ᴄʜᴀᴘᴛᴇʀ 26: ғɪʀsᴛ ᴋɪss

12 3 0
                                    

Samantala ay nakabalik na si Jay at nagsisimula na muling magsidagsaan ang mga tao kaya naman nag handa na sila at naging abala muli sila dito.

Halos buong maghapon sila naging abala sa kanilang medical mission.

Lumipas ang buong maghapon nila ay nagpahinga na sila.

"Hay salamat makakapagpahinga na rin, saad ni Shenyue.

"Oo nga btw saan nga pala tayo matutulog ngayon gabi, saad ni James.

Hanggang sa dumating ang kapitana ng barangay.

"Magandang gabi po mga doc pasyensya na po at narinig ko po kayong nag uusap, ako nga po pala si Divina Matias kapitana dito, saad ni Divina.

"Magandang gabi rin po sa inyo kapitana, saad ni Irene.

Saka nagpakilala rin sila lahat dito.

"Tsaka nga po pala may tutulugan na po ba kayo, saad ni Divina.

"Yun nga po problema namin ngayon hindi na kami nakapagdala pa ng tent na tutulugan dahil akala namin isang araw lang kami dito, napakarami po palang tao rito sa lugar niyo, saad ni Irene.

"Naku totoo po yan doc talagang napakaraming tao dito samin, ah tara po at may hinanda po akong pwede niyong tulugan, saad ni Divina.

Saka sinamahan na nga sila ng kapitana sa kanilang tutulugan.

"Dito po mga doc pagpasensyahan niyo at maliit lamang ito tsaka wala po kayong magagamit na electricfan dito ayos lang po ba sa inyo yun, saad ni Divina.

"Ayos lang po kapitana malaking tulong na po ito samin maraming salamat po, saad ni Irene.

"Sige po kayo na lang po ang bahalang mag ayos dito ah at kung may kailangan man kayo magsabi lang po kayo sakin, malapit lang naman po ang bahay ko dito, saad ni Divina.

"Sige po kapitana maraming salamat po ulit, saad ni Irene.

Saka nagpaalam na sa kanila si Divina samantala ay pumasok na sa loob ng kubo ang buong medical team.

"Pagtiyagaan niyo na lang muna dito, hanggang bukas na lang naman tayo dito e, saad ni Irene.

"Medyo malaki naman pala ang kubo tsaka malamig din dahil sa sariwang hangin galing sa labas, saad ni Shenyue.

"Oo nga tama ka dyan Dra. Agustin tsaka feeling ko masarap tumira sa ganitong klaseng lugar, saad ni Yuri.

Napangiti naman silang lahat.

"Btw Shenyue na lang ang itawag niyo sakin lahat masyado po kasing formal ang Dra. Agustin hehe, saad ni Shenyue.

At napangiti naman ang lahat.

"Naku ano ka ba doktor ka malamang yun ang itatawag namin sayo, saad ni Yuri.

Napangiti naman na lang si Shenyue dito.

"Oh siya sige na magtulong tulong na tayong lahat ayusin na natin ang mga tutulugan natin para makapagpahinga na tayo, Saad ni Irene.

Tumango naman ang lahat.

"Since hindi kalakihan itong tutulugan natin at dalawang kwarto lang ang meron, magsama sama na lang ang mga girls sa isang kwarto then sa kabilang kwarto naman yung mga boys, saad ni Yuri.

Tumango naman ang lahat saka nag ayos na nga sila.

Hindi nagtagal ay naayos na nila ang kanilang tulugan.

"Hay anu ba yan ang init init naman dito, ang inis na sambit ni Rose.

"Kaya nga tsaka feeling ko kakagatin ako ng lamok ako dito, saad ni Jennie.

"Kung mag iinarte kayo dun kayo sa labas matulog, saad ni Yuri.

"Tsee, mahinang sambit ni Jennie.

At hindi nagtagal ay natulog na sila.

Samantala habang mahimbing na natutulog ang lahat ay nagising naman si Shenyue at lumabas muna siya ng kubo upang pagpahangin.

Paglabas niya ay nakita niya doon si Dylan.

"Ehem Dylan? Saad ni Shenyue.

"Ikaw pala bakit gising ka pa, saad ni Dylan.

"Hindi ako makatulog e ikaw bakit gising ka pa, saad ni Shenyue.

"Hindi rin ako makatulog, saad ni Dylan.

Napatango na lang si Shenyue.

"Btw maiba ako Shenyue may boyfriend ka na ba, biglang saad ni Dylan na siya naman kinagulat ni Shenyue.

"Hah? Wala pa bakit mo naitanong, saad ni Shenyue.

"Ahhh.... Wala naman curious lang wala bang nanligaw, saad ni Dylan.

"Wala, saad ni Shenyue.

"Talaga? That's means may pag asa pa ako, mahinang sambit ni Dylan.

"Hah? Anong sabi mo, saad ni Shenyue.

Sabay bigla siya nitong hinalikan sa labi at nanlaki naman ang mata ni Shenyue saka bumitaw siya dito.

"Ikaw?!!!... B-bakit mo ginawa yun? Bastos ka! Saad ni Shenyue.

Sabay nilapit naman ni Dylan ang mukha niya kay Shenyue at sabay sabing.

"Namumula ang mukha mo, saad ni Dylan.

sabay tinulak siya ni Shenyue saka dali dali itong tumakbo papasok sa kubo at natawa naman si Dylan sa naging reaksyon nito.

"Ackkk! baliw ba siya bakit niya ginawa yun, saad ni Shenyue sa kanyang sarili saka natulog na siya.

Samantala sa kabilang dako ay nakasilip naman sa may bintana si Yuri at nakita naman siya ni Kai sabay binackhug siya nito.

"Bakit gising pa ang lalove ko, saad ni Kai habang nakaback hug pa rin siya dito.

"Wala lang hindi pa kasi ako makatulog e ikaw bakit gising ka pa, saad ni Yuri.

"Hindi rin kasi ako makatulog, para bang hindi ako sanay na hindi ka katabi, saad ni Kai.

"Ikaw naman nagawa mo ngang matulog sa condo natin ng mag isa, saad ni Yuri.

"Iba naman kasi yun besides wala akong choice kasi nasa malayo ka, compared ngayon na nandito ka nga sa malapit pero pakiramdam ko nasa malayo ka pa rin, saad ni Kai.

Sabay humarap naman sa kanya si Yuri pagkatapos ay yumakap siya sa leeg ni kai.

"Hmm.... Kawawa naman ang lalove ko sobra akong namiss, saad ni Yuri.

Sabay kiniss niya sa labi si Kai.

"Oh bakit ganyan ang mukha mo, saad ni Yuri.

"Need mo pa rin ba talaga bumalik sa korea, saad ni Kai.

"Oo hindi pa kasi tapos ang pag aaral ko dun tsaka marami pa akong dapat asikasuhin, saad ni Yuri.

"Kung ganun kailan ka babalik dito, saad ni Kai.

"Hmmm... I don't know maybe after a few years, pabirong sambit ni Yuri.

"Love naman e, saad ni Kai.

Sabay nalungkot naman ito ulit.

"I'm just kidding basta hindi naman ako magtatagal dun e promise kaya wait for me okay, wag kang magloloko, saad ni Yuri.

"Ofcourse not I will never cheated on you, saad ni Kai.

"Dapat lang, saad ni Yuri.

Sabay hinalikan siya ni Kai sa labi at napapikit na lamang si Yuri upang lasapin ang sarap at init ng halik nito.

The Doctors Bk2(Feat Dyshen Couple)Where stories live. Discover now