Chapter 36

9.3K 238 18
                                    

MARCO

"Dada.."

Hindi ko magawang ihakbang ang paa ko kasi nakakapit doon si Lucas. Magaling na ako. Nakatulong siguro na masaya ako at determinadong gumaling kaya mabilis din ang recovery ko talaga. Papasok na ako sa office kasi nakakahiya na kay Daddy na siya ang humawak sa company habang wala ako. Alam ko naman na ayaw niya na nalalayo kay Mommy.

"Luca, need mag work si Daddy."

Lumuhod ako lara magpantay ako ng tingin sa kanya. Yung isang buwan na magkasama kami araw araw mahirap talaga na umalis ngayon. Hindi pa nga ako nakakalabas sa unit ko namimiss ko na siya.

"Dada, laro."

Halos umiiyak na ito. Parang nadudurog ang puso ko na pagmasdan na unti unting nag uunahan ang mga luba nito.


"Dada, ako na bahala sa kanya."

Lumapit sa akin si Monica. Kinuha niya si Lucas. Lalo lang nag iiyak si Lucas. Mukhang mahihirapan nga ata akong umalis. Kinuha ko si Luca sa kanya.

"Ayusin mo gamit niya. Magdala ka din ng ibang laruan niya. Sasama kayo sa office."

Pero kinuha ni Monica si Lucas sa akin. Yung iyak nito lalong lumakas. At pilit na inaabot ako.

"Marco, hindi pwedeng ganito. Hindi pwedeng araw araw isasama mo siya dahil iiyakan ka niya ng ganyan."

Seryosong sabi ni Monica. Inilayo nito si Lucas sa akin.

"Sabagay ano nga ba ang aasahan ko? Naatim mo nga na ipaalaga sa iba ang anak ko para lang makapag trabaho ka."

Halatang nagulat si Monica sa sinabi ko. Ako din naman nabigla. Pero hindi ko na mababawi yung sinabi ko.  Ibinigay niya si Lucas sa akin.


"Aayusin ko lang gamit niya."


Halos walang emosyon na sabi ni Monica. Ngayon dalawa na sila na kailangan kong suyuin. Walang imik si Monica habang nag aayos ng gamit ni Lucas. Kahit nung umalis kami sa unit hindi pa din niya ako kinakausap. Si Lucas lang ang pinapansin nito.



"Monica.."

"Ang gwapo gwapo naman ng anak ko."

Pinaghahalikan nito si Lucas. At yung anak ko tawa lang ng tawa. At ako hindi niya pinapansin. Kahit naman nasa back  seat sila dati gumagawa ito ng paraan para makipag interact sa akin. Ngayon kung hindi ko siya silipin sa salamin hindi ko siya nararamdaman.

"Sorry na, Ma."


Pero hindi niya ako sinagot. Ganito din dati. Kung bakit siya lumayo. Ayaw kong mangyari ulit yun. Hindi ko na yun kakayanin.

"Dada!"

Inilapit niya si Lucas sa akin para halikan ako. Nagkatinginan kami sa may salamin.



"Sorry."

Paglayo nito kay Lucas sa akin siya naman ang humalik sa akin.


"Huli na ito Marco. Ayaw kong sa konting iyak niya susundin natin siya. Sa tingin mo ba makakapagtrabaho ka na kasama mo siya? Magpapakarga lang siya sa'yo. " Seryosong sabi ni Monica. Hindi na nga siya katulad ng dati. Na makikipagsabayan sa akin. "At about sa pagpapaalaga ko sa kanya sa ibang tao. Wala akong choice. Ayaw ko ding humiwalay sa kanya. Pero wala akong choice. Ginawa ko lahat para maging maayos siya kahit halos buong araw hindi ko siya makasama. Mag isa lang ako noon Marco, Kahit magulang ko hindi alam na nabuntis ako. Parang sa dating ng salita mo sobrang pinabayaan ko ang anak mo ahh."

"Nabigla lang ako. Alam mo naman na hindi ko siya mahindian. Alam mo dapat yan kasi ganun ako sa'yo. Walang kang ka effort effort pero napapasunod mo ako. Tapos si Lucas. Galing nga talaga siya sa'yo. Iisa ang epekto niyo sa akin."

Hindi na ito sumagot sa akin. Nasa parking na din kasi ng company. Gulat na gulat ang mga tao na pumasok ako na may bitbit na bata. At mas lalong nagulat sila na kasama ko si Monica.


"Good Morning, Sir! Welcome back!"

Halos isa isang bati sa akin ng mga empleyado namin.

"Sir!"

Tawag sa akin ni Lucas pagkapasok namin sa office ko.

"No baby, Dada."

Pero lumayo na ito sa akin at nagpaikot ikot na.


"Mukhang wrong move nga na dinala ko siya dito. Isang buwan pa lang niya akong tinatawag na Dada tas ngayon puro Sir na. Masakit."


Lumapit si Monica sa akin. Ikinawit niya kamay niya sa may batok ko para magkaharap kaming dalawa.


"Yung edad kasi ni Lucas ang dali niyang maka adopt. Mamaya kakausapin ko siya."


Mabilis niya akong hinalikan. Parang kanina hindi ito nagtatampo sa akin. Akala ko din kanina iiwan na naman niya ako. Huling beses ko na papapuntahin dito si Lucas. Ang pangit naman na puro Dada ang itawag ng mga tao ko sa akin. Siguro nga tama si Monica, hindi tama na nagpadalos dalos ako sa desisyon ko.


"Sir, play."



Agad na binuhat siya ni Monica. Masuyo nitong hinaplos ang mukha ni Lucas.

"Lucas, Dada not Sir. Say it, Dada."

Kung pwede ko lang sisantihin lahat ng tumawag ng Sir kanina gagawin ko. Pero ano naman kasing kasalanan nila? Eh gumagalang lang din naman sila sa akin.

"Ok, Mama. Dada, hug."

Lumapit ako sa kanila. Ang kulit lang din nga ng anak ko. Kung pwede nga lang na huwag magtrabaho pero para sa kanila din naman ito.


"Magtrabaho ka na. Ako na bahala. Doon lang kami."


Doon sila namalagi sa mahabang sofa.  Ako inaabala ko sarili ko sa mga dapat kong gawin. Hindi din ako nilapitan ni Lucas habang nagtatrabaho ako. Siguro may usapan sila ng Mama niya.


"Kain na tayo. Saan mo gusto Lucas?"


"Jobee! Toys!"

Napatawa na lang ako. Mukhang may usapan nga sila ni Monica.


"Ayaw daw ma spoiled."

Nakangiting sabi ko na ikinatawa lang din ni Monica.


"Kasalanan ko ba na may kakulitan yang nabuo natin? Kung hindi ko pa siya suhulan kanina baka minu minuto lalapit siya."



"May makulit na tayo. Anong sunod mong gustong mabuo natin?  Masipag? Matalino? Mabait? Magaling sumayaw? Ang dami pa. Kailangan kong paghandaan pa pala."

"Ang yabang din ano po? Yung pagbubuntis na pinangako mo nung nakaraan natupad ba?"

Ayun nga sablay ako. Mukhang nung naka cast ang binti ko pati yung mga sperm ko may pilay din. Hindi man lang nakarating sa finish line.


"Patulugin mo maya si Lucas ng maaga. Tutupadin ko na talaga mamaya."


Namula lang ito. Sa daming beses naming ginawa yun namumula pa din siya tuwing napapag usapan namin. Ang cute cute niya lang. At ako hulog na hulog lalo.


_casper_

Love Drunk (Completed)Where stories live. Discover now