Chapter 9

31 21 9
                                    

Travis Pov

Pagkatapos naming laruin ang Truth or Dare na pakana ni Chloe ay umuwi na kami.

Lumabas kami sa Chowking at pumunta sa kaniya kaniya naming sasakyan. Binusinahan ko muna sila at umalis na.

Pagkarating ko sa bahay agad akong pumunta sa aking kwarto para magpahinga.

Pinilit ko ang sarili kong manatili na magising buong gabi. Minu minuto kong sinusuntok ang pader hanggang sa magdugo ang aking kamao.

Nagpunta ako ng banyo para hugasan ang ang sugat ko at pinagmasdan ko ang sarili kong kamao.
Mas gusto kong suntukin at sugatin ang kamao ko para manatinili akong gising buong gabi kaysa makatulog ako.

Sanay naman na akong hindi ako nakakatulog tuwing gabi. Lagi ko na lang kinakatakutan ang pagtulog kaya pinipilit ko ang sarili ko na manatiling gising sa gabi. Hindi na bago sa akin ang ganitong sitwasyon. Araw araw ko naman itong ginagawa.

Lumipas ang ilang oras at may tumatama ng liwanag sa aking mga braso. Ito ang senyales na kailangan ko ng bumangon at maghanda para sa trabaho.

Nagwalis ako ng bahay. Paulit ulit kong pinunasan ang bintana at sahig sa aking kwarto. Nakasanayan ko ng  linisan ang sahig palagi dahil dito ko nakita mismo sa kwarto ko ang imahe ng dugo sa panaginip ko.

Normal lang ang araw na ito para sa akin. Kailangan kong magtrabaho kahit wala akong tulog. Ganito din ako sa hospital dati
Trabaho ako ng trabaho at napapabayaan ko na ang sarili ko. Mas gusto kong magtrabaho upang malimutan ko lahat ng bumabagabag sakin kumbaga distraction. Panatag ang loob ko kapag may nagagamot akong mga pasyente.

Umalis na ako ng bahay at pumunta na sa bookstore. Pagkapasok kopa lang bumungad sa'kin si Chloe na nag aassist ng mga customer.

Napalingon siya sa gawi ko at ngumiti ng malapad sa akin. "Travis!" bati niya  saka siya lumapit sa'kin at hinalikan ako sa pisngi. "Buti naman at dumating kana hindi na ako mabobored dito dahil andito na ang inspiration ko."

Tinawag ko si Samuel na hilahin palayo sa'kin si Chloe kaya natawa siya at hinila si Chloe palayo.

Waiting for youWhere stories live. Discover now