Chapter 12

35 22 10
                                    

Travis Pov

Sumunod ako sa kanya sa loob at umupo sa tabi niya.

"Kaya ba hindi mo ako gusto dahil may girlfriend ka?" tanong sa'kin ni Chloe. Agad akong umiling.

"Siya yung nagsasalamin sa labas kanina. Hindi ko siya kilala." depensa ko

"Grabe naman kayo makatitig hindi ko type 'tong kaibigan niyo." tumatawang sabi ni maarte

"Ipakilala muna lang ang sarili mo sa amin" suhestiyon ko.

"Ano bang pangalan mo?" tanong ko

"Cassandra" tipid na sagot niya."

"How about you what's your name?" she asked.

"Travis" I said. Pagkatapos kong magpakilala nagpakilala din si Samuel at Chloe sa kaniya.

Habang hinihintay namin yung order ko para sa aming lahat bigla akong kinausap ni Cassandra.

"Why are you doing this?" she asked

"What?" I replied to her

"This set up Why do you pick me to accompany you tonight?" she said

"Hindi ko alam siguro dahil makapal ang mukha mo kaya ikaw ang gusto kong makasama ngayong gabi" sagot ko sa kaniya.       

"Wow" hindi makapaniwalang saad niya at sinamaan ako ng tingin.

"Meron ka bang boyfriend?" tanong ko sa kaniya

"Wala hindi naman ako papayag dito kung may boyfriend ako." sagot niya

Nangunot ang noo ko. "Tama Tama" pag sang ayon ko sa sinabi niya.           

"Gamitin mo yang utak mo Travis para naman hindi useless". pambabara niya

"Alisin mo na yang mata mo masyado kang gandang ganda sa sarili". pagganti ko sa kanya

"Maganda naman talaga ako" nakangiting sabi niya

Kumuha ako ng beer at diretsong ininom ito. Malabong antukin ako kapag siya ang kausap ko. Ang taas taas ng tingin niya sa sarili niya e.

Talaga bang kailangan na lagi niyang sabihin na maganda siya? Para ano tumaas yung confidence niya sa sarili? Kalokohan.        

Tumingin ako sa relo ko at nakitang malapit nang mag 12 am. Napamulat ako ng mga mata ko at sinabi sa kanilang "Umuwi na tayo para makapag pahinga na" saad ko.

Tumayo na ako kasama yung babaeng GGSS at pumasok na sa loob ng kotse.  

Bumusina muna ako tsaka ko pinaandar ang kotse.

Sa wakas nakauwi na din at makakapagpahinga na.

Waiting for youDove le storie prendono vita. Scoprilo ora