Chapter 16

15 14 0
                                    

Travis Pov

Hindi pala ako nakakain ng maayos kanina. Tinignan ko yung mga pagkain na binibigay niya sa'kin. Plastik na lang ang natira ubos na lahat ng pagkain na kinuha nya sa kusina.

'Ang takaw naman niya'

'Kain ng kain hindi naman tumataba'

'Saan napupunta yung mga kinakain niya?'

Napagtanto ko na tama sila kailangan kong kausapin ang babae sa aking panaginip. Wala naman sigurong masama kung susubukan ko siyang kausapin hindi naman niya ako mapapatay dahil panaginip lang yun.

"I have a deal with you" biglang saad niya

Yan na naman english siya ng english napaka conyo niya. Wala naman kami sa ibang bansa para magsalita siya ng english. Galing siguro siya sa mayamang pamilya at spoiled brat.

Napaisip ako sa deal na sinasabi niya. Baka salamin ang gusto niya? Ibabalot ko sa gift wrap at bibigyan ko siya kada taon.

"Anong deal?" tanong ko

"I will stay by your side until you overcome your nightmares but you have to sleep whenever I'm around." she said

"Nagpapatawa ka ba? Alam mo naman na ayaw na ayaw kong matulog." galit na saad ko
"I'm just concern about you, look at your face halatang wala pang tulog"

Napabangon ako sa pagkakahiga at nagtataka ko siyang tinignan.

"Hindi naman na'to bago sa'kin sanay na akong walang tulog. Yun naman palagi ang priority ko ang hindi ako makatulog." sagot ko

"Babantayan kita kaya matulog kana ha?" Gigisingin kita kapag binabangungot kana. Tatawagin ko ang pangalan mo ng paulit ulit para magising ka" pangungumbinsi niya

'Masiyado niyang ginagalingan ang acting para makakumbinsi

'Ano to?Words of Affirmations?'

"Sige basta gisingin mo ako" pagpayag ko

"I will wake you up, now go to sleep" she said

PATAY sindi ang ilaw. MERON akong naririnig na pagkalabog sa malaking aparador malapit sa banyo ng aking kwarto.

Nagtataka kong tinignan ito. May kandado na nakalagay.

'Bakit may kandado ito?'

Sa pagkakaalam ko aparador ko ito lagayan 'to ng mga damit ko pambahay at panglakad.

'Malabo na ba ang paningin ko?'

Impossible

Wala akong maalala na nilagyan ko ito ng kandado.

'Sinong naglagay nito?'

Waiting for youOnde as histórias ganham vida. Descobre agora