Chapter 1

79 31 13
                                    

Travis Pov

"Hindi ako baliw! Para talagang totoo yung panaginip ko! She is crying in front of me! Humihingi siya ng tulong sa akin!" My voice cracked as I wiped my tears on my face.

"Naniniwala naman ako sayo, Travis. You have to calm down bro, okay? Take it easy," Calvin said slightly tapping my shoulders.

"What did you say? Take it easy? I said in disbelief "Ilang buwan na akong walang tulog! Pagod na pagod na ako! Gusto kong matulog pero hindi ko magawa!

Patuloy na dumadaloy ang luha sa aking mukha at wala siyang ibang ginawa kung hindi ang tapikin ng marahan ang aking balikat 

Inis kong tinabig ang kamay niya. "Kung hindi mo ako matutulungan aalis na lang ako." 

"Tutulungan naman kita bro, hindi lang talaga ako nakakapagpractice ng ilang buwan sa hospital. Just tell me everything No more white lies, just the whole truth."

Kung may lakas lang ako matagal ko ng binugbog ang mukha niya. Ano ba ang akala niya?Gumagawa ako ng kwento? Sana ganon na lang pero hindi. Totoo lahat ng nasa panaginip ko.

He is Calvin matagal ko ng kaibigan simula high school. Matanda yan sakin ng dalawang taon. He is a doctor but for some unspecified cause he left the field of doctors.

He left out a sigh. Alam kong nakakatakot ang mga panaginip mo bro, tsaka alam naman natin na ang mga panaginip ay merong kahulugan o pahiwatig sa atin. Nightmares are related on traumatic experiences. Baka merong nangyari sayo na nakalimutan mo lang.

Wala akong nakalimutan kahit isa sa pagkatao ko Calvin. Binenta ng pamilya ko ang kompanya namin para mabayaran ang kanilang utang. Dahil sa dami ng utang nila pinagod nila ang kanilang sarili sa pagtratrabaho upang makabangon ulit kami. Ngayun patay na ang aking mga magulang. Mag isa na lang ako. Naaalala ko lahat pre. Kung paano sila namatay dahil sa pagtratrabaho nila ng walang tigil para mairaos ang dalawang taon ko sa college at para mabigyan ulit ako ng magandang buhay. Nabigyan na nga nila ako ng magandang buhay at bahay. Tumawa ako ng mapakla. "But they ended up dying." Wala na sila at kahit anong gawin ko hindi ko na maibabalik pa ang magulang ko. Dahil ang buhay kapag tapos na ay wala na talagang pangalawang buhay. Sabi nga nila "You only live once make sure you're happy"Paano ako magiging masaya kung wala na akong pamilya. Mapait akong natawa

Napatitig lang siya sa akin. Para niya akong kinakaawaan. Lahat kasi ng tungkol sa magulang ko ay kinukwento ko sa kaniya. 

"I'm sorry for what happened to you and to your parents. He said Still, we need to check if you forget something about your past." he continued.

Annoyed I stared at him. "Anong ibig mong sabihin?"

"We have to check it" he said

Tinignan ko siya ng masama "Are you f*cking kidding me, Calvin?! Sinabi ko na nga na naaalala ko ang lahat! Bakit mo ipinipilit na may nakalimutan ako? Okay ka lang ba? Sino ba ang may problema dito? Ako ba talaga o ikaw?" galit na saad ko.

Hindi siya nakapagsalita ramdam kong may gusto pa siyang sabihin ngunit inunahan ko na siya.

"You know what? Forget it. I don't need your help I can take care of this on my own," seryoso kong sabi at saka ako lumabas ng apartment niya.

Waiting for youWhere stories live. Discover now