Chapter 5

44 27 10
                                    

Travis Pov

"Wala akong pakialam"

"Bakit ayaw mo pa bang mag girlfriend? Tumatanda kana" saad niya

"Mabubuhay naman ako kahit wala akong nobya ang importante nakakakain ako ng tatlong beses sa isang araw"

"Sus talaga lang bro"

"Tara sa kusina. Nagluto ako ng ulam"

"Anong ulam ba niluto mo?"

"Sisig at adobo"

"Dito kana lang kumain para may kasabay akong kakain pre" dagdag ko

"Sige sige"

"Alas onse na pre umuwi kana sa inyo tiyak na hinahanap kana doon" saad ko

"Mauna na ako bro salamat sa pagkain"

Hinatid ko lng ng tingin ang barkada ko hanggang labas at pumasok na ako sa bahay. Naghilamos lang ako at sumalampak na sa kama.

KINABUKASAN

"Good morning Saturday"

Pumunta ako sa banyo upang maghilamos at magsipilyo. Pagkaharap ko sa salamin nakita ko na naman ang gwapo kong mukha. Walang pinagbago gwapo pa din ako.

Umalis na ako sa banyo para magluto ng aking agahan wala naman akong aasahan sa bahay na ito kundi ang sarili ko.

Binuksan ko ang ref at tumambad sakin ang mga pinamili kong groceries nung nakaraan.

"Ano bang magandang lutuin kapag almusal?" saad ko sa aking sarili

"Bacon na lang siguro" sa isip ko yan sinabi

Nakakabaliw ang mag isa sa bahay yung tipong tatanungin mo ang sarili mo at ikaw lang din ang sasagot.

Kumuha ako ng hotdog, bacon, at egg sa ref para masimulan ko na ang pagluluto ng agahan.

Pagkaraan ng dalawampu't limang minuto tapos na akong magluto.

Nagsandok na ako ng kanin at naglagay ng ulam sa aking plato para makakain na ako dahil may lakad pa ako mamaya.

Sisimulan ko na sana ang pagkain ko ng biglang maalala kong wala akong inumin.

Nagsasawa na din ako sa tubig kaya magtitimpla ako ng juice para naman may gana akong kumain.

Pagkatapos kong magtimpla ay sinimulan ko ng kumain

Nung walong taong gulang ako tinuruan na ako ng aking ina na magluto para kapag wala na daw sila ay maaasahan ko ang aking sarili sa pagluluto.

Mahirap sa una dahil bata pa ako nun. Kalaunan  natututunan ko din naman.

Waiting for youWhere stories live. Discover now