"Mabuti, anyway pwede ka ng umuwi ngayon magpahinga ka muna, wag ka na muna bumalik sa work ngayon, saad ni Suho.

"Saka nga pala ikaw din Dra. Agustin pahinga ka muna at kung may time ka baka pwedeng paki alagaan si Dylan para sakin, dagdag pa niya.

Saka lumabas na ng room si Suho.

"Te~teka Prof. Kim! Saad ni Shenyue.

"Narinig mo yun ah alagaan mo daw ako, saad ni Dylan na tila nang aasar.

"Ewan ko sayo, saad ni Shenyue.

Napangiti na lang si Dylan sa kanya.

Lumipas ang ilang araw ay mas lalong nagiging malapit sa isa't isa sila Dylan at Shenyue, lalo na't ang dalaga ang siyang nag aalaga at nagbabantay din sa binata.

Lumipas ang ilang araw at linggo ay sa wakas ay naka fully recover na si Dylan kaya naman bumalik na siya sa trabaho.

"Welcome back Dr. Wang, saad ng mga kasamahanan nila.

"Thank you guys, saad ni Dylan.

"Mabuti na lang mabilis kang nakarecover, saad ni Kai.

"Naman maalaga kasi ang doctor ko, saad ni Dylan sabay tingin kay Shenyue.

At pinagtinginan din ng mga kasamahan nila si Shenyue.

"Tigilan niyo ko sa mga titig niyo na yan ha, saad ni Shenyue.

At nagtawanan ang mga kasamahan nito.

Hindi nagtagal ay nagsimula na silang mag trabaho halos ilang araw at linggo silang naging abala sa kanilang trabaho.

Hanggang sa......

"Pasyente! Sigaw ng paramedic.

Saka nilapitan ito nila Dylan.

"Anong nangyari sa kanya, saad ni Dylan.

"Masakit daw po ang tiyan, saad ng paramedic.

"Pakidala yan sa bed 4, saad ni Dylan.

At ganun na nga ang ginawa nila.

"Ilipat natin siya, saad ni Dylan.

"1,2,3, sabay na sambit nila.

"Maam maliban po sa pananakit ng tiyan may iba pa po ba masakit sa sainyo, saad ni Dylan.

"Wala na po, saad ng pasyente.

"Kailan niyo pa po nararanasan ito, saad ni Dylan.

"Kanina lang po doc pero ngayon nawala na ang sakit, saad ng pasyente.

"Bibigyan lang kita ng fluids then magpahinga ka dito, imomonitor ka muna namin, saad ni Dylan.

"Nars paki bigyan siya ng fluids, dagdag pa niya.

"Okay po doc, saad ni Jay.

Samantala ay may isa pang dumating na pasyente.

"Doc! Tulungan niyo po kami! Sigaw ng tatay ng pasyente.

"Dr. Wang kami ng bahala dito pakiasikaso ang pasyenteng dumating, saad ni Kai.

"Samahan na kita Dr. Wang, saad ni Baekhyun.

Tumango na lang si Dylan at saka pinuntahan na nga nila ang pasyente.

"Pakihiga po yan dito  saad ni Baekhyun.

"Anong nangyari sa kanya, saad ni Dylan.

"Tumataas po ang lagnat ng anak ko, saad ng tatay ng pasyente.

Hanggang sa bigla itong umubo at sumunod na umubo ay ang anak nila.

"Ah sir kailan pa po yang ubo niyo, saad ni Dylan.

"Sa pagkakatanda ko mga 1 o 2 araw bago po ako inubo, saad ng tatay ng pasyente.

"Nagsimula po yan pag uwi ng asawa ko galing abroad, saad ng nanay ng pasyente.

Sabay umubo rin ito.

"Ah teka kailangan ko rin po kayong icheck maupo po kayo dyan sa katabi niyong kama, saad ni Baekhyun.

At ganun na nga ang ginawa ni Baekhyun cheneck nito ang kondisyon ng tatay ng pasyente nila.

Habang si Dylan sinuri pa ng mabuti ang pasyente hanggang sa nahirapan ito huminga, kaya inasikaso niya ito.

"Ah Dr. Byun, Nars Wu pwede ba tayong mag usap sandali, saad ni Dylan.

Saka nagtungo muna sila sa nars station.

"Anong nangyari may problema ba, saad ni Mira.

"Meron tayong suspected Covid-19 and RSV(Respiratory Syncytial Virus) patients, saad ni Dylan.

At nagulat silang lahat sa sinambit ni Dylan.

"Actually hindi pa ako sure dun mahirap  tukuyin kung ano talagang klasing sakit meron ang mga pasyente na iyon, dahil halos pare-pareho lang ang sintomas ng dalawang sakit na nabanggit ko sa pinakita ng pasyente, kaya hindi tayo dapat mag panic, saad ni Dylan.

"Tama si Dr. Wang relax lang tayo dapat, mabuti pa ganito ang gawin natin, saad ni Baekhyun.

The Doctors Bk2(Feat Dyshen Couple)Where stories live. Discover now