Chapter 17

8.8K 253 20
                                    




"Process Engineer ka din sa company?"






Mahinahong sabi ni Sir Mark Ethan. Mabait naman kasi ito. At siguro sa kanya din nagmana ng kagwapuhan si Marco. Kahit pa sabihin na may edad na ito mababakas pa din na sobrang gwapo lalo nito nung binata.







"Opo Sir, Pero magkaibang process po kami ni Marco."








"Ganun ba? Kaya pala ayaw ni Marco na mamahala ng company. May binabakuran palang magandang Engineer"







"Daddy, huwag niyo naman masyadong ilaglag ang kagwapuhan ko"







"Kagwapuhang minana mo lang sa akin"






Wala na. Hindi ko na kailangang magtaka o pakaisipin kung saan nagmana si Marco na masyadong pinapangalandakan ang kagwapuhan nito. Ang kulit lang.








"Kuya so pwede na din akong magboyfriend? Kasi may girlfriend ka na"







"At sinong may sabi? pag nakapasa ka na sa Bar Exam saka ka palang pwedeng magpaligaw Love Scarlet!"









"Mom, Dad ang unfair naman ni Kuya. Ano yun siya lang ang pwedeng maging masaya?"







Parang nakikinita ko na kung gaano magiging ka istrikto si Marco kung sakaling magkakaanak kami ng babae. Kung tutuusin ilang taon na ang kapatid niya. 23 years old? Sapat na edad na para magpaligaw pero ayaw siyang payagan ni Marco. At sa itsura ng kapatid niya malamang sa malamang madaming lalaki ang naghahabol dito. Madaming lalaki ang nag aabang para maligawan siya.







"Ganun talaga. Panganay ako. Hindi ka pwedeng magboyfriend kasi bunso ka pa!"







"Hoy anak anong gusto mo magbuntis pa ako para lang payagan mo si Love? Ang baliw mo"








Hindi ko maiwasan na hindi mapangiti sa pag uusap nila. At ang baliw lang din ng kundisyon ni Marco. Nakakatuwa ang pamilya nila. Ang lapit nila sa isa't isa. Ang saya din nila. Kaya siguro may side si Marco na makulit. At sobrang lapit niya sa Mommy at kapatid niya. Kaya alam ko na hindi niya magagawang manakit ng babae dahil alam niya kung paano igalang ang mga ito. May mga babae lang siguro na talagang hindi maiwasan na lumapit sa kanya kaya napagkakamalan na babaero siya pero sa tagal naming magkasama sa Department halos tsismis lang talaga ang narinig ko. Wala akong nakikita na nakakasama niya. Kahit sa facebook o IG wala akong napala ng minsan na iistalk ko siya. Ganun lang talaga siya. Gwapo, Matalino, Mayaman at Mabait. Parang hindi kapani paniwala na merong ganitong lalaki. Akala ko sa wattpad lang nababasa ang mga ganun. Pero heto siya katabi ko. At mahal na mahal ako.







"Tapos akala ko bawal siyang magpatulog ng babae sa kwarto niya? Bakit pumayag ka Mommy? Akala ko isa yun sa mga batas ng bahay? Bakit parang nababalewala ata? Kung ang simpleng batas dito sa bahay hindi magagawang sundin ano pa yung batas na nakasaad mismo sa Saligang batas?"






Medyo hindi ako makatingin masyado sa kapatid ni Marco. Kasi may point naman siya. Ewan ko ba kung bakit din pumayag ang Mommy niya.









"Hayaan mo na yang Kuya mo Love. " Nakangiting sabi ng Daddy ni Mark Ethan. Parang balewala dito yung kaseryosohan ng anak na babae o kung ano mang ang pinaglalaban nito. "Saka yung sabi naman eh bawal kung sino sinong babae. Ngayon lang naman siya nagdala ng babae dito. At papakasalan na ata niya. Kaya wala na kaming magagawa. Apo na yung nakasalalay"







Napainom ako bigla dahil sa sinabi ni Sir Mark Ethan. Nakakahiya. Sabagay iniisip na naman talaga na merong nangyayari sa amin dahil na din sa pag uusap kanina sa Mommy ni Marco. Na nalaman na magkasama kami kagabi.







"Bakit kasi pinayagan niyo ako na mag abogado tapos balewala din naman ang mga katwiran ko dahil sa huli kayo kayo pa ding mga Engineer ang magkakampihan"








"Sige na pwede ka ng magpaligaw."
Mahinahong sabi ni Marco. "Pero ipakilala mo siya sa akin. Pag magdadate kayo kasama mo ako. Tapos dito siya sa bahay aakyat ng ligaw. Tas mga tatlong taon dapat siyang manliligawa sayo."









"Kung huwag mo na lang kaya akong payagan kuya? Nakakahiya naman sayo" Pero hindi naman nababakas sa mukha nito na galit ito. Parang hindi din naman nga siya seryoso sa ligawan na topic. "Saka tinatamad na pala akong magpaligaw Kuya. Magtotop pa ako sa Bar Exam. Nakakahiya naman sa inyong tatlo na puro kayo topnotchers"









"Very good."







Parang nakakahiya lalong mapabilang sa pamilya ng mga ito. Kahit pala ang Mommy nito ay nag top din sa Board Exam? Ang alam ko lang parehas silang Mechanical Engineer ni Sir Mark Ethan at alam ko na Top 1 talaga si Sir. Pero nakakagulat na pati pala ang Mommy niya.









"Licensed Chemical Engineer ka ba Monica?" Nakangiting tanong ng Mommy ni Marco.








"Opo. Pero hindi po ako Topnotcher"






Nagulat ako sa biglang paghagalpak ng tawa ng Daddy ni Marco. May mali ba sa sinabi ko?







"Wala namang kaso yun Monica. Hindi naman yun batayan kung magugustuhan ka namin para kay Marco." Nakangiting sabi ni Mark Ethan. "Kung ikaw ang mahal ng anak ko at ikaw ang magiging nanay ng magiging apo ko wala akong pakialam kung pasado ka o kung may top ka o kahit na bagsak ka pa. Hindi naman siguro yun ang minahal ng anak ko sayo"







"Hindi ko din po alam kung ano ang minahal sa akin ng anak niyo Sir"







"Mabuti yun na hindi mo alam" Yung daddy pa din niya. Si Marco nakatingin lang sa akin. Pero nakangiti naman siya. Ang baliw lang. "Hindi mo alam kung ano kaya hindi mo alam kung ano ang babaguhin mo. Hayaan mo ang anak ko na mahalin ka lang niya"







"Yes Sir"




Hinawakan ni Marco ang kamay ko na nakapatong sa may hita ko. Yung ngiti niya ganun pa din. Yung tipong sobrang saya niya. Yung tunay na saya na ngayon ko lang talaga nakita. O dahil alam niya na wala na talaga akong kawala sa kanya. Ngayon pa ba na naiharap na ako sa buong pamilya niya.








_casper_

Love Drunk (Completed)Tempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang