Chapter 17

11 3 0
                                    

Travis Pov

Kanina ko pa iniisip kung sinong naglagay ng kandado sa aking aparador ngunit wala akong ideya kung sino talaga ang salarin.

Ayaw ko namang mamintang. Baka tawagin pa akong mapanghusgang tao.

Sa tabi ng bintana may nakita akong makintab na bagay kaya agad agad ko itong pinuntahan. Isa pala itong susi

'I think this is the key that I've been looking for'

Agad ko itong sinubukan sa kandado ng aparador.

Bubuksan ko na sana ng tuluyan ang aparador ngunit may babae akong naririnig na umiiyak at humihingi ng tulong sa'kin.

Pagkalingon ko sa aking likuran nandoon ang babaeng mahaba ang buhok at puro duguan ang kaniyang damit. Tuluyang dumaloy ang dugo sa sahig ng aking kwarto.

'Kapalaran ko na ba 'to?'

'Hindi na ba siya aalis sa aking panaginip?'

'Kapag tinulungan ko ba siya magiging payapa na ba ang buhay ko?'

Yan ang mga tanong ko na hanggang ngayon ay  hindi pa nasasagot nino man.

Gusto kong lapitan yung babae at tanungin ang lahat ng yan sa kaniya ngunit pinapangunahan ako ng pangamba.

Pangambang imahinasyon ko lang ang babaeng humihingi ng tulong dito sa panaginip ko. Baka hindi siya totoo o talagang patay na siya sa totoong buhay at may kinalaman ako sa kaniyang pagkamatay kaya nagpapakita siya sa aking panaginip.

Unti-unting lumapit sakin ang babae at lumuhod.

"Sino ka?" tanong ko.

Hindi niya ako sinagot. Tinignan niya lang ako ng matagal at nag iwas ng tingin.

"Bakit ka nandito sa panaginip ko?" tanong ko ulit.

"Kailangan ko ang tulong mo" sagot niya

"Bigyan mo ako ng isang dahilan para tulungan ka" saad ko

"Hindi mo ba ako maalala?" tanong niya

"No i'm not familiar with you" I replied

"Ako 'to travis nakalimutan muna ba ako?" naiiyak na tanong niya

"Ikwento mo lahat sa'kin baka sakaling maalala kita"

"Simula pagkabata lagi tayong magkasamang kumain,maglaro,bumili ng mga laruan, magkaklase din tayo mula elementarya hanggang highschool. Magkakilala ang ating mga pamilya. Lagi akong pumupunta sa inyo tuwing may okasyon. Duwag ka nung bata tayo kaya  lagi kitang pinagtatanggol sa mga nang aapi sayo." mahabang paliwanag niya

Nagtataka ko siyang tinignan. Parang familiar sa'kin ang mukha niya nakita ko na ito dati hindi ko lang maalala kung saan.

"Anong pangalan mo?" tanong ko

"I'm Christine Ferrer our families decided to get us married after we graduate on college." sagot niya

"Fiancee kita?" hindi makapaniwalang tanong ko

"Oo fiance mo'ko" sagot niya

'Gumagawa ba 'to ng kwento?Bakit hindi ko maalala na nakatakda akong ikasal?'

"Ituloy mo ang pagkwekwento sa'kin"
"Naging magkasintahan tayo simula highschool hanggang college. Pagkatapos nating grumaduate ng college akala ko okay na lahat kasi masaya na tayo eh. Sa araw ng kasal natin binaril ako ng baliw na babae na patay na patay sayo." kwento niya

Sino?"

"Si nicole, hindi ako makapaniwala na magagawa niya sa'kin yun tinuring ko siyang kaibigan at kapatid pero nagawa niya pa akong patayin dahil lang sa paghanga niya sayo" saad niya

"Patay kana?" tanong ko

"Hindi pa ako patay"

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: May 05 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Waiting for youWhere stories live. Discover now