ᴄʜᴀᴘᴛᴇʀ 17: ʜɪɴᴀɴᴀᴋɪᴛ ɴɪ sʜᴇɴʏᴜᴇ sᴀ ɪɴᴀ.

8 2 1
                                    

Saka umalis na ito at iniwan na niyang mag isa si Richard.

Lumipas ang ilang minuto ay pinahuli na nila ang nanay ng pasyente ni Shenyue ng sa ganun ay hindi na muling makapanakit pa, sila Suho din ang nag asikaso ng pagpapalibing ng asawa nito.

Samantala lumipas ang buong maghapon nila ay nagtungo sila Dylan kasama ang ilan pang staff sa staff o rest room upang magpahinga sapagkat napagod sila sa napakarami nilang pasyente ngayon araw.

Sa Staff Room:

"Hay grabe di ko inexpect na sa ganitong kaliit na hospital ay makaka inkwentro ako ng ganun mga pasyente, pero sa totoo lang ang saya magtrabaho dito hindi ako nagsisi sa desisyon ko, saad ni Oliver habang nakadapa siya sa taas ng double deck bed.

"Naku rehearsal niyo pa lang yung kanina marami pa kayong ma iikwentro na mga pasyente sa hospital na ito, lalo na pag nagtagal kayo dito, saad ni Baekhyun.

"Oh? Talaga grabe namang hospital ito, kakaiba, saad ni Shenyue.

"Mismo sigurado ako mas masisiyahan kayong magtrabaho dito pagkatagalan, saad ni Kai.

"Oo nga sayang lang kasi hindi niyo makakatrabaho sa ngayon sila Callie at Chanyeol, saad naman ni Ciara.

"Sino naman yung callie at chanyeol? saad ni Shenyue.

"Anak ni Prof. Kim yun, saad naman ni Dylan.

"Talaga? Tatlo anak ni Prof. Kim? Saad ni Shenyue.

"Hindi, dalawa kami ni Callie, si Chanyeol boyfriend ng younger sister ko at anak ni Prof. Park, saad ni Kai.

Napatango naman si Shenyue dito.

"Eh nasaan nga po pala sila? Tanong ni Oliver.

"Nasa korea silang dalawa, si Callie nag aaral para sa pangatlong specialist niya while si Chanyeol nag aaral naman para sa 2nd specialist niya, saad ni Kai.

"Teka it's means double board pala si Dra. Callie tapos nag tetake siya ngayon ng isa pang specialist nakakabilib naman siya kaya niya ihandle yun lahat, saad ni Oliver.

Tumango at napangiti naman si Kai.

"Eh ikaw ba Dr. Kim ilan ang specialist mo, saad ni Oliver.

"Dalawa GS and OS yun ang dahilan kung bakit nawala din ako ng ilang years dito dahil nag aral ako ng isa pang specialist sa korea, saad ni Kai.

Napatango naman sila.

"Hay btw tara since off duty naman na natin lahat kain tayo sa Eat all you can resto, saad ni Baekhyun.

"Okay tara since kababalik ko lang libre ko na sama na rin kayo Dra. Agustin at Dr. Wang, saad ni Kai.

Napatango naman silang lahat saka inayos na nila ang kanilang mga gamit hindi nagtagal ay nagtungo sila sa Eat All You Can resto.

Eat All You Can Resto:

"Orderin niyo na lahat ng gusto niyo ako ng bahala sa lahat, saad ni Kai.

"Yown makakakain na naman ako ng libre, saad ni Baekhyun.

"Hay naku ikaw talaga basta libre at pagkain ang usapan ang sigla sigla mo, saad ni Ciara.

Sabay nagtawanan silang lahat saka umorder na nga sila, hindi nagtagal ay nagkainan na silang lahat.

Habang kumakain sila ay nagkukwentohan at nagtatawanan silang lahat.

Lumipas pa ang ilang oras ay nagpaalam na sila sa isa't isa para magsiuwian.

"Dr. Wang may uuwian ka ba, saad ni Kai.

"Meron naman iniwan na kasi saken ni kuya yung condo niya, saad ni Dylan.

Napatango naman si Kai saka tuluyan na nga silang nagpaalam sa isa't isa.

Kinabukasan:

Maagang pumasok sila Shenyue at saktong nagkasabay sila ni Dylan.

"Good morning Dr. Wang, saad ni Shenyue.

"Good morning, saad ni Dylan.

Sabay nauna na ito sa staff room habang si Shenyue at nagtungo muna sa coffee vending machine para magkape.

Nang kukunin na niya ang kape niya ay bigla naman itong kinuha ni Dylan.

"A-ah teka kape ko yan, saad ni Shenyue.

Sabay naghulog namna ng barya si Dylan sa machine para kuhaan ng kape si Shenyue.

"Hintayin mo na lang yan, saad ni Dylan.

Sabay umalis na siya.

"Huh? Siraulo talaga yung lalaki na yun, bulong ni Shenyue.

Sabay kinuha na niya rin ang kape niya, Habang naglalakad siya sa may corridor ay nakasalubong siya ni manager song.

"Dra. Agustin mabuti nakita ko po kayo may naghihintay po kasi sa inyo sa staff room, saad ni Manager Song.

"Sino daw po? Saad ni Shenyue.

"Hindi po nagpakilala e puntahan niyo na lang po, saad ni Manager Song.

Napatango naman si Shenyue saka nagpunta na nga siya sa staff room, pagpunta niya doon ay laking gulat niya ng makita niya ang kanyang ina.

"Mama ano pong ginagawa niyo dito, saad ni Shenyue.

"Bakit hindi ko na ba pwede dalawin ang anak ko, saad ni Gloria.

"Hindi na po dapat kayo nagpunta dito, saad ni Shenyue.

"Aba hindi ko nagugustuhan ang pagsagot mo sakin, saad ni Gloria.

"Ma please umuwi na po kayo, saad ni Shenyue.

"Alam mo simulang nagtrabaho ka sa hospital na ito nag iba na ang ugali mo, mabuti pa magbalot ka na at ihahanap kita ng mas maganda at mas malaking hospital, saad ni Gloria.

"Hindi po ako aalis sa hospital na ito mas gusto ko dito kaya pwede ba umalis na po kayo, saad ni Shenyue.

"Nagiging bastos ka ng bata ka ano bang tinuturo sayo ng mga tao dito at nagkakaganyan ka, saad ni Gloria.

"Ma pwede ba tumigil ka na! Pasigaw na sambit ni Shenyue.

Sabay sinampal siya ng mama niya at napaluha siya dito.

"Ang lakas ng loob mong sigawan ako! Ang galit na sambit ni Gloria.

"Nagpunta po kayo dito para sermonan ako, saad ni Shenyue.

"Ano bang nangyayari sayong bata ka, hindi ko na alam kung anong gagawin ko sayo, saad ni Gloria.

"Hindi mo talaga alam kung bakit ako nagkakaganito ma?! Saad ni Shenyue.

"Huh? Nasambit ni Gloria.

"Tinanong niyo man lang ba ako kung gusto ko? Saad ni Shenyue.

"Ano? What are you talking about, saad ni Gloria.

"Ma ayoko maging doctor! pero pinilit  mo ko kaya nagsikap at nagsipag ako para maging proud kayo sakin at wala kayong masabi, pero ang totoo pinagdoktor niyo ko para matupad yung pangarap ng paborito mong anak! Para matupad ang pangarap ni Kuya sa pagsunod niya sa yapak ni papa, ma alam mo ba kung anong nangyayari sakin everytime na nasa loob ako ng OR? Alam niyo ba kung ilang beses na akong napagalitan ng mga nagiging superior ko dahil sa mga pagkakamaling nagagawa ko sa OR, malamang hindi dahil wala naman kayong pakialam sakin, saad ni Shenyue.

Sabay napaiyak si Shenyue habang sinasabi niya ang hinanakit niya sa kanyang ina.

The Doctors Bk2(Feat Dyshen Couple)Where stories live. Discover now