ᴄʜᴀᴘᴛᴇʀ 14: sʜᴇɴʏᴜᴇ ɪs ᴀɴ ᴅᴀɴɢᴇʀ?

7 2 0
                                    

Pagpunta niya sa ICU para tignan ang batang pasyente niya ay napansin niya na binubogbog ng asawang lalaki ang nanay ng pasyente niya kaya inawat niya ito.

"Sir wag po maawa po kayo sa asawa niyo tsaka nasa hospital po kayo, saad ni Shenyue habang inaawat niya ang mag asawa.

"Pwede ba wag kang mangialam dito! ang galit na sambit ni Mr. Estrada (Ama ng pasyente ni Shenyue).

Sabay inawat muli niya ito hanggang sa tinulak siya ng lalaki.

Samantala sa sobrang galit ng ina ng pasyente ay kumuha ito ng gunting na nasa nars station lalo na't malapit lang sila dun, nang makita iyon ni Shenyue ay dali dali niya muli itong inawat.

"Maam sandali lang po ibaba niyo yan delikado po yan baka makasugat kayo nyan, saad ni Shenyue.

Ngunit hindi siya nito pinakinggan at sasaksakin na sana ng nanay at lalaki ng harangan ito ni Shenyue, kaya naman nagilitan siya sa leeg hanggang sa napansin sila ni Dylan.

"Shenyue!! Sigaw ni Dylan.

saka dali dali niyang pinuntahan si Shenyue dahil sa matutumba na ito, hindi nagtagal na napuntahan na niya ito at buti na lang ay nasalo niya si Shenyue, tinakpan niya ng kamay niya ang sugat sa leeg ni shenyue.

"Shenyue! Shenyue! Wag kang matutulog, saad ni Dylan.

"Bigyan niyo ko maraming gauze hurry up! Dagdag pa niya.

Saka sumunod na nga sa kanya ang mga nars maya maya naibigay na sa kanya ang gauze kaya tinakip niya ito sa leeg ni Shenyue.

Hindi nagtagal ay dinala na siya sa ER upang doon gamutin.

Sa ER:

"Anong nangyari kay Dra. Agustin, saad ni Kai.

At pinaliwanag nga ni Dylan ang lahat.

"Bigyan niyo ko ng maraming gauze, then bigyan niyo siya ng TD at Antibiotics, saad ni Kai.

"Give me a D-Set(Dressing set) at EB(Elastic bandage) tsaka need ko rin ng hemostat, saad ni Dylan.

At ganun na nga ang ginawa ng mga nars.

Hindi nagtagal ay napahinto na nila ang pagdurugo kaya tinahi na ni Dylan ang sugat ni Shenyue.

"Sigurado ka bang tama ang ginagawa mo, saad ni Shenyue.

"Mukhang okay ka na, saad ni Dylan.

"(Sigh) dapat Dr. Kim ikaw na ang gumawa nito e, saad ni Shenyue.

Napangiti na lang si Kai dito.

"Tagilid! Saad ni Dylan.

At tumagilid naman si Shenyue.

"Cut! Saad ni Dylan.

"Cut, saad ni Jay.

"Sa susunod wag kang nangingialam sa away ng iba ng di ka napapahamak, saad ni Dylan habang patuloy pa rin tinatahi ang sugat ni Shenyue.

"Anong magagawa ko binubogbog niya ang asawa niya alangan naman hayaan ko lang, tsaka dito sa hospital nangyari yun, saad ni Shenyue.

"Kahit na problema na ng mag asawa yun, tsaka bakit may trauma ka ba sa domestic violence, saad ni Dylan.

"Wala naman ayoko lang talagang nakakakita ng ganun, nakakawala ang  respeto yun samin mga babae, palibhasa kayong mga lalaki magaling lang manakit hay naku, saad ni Shenyue.

Sabay hindi na siya pinansin ni Dylan.

"Hoy bat tumahimik ka apektado ka nuh, saad ni Shenyue na tila nang aasar.

"Masyado kang madaldal! Ang sungit na sambit ni Dylan.

Sabay natawa naman ng palihim sa kanila sila Kai at Jay.

Hanggang sa....

"Kamusta siya, saad ni Suho.

"Prof. Kim, malala po ang pagdurugo nung una pero napahinto naman po namin yun binigyan din namin siya ng TD at antibiotics, luckily walang nadamage na main veins, saad ni Dylan.

Napatango naman si Suho.

"Don't worry po maliit na sugat lang po ito tsaka hindi naman po masakit, saad ni Shenyue.

"Kung maliit na sugat yan hindi mo need ng 7 stitches, saad ni Dylan.

"Sasakit yan pagnawala na ang anesthesia, Dr. Wang bigyan mo siya ng painkillers, saad ni Suho.

"Okay po doc, saad ni Dylan.

Sabay pinagpatuloy naman ni Dylan ang pagtahi sa sugat ni Shenyue.

Samantala ay sinimulan na ni Richard ang pamumuno niya sa ECMH, nakarating sa kanya ang nangyaring gulo sa ICU kaya naman pinatawag niya si Suho.

"Anong meron at pinatawag mo ako, saad ni Suho.

"Nabalitaan ko ang nangyari narito ang mag asawang nag away kanina, balita ko nangialam daw sa kanila ang isa sa mga doctor mo, saad ni Richard.

"Ano naman ngayon wag mong sabihin mali ang ginawa ng doctor ko, saad ni Suho.

"Maling mali lalo na't may kinampihan siya sa mag asawa, hindi ba unfair yun, saad ni Richard.

Sabay pinakita niya ang kuha ng CCTV kung saan naganap ang gulo at nakita nga doon na tila may kinakampihan nga si Shenyue at nasaktan niya ng hindi sinasadyan ang suspek.

"See ngayon sa tingin mo ano ang pagkakamali ng doctor mo, saad ni Richard.

"Wala akong nakikitang mali at isa pa ano bang gusto niyong mangyari, saad ni Suho.

"Mr. Estrada ano bang gusto mong gawin natin, saad ni Richard.

"Ang gusto ko ay humingi ng tawad ang pakialamerang doctor na yun, saad ni Mr. Estrada.

"Nagpapatawa ka ba? Ang kapal din ng mukha mo kung hindi dahil sa doctor na sinasabi mo, baka ikaw ngayon ang nakahiga sa ER! Wala kang utang na loob! Ang inis na sambit ni Suho.

"Ganyan ka ba makipag usap sa guardian ng pasyete ng hospital mo, saad ni Richard.

"Anong gusto mo? Kunsintihin ko kahit na mali, ikaw bilang director ng hospital na ito alam mo dapat kung ano ang tama at mali kaya utang na loob itigil mo yang pride mo! Ang inis na sambit ni Suho.

"Sa ayaw at gusto mo magdedemanda ako dahil sa pananakit nila sa isa sa mga doctor ko, dagdag pa niya.

Saka umalis na si Suho at bumalik na lamang sa kanyang opisina.

Samantala nakarating kay Shenyue ang utos ng director kaya napagpasyahan niyang humingi na lamang tawad sa magulang ng pasyente.

Pupuntahan na niya sana ito ng dumating si Suho.

"Hihingi ka ng tawad? Sigurado ka ba sa desisyon mo, saad ni Suho.

"Opo sa tingin ko po ito ang dapat gawin para matapos na po ang problema at hindi na lumala pa, saad ni Shenyue.

"Sa tingin mo ba may mangyayari Oras na humingi ka ng tawad? saad ni Suho.

"Pero kasalanan ko naman kaya nalalagay sa alanganin ang hospital kaya mas mabuti na rin ito para matapos na, saad ni Shenyue.

The Doctors Bk2(Feat Dyshen Couple)Where stories live. Discover now