Chapter 14

30 18 10
                                    

Travis Pov

"Ayos lang" sagot ko.

Binigyan ko siya ng ngiti at pinagpatuloy kong ikwento ang buhay ko.

"Pumunta ako sa isang professional na doctor para ipasuri kung anong sakit ko." dagdag ko.

"Anong sabi ng doktor?" tanong niya

"May insomnia daw ako dahil palagi akong stress magmula ng mamatay ang mga magulang ko." sagot ko

Dahil sa napapanaginipan ko kaya iniiwasan ko ang pagtulog. Humina na din ang immune system ko hindi na malakas ang katawan ko katulad ng dati. Palagi na akong nagkakasakit. Kapag may mga nakakasalamuha akong tao tapos may sakit siya nahahawa na agad ako. Mabilis din magbago ang mood ko at makalimot ng mga karanasan o bagay na importante sa buhay ko.

"Nagpunta ako sa kaibigan ko nung nakaraan pero ang lagi niyang sinasabi sa akin ay harapin ko daw ang mga panaginip ko dahil doon lang ako makakakuha ng sagot sa mga katanungan na bumabagabag sa'kin. Akala ko matutulungan niya ako pero hindi pala. Pagkatapos nun pumunta din ako sa mga doktor na nakatrabaho ko ngunit ganun din ang kanilang sinabi. Ineenganyo nila akong gawin ang hindi ko gusto hindi naman sila ang nahihirapan kundi ako." kwento ko

"Ano bang sinasabi nila sayo?" tanong niya

"Kausapin ko daw yung babae sa panaginip ko kung bakit andun siya at nagpapakita siya sa'kin at anong koneksyon ko sa kaniya." sagot ko

"You should listen to them that girl in your dream might help you remember everything you forgot" she said

"Hindi ko siya kilala baka may mangyaring masama sa'kin kung kakausapin ko siya" I replied

"Sa ngayon kailangan ko ng kasama para may mapagsasabihan ako sa mga nangyayari sa'kin." dagdag ko

"Okay" she replied

"Anong okay?" tanong ko
"Okay I'll stay with you tonight until you get better".One more thing tuwing gabi lang ako makakapunta dito sa bahay mo dahil may trabaho din ako at sarili kong buhay." she added

'Ang arte talaga kahit kailan'

'English ng english pwede naman niyang itagalog lahat ng sasabihin niya'

"Ayos lang yun sa'kin. Busy din naman ako sa umaga saka may trabaho ako."

Waiting for youTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon