Chapter 2

26.7K 481 41
                                    




Elise Monica's POV:

Hindi ko na ulit nakausap si Marco hanggang uwian. Hindi ko alam kung iniiwasan niya ba talaga ako o busy lang talaga siya? O alam lang niya lang siguro na makikipagtalo ako sa kanya sa pinaplano niyang samahan ako. Eh kasi hanggang ngayon hindi ko makita yung rason niya para sumama. At naguguluhan ang puso ko dahil sa desisyon niya. Nakakainis pero binuhay niya yung puso ko para umasa na kahit konti lang mapapansin na niya ako. Kasi sino ba ako? Tapos ilang araw yung ilalaan niya para makasama ako? Sinong hindi aasa dun?





"Monica parang maghapon ka atang seryoso? Hindi porket Valentines Day bukas eh kailangang ipakita mo na malungkot ka"






"Adik hindi ako malungkot para bukas. Seryoso lang talaga ako pero hindi ako malungkot"





"Napag uusapan naman yan sa harap ng bote if kailangan mo ng kausap"





"Ok lang talaga ako pre"






Si Russel yun, isa sa tropa ko na Process Engineer din. Madami naman akong kaibigan dito sa company kaya nga ako tumagal dito. Mga tropa na babae at lalaki na tinibay na ng alak ang pagkakaibigan. Naalala ko noon may problema ako sinamahan nila akong mag inum, umiyak din ako sa harap nila tas ayun parehas parehas kaming bangag nung pumasok kinabukasan.





"Kahit sa lovelife pa yan handa kaming makinig"





"Parang merong lovelife na poproblemahin? hahaha Ok lang talaga ako pre"






Lahat naman nga pwede kong sabihin sa kanila kaso hindi yung kay Marco lalo na at hindi naman nila masyadong kasundo si Marco. At kilala nga si Marco na madaming babae kaya babatukan lang ako ng mga yun pag sinabi ko na isa ako sa sa mga babaeng patay na patay kay Ethan Marco Valero.






Ilang taon na nga ba akong nagtatrabaho dito? Pagkapasa ng board exam dito na ako nag apply at ayun nga nakasabay ko pa si Marco na huli ko na nalaman na isa sa  nagTop nung board exam namin. Tama same course lang kami. Chemical Engineering. Kaya nung nakita ko siya napatulala talaga ako sa kagwapuhan niya. Tas nung malaman ko na ganun siya katalino hindi ko na napigilan na humangang lalo sa kanya. Gwapo. Matalino. Anong klaseng lahi yun? Grabe.







"Ang tagal mo naman"






Nagulat ako paglabas ko ng company andun siya. Yung maghapon kong hinahanap. Oo medyo nagpahuli nga ako kasi hindi pa ako sigurado kanina kung mag eextend ako kasi biglang nagkaproblema dun sa isang process na hawak ko.






"Bakit? Alam ko ba na hinihintay mo ako?"






"Matagal na kaya kitang hinihintay.."








"Ano?"








"Wala Miss Sawi"






Oo narinig ko naman nga ng malinaw yung sinabi niya. Kaso baka nga medyo matagal na siyang naghintay sa labas. Walang ibang pakahulugan yung paghihintay na sinasabi niya. Hindi ka pwedeng mag assume. Bawal yun Elise Monica.





Wala na akong nagawa kundi sumakay sa sasakyan niya. Na nakakapagtaka lang kasi ang alam ko yung mga Executive lang yung pwedeng magpark ng matagal doon pero andun yung sasakyan niya. Ang lakas lang talaga ng loob ng lalaking ito. O baka babae ang guard kaya nakuha sa kagwapuhan.







"Saan mo gustong kumain?"






"Bakit?"







"Elise Monica malamang nagugutom na ako. Kaya kakain tayo."







"Ibaba mo na lang kaya ako dyan sa tabi at magcocommute na lang ako. Nagugutom ka pala eh bakit hindi ka pa kumain kanina?"








"Ang taray mo talaga kahit kailan. Hindi mo ba napapansin na gwapo ang kasama mo?"





"So?"






"kaya bawal mo akong tarayan kasi gwapo ako."






Tas nginitian lang ako. Gwapo. Matalino at mayabang pala. Anong sense ng pakikipagtalo sa kanya? Eh hindi din naman nga ako mananalo sa kanya? Kahit yung kunwa kunwarian kong pagtataray balewala sa kanya.







"Ano bang pinaglalaban mo Marco?"







"Ikaw.. ano bang pinaglalaban ng katarayan mo?"







Hindi na lang ako sumagot sa tanong niya. Kasi kahit anong gawin ko hindi ako mananalo sa kanya. Yung nakakainis lang kasi naiinis ka na pero  merong naguumalpas na kilig dahil lang sa nagtatalo kami. At yung idea na nasa isang sasakyan lang kami at yung kakain pa kami mamaya. Ano nga bang pinaglalaban ng katarayan ko? Bakit nga ba hindi na lang muna ako kiligin sa sitwasyon? Pero nakakatakot kasi.. nakakatakot magpadala sa kilig lalo na kung hindi ko alam kung hanggang saan ba ako dadalhin ng kilig na ito. Kaya kailangan kong pangalagaan  ang lagay ng puso ko.







"Bakit kasi hindi ka na lang magpasalamat na idadate kita para sa Valentine's Day?"










"Kakain lang tayo Marco. Hindi yun date. Ang yabang yabang mo talaga kahit kailan. Sa tingin mo ba gusto ko na makadate ka?"








"Hahaha walang tumatanggi sa akin Miss Sawi. At sino naman ang idadate mo? Wala ka ngang boyfriend. Wala ka ding manliligaw."








Kanina medyo ok pa ako na makipag usap sa kanya pero yung ganito na halos ipagdiinan kung gaano ako hindi ligawin masasapak ko na talaga itong lalaking to.








"Itabi mo tong sasakyan at bababa ako."





Seryosong seryosong sabi ko. Yung tipong salubong na ang kilay, yung panakot ko minsan sa kapwa ko din Process Engineer pag meron silang feedback sa process ko.








"hahaha ang cute cute mo talaga Elise Monica."







At medyo pinisil pa niya ang pisngi ko tas nagpatuloy lang sa pagmamaneho. At ako nagulat din sa ginawa niya. Simpleng pagdidikit lang naman ng katawan namin pag umaakbay siya ay hindi ko na mapigil ang kilig, yung ganito pa na hinawakan niya ang mukha ko. Pinanggigilan pala ang term dapat. Kaya hindi na ulit ako nakapagsalita pa. Mababaliw ata ako pag lagi kong kasama ang lalaking to. At ano pa sa Apat na araw na bakasyon na kaming dalawa lang? Makakatagal kaya ako? O buhay pa kaya ako? Parang hindi kakayanin ng puso ko.







_casper_

Love Drunk (Completed)Where stories live. Discover now