Chapter 1

47.4K 609 22
                                    






Hawak ko na yung special prize na napanalunan ko sa pacontest sa company. Pinagpasa kasi kami ng Love story eh since mahilig naman akong magsulat kaya pinatos ko na. Hindi nga lang ako nagpakilala na ako yun kasi kakantyawan ako ng mga tropa ko. Kahit yung premyo na hawak ko ngayon eh tago tago ko sa kanila. Kaso ang nakakatawa lang oo nga at pang Valentines Day ang contest na sinalihan ko pero Love story na hindi happy ending ang pinasa ko tas ang makukuha kong premyo eh Trip for 2 sa Palawan? Niloloko ba nila ako? Kaya nga hindi happy ending yun kasi wala akong boyfriend ngayon at oo medyo totoo yung sinulat kong story ibig sabihin hanggang ngayon nasasaktan pa din ako tapos bibigyan nila ako ng pang couple na premyo? Nasaaan ang hustisya? Bawal naman eencash yung package kasi bukod pa yung cash na allowance na premyo. At sino ang isasama ko? Bawal ang mga katropa ko kasi malalaman nila na sumali ako sa contest, mag isa lang din naman ako sa bahay kasi nasa ibang bansa na ang pamilya ko. Ayaw ko naman na pumuntang mag isa. Alam ko na hindi ko maeenjoy yun hindi yung idea nga na mag isa ako kundi dahil nakakakaba na mag isa sa malayong lugar.




" Elise Monica Ano yan ahh?"






Hindi ko namalayan na nakalapit na pala si Marco sa akin. At lalong naging mabilis ang ginawang pag akbay plus yung ngiti pa niya na nakakawala ng katinuan.





"Wala lang"





Pero naging mabilis lalo ang pagkuha niya sa hawak hawak ko. Bakit sa lahat na lang ng bagay ang bilis niya? Pati ang pahulugin ako?





"Ethan Marco akin na nga yan!"






"Trip for two? Sumali ka sa contest?"






Hindi ko na nagawang sumagot pa. Paano ako tatanggi? Alam halos ng lahat kung ano ang premyo ng contest na yun. Nakapagpasa na ako bago pa sabihin yun kung alam ko lang eh di sana hindi ako nagpasa. Hindi sana ako namomroblema ngayon.





"Ikaw yung babaeng sawi sa pag ibig? hahaha"






At tawanan daw ba ang kabiguan ng isang tao? Ikaw na ang gwapo. Ikaw na ang makukuha ang lahat ng babae sa mundo dahil sa karisma mo. Ikaw na Ethan Marco.






"Akin na nga yan."





Nakakapikon lang ang lalaking ito. Kasi kahit anong pang aasar ang gawin niya hindi pa din maaalis ang katotohanan na matagal na akong nahulog sa kanya. Ilang taon na ba kaming magkakilala? Halos sabay lang kaming pumasok bilang Process Engineer sa company. Sanay na naman nga ako sa biruan kaso pag galing na sa kanya parang may kirot akong nararamdaman.





"Sasama ako sayo"






Hindi ko alam kung paano ba ako magrereact sa sinabi niya. Sasama siya? Masaya sanang isipin yun.







"Di ba may girlfriend? Anong kalokohan yang sinasabi ko na sasamahan mo ako?"






"Hindi naman niya malalaman yun"






At nagawa pa niyang ngumiti? Ngumiti sa kalokohan na binabalak niya.





"Anong hindi niya malalaman? Adik ka ba?"






"Bakit ka ba nagagalit? Iniisip mo ba na may mangyayari sa atin pag sumama ako sayo?"








"Wala!"






"Wala nga. At pag hindi ka pumayag na sumama ako sasabihin ko na ikaw yung nagpadala nung love story Miss Sawi"






Tas tumalikod na siya. At siya pa talaga ang tumalikod? Yung tipong wala akong choice kundi tanggapin yung desisyon niya. At ang nakakaewan lang wala daw mangyayari sa amin? Hindi talaga pala ako kaakit akit sa paningin niya? Kahit konti sana? Yung magpanggap man lang sana siya pero hindi. Siya na lang kaya ang magbakasyong mag isa. Kasi mukhang hindi din naman ako magiging masaya kung sasamahan mo ako Ethan Marco.





_casper_

Love Drunk (Completed)Where stories live. Discover now