Chapter 15

12 14 0
                                    

Cassandra Pov

After we talked I excused myself para makapunta ako sa kusina.

Binuksan ko ang refrigerator niya at kumuha ako ng mga drinks like vitamilk,delight and coke. Kumuha na din ako iba't ibang klase ng chocolates. Mahilig ako sa sweets eh.

Pagkatapos kong kuhanin lahat ng gusto kong pagkain bumalik na ako kung saan nakatambay si Travis.

"Here oh you should eat". I said

"Sayo na lang yan ubusin mo para tumaba ka" he replied

Nakakainis naman 'tong lalaking 'to nagmamagandang loob na nga ako sa kaniya eh. Wala namang lason 'tong pagkain na kinuha ko sa kusina niya. Akala niya yata lalasunin ko siya kaya ayaw niyang tanggapin.

I won't deny talagang nag alala ako sa kaniya kanina nung nahihirapan siyang huminga. Based on my observation, he's just pretending to be strong. Most of the boys ganun sila para hindi mag aalala yung mga pamilya,kaibigan at special na tao sa buhay nila. Pero aminin natin na lahat tayo ay merong kahinaan.

"Ayaw mo ba talaga?" I asked

"Hindi naman nakakabusog yang mga kinuha mong pagkain" sagot niya

"Kahit hindi nakakabusog atleast may laman ang tiyan ko kaysa naman wala. Food and water is our source of energy yun ang nagpapalakas sa'tin para mabuhay tayo araw araw." depensa ko

"Anong oras ba lagi ang trabaho mo?"
Wala ka bang day off?" tanong niya

"8 AM to 6 PM" Meron akong day off every Saturday and Sunday" dagdag ko

"Edi ayos makakapunta ka dito sa dalawang araw na yun" daldal niya

"Don't be too excited. Nagpaghahalataan kita na gusto mo'ko eh". I mumbled

"Hindi kita gusto. Masaya lang ako na may makakasama ako palagi dito tuwing gabi. Assuming ka maarte pa." saad niya

"What did you say?!" pasigaw na tanong ko sa kaniya

"Maarte na pandak assuming pa." pag-uulit niya sa kaniyang sinabi

"I'm not assuming malakas akong makaramdam kapag gusto ako ng isang tao you know." I told him

"Gutom lang yan huwag kang masyadong mag assume baka masaktan ka lang" pang aasar niya

"Oo na itikom muna yang bibig mo."

Waiting for youWhere stories live. Discover now