Chapter 7

37 18 10
                                    

Travis Pov

KINABUKASAN

Gumising ako ng maaga dahil ito ang unang araw ko sa trabaho.

Naligo ako at nag almusal

Pagkatapos kong maligo at mag almusal ay umalis na ako ng bahay

Nagmaneho ako papuntang mall dahil doon ako mag tratrabaho

Pagkapasok ko sa Magic isang maliit na bookstore ang bumungad sa akin. Binati ako nila Chloe at Samuel pero wala akong balak na kausapin sila kaya tumango na lang ako at dumiretso sa likod ng store para iwan ang aking mga dalang gamit.

Sa buong araw, ang ginawa ko ay nagproseso ng payments, nag rekomenda ng mga magandang libro tsaka gamit sa customers at nag ayos ng mga book shelves at lamesa. Minsan naman, ako din ang nag fafollow up ng mga orders ng customer sa personal at online.

Si Chloe ang cashier at Si Samuel naman ang manager ng book store na naghired sa akin dito.

Dalawang taon lang ang tanda sa akin ni Samuel at Si Chloe naman magkaedad lang kami kaya casual lang ang pakikitungo namin sa bawat isa.

"Uuwi kana?" tanong sa akin ni Chloe

"Oo magluluto ako ng hapunan ko e" sagot ko.

"Sumama ka muna sa amin ni Samuel maghahapunan kami sa Chowking."

"Sige" pagpayag ko

Pagkatapos naming magsara ng book store naglakad na kami papuntang Chowking para kumain malapit lang naman iyon dito.

Hinayaan ko na sila ang pumili ng kakainin namin

Maya maya pa ay nailagay na ang mga pagkain na inorder nila sa lamesa at nagsimula na kaming kumain.

"Bakit hindi kana lang ulit mag trabaho sa hospital?" tanong ni Chloe sa akin
"Madami na sila doon" saad ko

"Puyat ka ba?" tanong niya ulit

"Ah oo"

"Pagkatapos nating kumain matulog ka sa bahay mo para sumigla yang mga mata mo" giit niya

"Hindi ko gustong matulog" sagot ko. Dahil paulit ulit kong napapanaginipan ang babaeng humihingi ng tulong sa akin kapag matutulog ako

"Magpahinga kana lang" saad niya

"Oo naman" sabi ko

"Anong oras tayo aalis?" saad ni Chloe

"Mamaya pa, maaga pa naman" saad ko

"Sige kayo ang bahala" sagot ni Samuel

Waiting for youWhere stories live. Discover now