Chapter 10

33 21 9
                                    

Travis Pov

Mabilis na lumipas ang oras at pagkatingin ko sa labas ay gabi na

Tinulungan ko na si Samuel na magsara ng book store para maaga kaming makauwi.

Pagkatapos naming magsara biglang nag aya si Chloe na doon kami maghapunan sa YTC.

"Masarap doon ang pagkain" dagdag niya

"Sige tara" pagpayag ko

"Hindi ka talaga magsisisi na sumama ka sa aming kumain. Babalik balikan mo ang mga pagkain doon kapag natikman mo lahat". kwento niya pa

Nilakad lang namin ito dahil malapit lang naman. Pagkapasok na pagkapasok pa lang namin dinig na dinig na ang musikang pinapatugtog sa loob bumungad din sa amin ang napakadaming tao. Sikat na sikat siguro itong bar na YTC". I said

"Oo lagi itong dinadayo" sagot ni Chloe

Naghanap kami ng bakanteng upuan  para makapag order na kami at makakain. Pagkabigay sa amin ng Menu ay nag order na kami ng pagkain, beer at inumin.

"Shot na ngayon lang naman to" saad ni Samuel

"Sure" Chloe said

"Kayo na lang baka makatulog ako" sagot ko.

May sakit ako sa puso ayaw kong sumakit na naman ito. Hindi naman porke't babae ang mahihina at laging nagkakasakit  ay sila lang ang pwedeng magkaroon ng sakit.

Simula pagkabata mabilis akong mapagod at sumasakit lagi ang puso ko. Kaya pinasuri ako ng aking mga magulang sa doktor na kakilala nila. Noong walong taong gulang ko kinumpira ng kakilala nilang doktor na may sakit ako sa puso.

"Sige na Travis. Isa lang naman hindi ka agad aantukin doon". pamimilit ni Chloe

Hindi nila ako mapapapayag dahil wala naman silang alam sa sitwasyong kinakaharap ko.

Napabuntong hininga ako. Gusto kong maglasing ngayong gabi ngunit sa tuwing naiisip ko na ayaw kong makatulog ay tatanggihan ko talaga ang alak.

Tatanggihan ko ulit sana ang inaalok nila ng may pamilyar na babaeng huminto sa gilid ko. Nagulat ako ng nakita kong nagsasalamin siya sa gilid ko. Siguro dahil katabi ko ang glass wall kaya nagsasalamin siya rito

Napakapamilyar niya. Pakiramdam ko nagkita na kami dati.

Nagsalubong ang kilay ko ng maalala ko kung saan ko siya nakita

Waiting for youWhere stories live. Discover now