ᴄʜᴀᴘᴛᴇʀ 33: ɪᴛ's ɴᴇɢᴀᴛɪᴠᴇ!

27 2 0
                                    

Hanggang sa nandilim ang mga mata niya at muntik na siyang matumba mabuti lamang ay naalalayan siya agad ni Kai.

"Hindi na maganda ang lagay mo Dylan magpahinga ka na, saad ni Shenyue.

"Don't worry I'm fine, saad ni Dylan habang panay ang ubo niya.

Saka pinilit niyang maglakad hanggang sa hindi na niya talaga nakayanan kaya naman nag colapse ito.

"Dylan! Dylan! Saad ni Shenyue.

"Dr. Wang! Dr. Wang! Saad ni Kai.

Hindi nagtagal ay tuluyan ng nawalan ng malay si Dylan.

"Ilipat natin siya sa bed, saad ni Kai.

At ganun na nga ang ginawa nila saka inasikaso ito nila Shenyue hanggang sa..

"Dr. Kim bumabagsak ang Bp ng pasyente! Jay.

Saka pinuntahan ito ni Kai habang si Shenyue ay abala sa pag asikaso kay Dylan.

"Need na siyang maoperahan bago mahuli ang lahat, saad ni Baekhyun.

Saka tumawag muli kay Kai ang ama niya at sinagot niya ito.

"Dumating na daw ang mga anti- contamination clothing pwede na natin ilabas ang pasyente, sila dad ang bahalang mag opera dito, saad ni Kai.

Hindi nagtagal ay nilabas na nila ang pasyente at dinala agad ito nila Suho at Irene sa OR upang operahan.

Samantala sa loob ng ER:

"Hay kapagod sana naman hindi maging positive ang resulta, saad ni Ciara.

"Sana nga nakakapagod na ang ganitong sakuna, saad ni Judy.

"Wag kayong mag isip ng kung ano tiwala lang at magdasal tayo na sana walang virus at maging maayos ang lahat, saad ni Baekhyun.

"Kaya nga think positive magiging maayos din ang lahat, saad ni Shenyue.

"Kamusta pala si Dr. Wang, saad ni Baekhyun.

"Okay naman siya sa tingin ko naman lagnat lang yun, saad ni Shenyue.

"Sana talaga lagnat lang ang nangyari kay Dr. Wang, saad ni Judy.

"Kaya nga at buti na lang pala wala dito sila Callie kundi baka nagpositive na naman yun sa virus kung sakali man maconfirm na, saad ni Ciara.

Saka napabuntong hininga silang lahat.

Buong magdamag nag stay sa ER sila Shenyue at halos bente kwatro oras silang naghintay sa resulta ng blood sample ng mga suspected patients nila.

Buong magdamag din binantayan ni Shenyue si Dylan dahil na rin sa sobrang pag aalala niya.

Makalipas ang bente kwatro oras ng kanilang paghihintay ay sa wakas ay lumabas na ang resulta ng blood sample ng mga pasyenteng pinaghinalaan nilang may virus, si Manager song ang nakatanggap ng resulta kaya binigay niya ito kay Suho.

Suho Office:

Habang mahimbing na natutulog sila Suho at Irene ay bigla naman pumasok si manager song at nagsisisigaw.

"Prof. Kim! Prof Kim! Sigaw ni Manager Song.

"Manager Song anong problema ang aga aga e, saad ni Irene.

"Ano yang hawak mo Manager Song, saad ni Suho.

"Prof. Kim! Ito na po ang resulta at negative ito, wala pong virus! Sigaw ni Manager Song.

"Magandang balita yan! Saad ni Suho.

Habang binabasa ang resulta.

Hindi nagtagal ay nagtungo sila sa ER upang ibalita ang resulta ng blood sample ng kanilang pasyente.

Sa ER:

"Hoy magsigising kayo! Gising! Malakas na sambit ni Suho.

"Prof. Kim lumabas na po ang resulta, saad ni Ciara.

"Ano pong resulta Dad ,saad ni Kai.

"Negative nag resulta walang virus ligtas tayong lahat, saad ni Suho.

Natuwa at nahinga ng maluwag ang lahat sa sinambit ni Suho.

"Pero teka? Kung hindi virus yun e ano ang sakit ng mga pasyente, saad ni Shenyue.

"Malamang trinangkaso silang buong pamilya kaya ganun, halos pare-pareho lang kasi ang mga sintomas dun sakit na yun sa mga virus na napaghinalaan natin, saad ni Suho.

At napatango naman ang lahat saka inayos na nila ang buong ER at inasikaso rin nila ang mga pasyenteng napaghinalaan na may virus.

"Dra. Agustin kamusta na ang lagay ni Dr. Wang, saad ni Suho.

"Sa tingin ko okay naman po siya ngayon, mababa na ang lagnat niya, saad ni Shenyue.

"Kung ganun ilipat niyo na siya sa recovery room at paki bantayan na rin, saad ni Suho.

Saka umalis na siya samantala ay sumunod naman si Shenyue sa utos sa kanya ni Suho.

Hindi nagtagal ay nilipat na nila Shenyue si Dylan sa recovery room.

Nanatili si Shenyue doon upang bantayan si Dylan, inalagaan at inasikaso niya ito maghapon, hanggang sa nakatulog na lamang siya sa sofa na nasa loob din ng recoveru room.

Lumipas ang ilang oras ay nagkamalay na si Dylan at sa pagmulat niya ay nakita niya si Shenyue na mahimbing na natutulog sa sofa kaya naman napapangiti na lamang siya.

Hanggang sa.....

"Dylan kanina ka pa ba gising, saad ni Shenyue.

"Kagigising ko lang, saad ni Dylan.

Sabay cheneck ni shenyue ang temperature nito pagkatapos ay tinignan niya ang mukha ni dylan.

"Wala ka ng lagnat at mukhang okay ka naman na, saad ni Shenyue.

"Magaling kasi ang doctor ko, saad ni Dylan.

"Ewan ko sayo, btw walang virus ang mga pasyenteng iyon trinangkaso lang sila, saad ni Shenyue.

"Okay, saad ni Dylan.

"Okay ka dyan ikaw bakit hindi ka kumakain o umiinom man lang ng tubig, gusto mo na bang mamatay ha, isa pa kulang ka sa pahinga hay naku kainis ka talaga alam mong ilang weeks ka pa lang nakakarecover mula dyan sa surgery mo pinapabayaan mo na ang sarili mo, saad ni Shenyue.

"Bakit? Nag alala ka ba? Saad ni Dylan.

"Of course not, saad ni Shenyue.

"Really? Kung ganun bakit buong magdamag mo kong binantayan at inalagaan, saad ni Dylan.

"Tungkulin ko yun dahil doktor ako okay, saad ni Shenyue.

Saka aalis na sana siya ng hilain ni dylan ang kamay niya kaya naman napayakap ito sa kanya.

"Thank you Shenyue for taking care of me, saad ni Dylan habang magkayakap silang dalawa.

"Hindi mo naman need magpasalamat e, saad ni Shenyue.

"Ganun so ibig sabihin you really care about me? You like me too, You love me? Saad ni Dylan.

"Wag kang masyadong mag overthink dyan, saad ni Shenyue.

Sabay hinalikan siya ni Dylan sa labi at pipigilan pa sana ito ni Shenyue ngunit nadala na rin siya sa halik ng binata.

"I love you Shenyue, saad ni Dylan.

Sabay kiniss siya sa labi ni Shenyue.

"I love you too Dylan, saad ni Shenyue.

Sabay naghalikan silang muling dalawa while shenyue wrap her arm to dylan's shoulder.

The Doctors Bk2(Feat Dyshen Couple)Where stories live. Discover now