Chapter 12

12K 336 21
                                    








"Tagay mo na pre"







Wala na akong nagawa ng iabot ni Russel kay Marco yung baso. Hindi pa naman siya talaga ang tatagay, alam ko na lalasingin ng mga ito si Marco ang babaliw lang. Hahayaan ko na lang sana na inumin yun ni Marco  kaso nagulat ako ng makita ko na halos doble ang taas nun kesa sa tagay namin. Fundador kasi ang iniinum namin ngayon. Tas maya pag may mga tama na magbabanlaw ng beer. Nagulat si Marco ng kunin ko yung baso at dirediretsong inumin yun.








"Uhaw lang?"






Medyo nagtatakang tanong ni Marco pero yung mata niya mapungay na. Mamaya maya lasing na to. Bakit kasi nagkaroon ako ng baliw na kaibigan?







"Pauwi ka na ba? Nagmamadali lang?"





Tanong pa din ni Marco. Ang cute niya na ganyan siya. Na lasing siya pero gusto ko naman na malasing siya na patas ang laban. Hindi yung malalakas na ngang uminum yung mga kalaban niya may kasama pang daya.







"Tara swimming tayo"





"Namiss mo ba yung sa Palawan?"







Medyo nagulat ako sa sinabi niya. At alam ko na pakinig yun ng mga kasama namin. Lagot lalo ako sa mga yun. Bakit kasi ang daldal niya?






Pagkalublob namin sa pool doon ko naramdaman ang pagkahilo. Nabigla ata ako sa ininum ko. Ang taas namin kasi ng tagay tas diniretso ko. Nagpabalik balik si Marco sa paglangoy siguro para mawala din kahit papaano ang tama niya.






"Paano ka nakakasabay ng pag inum sa mga yun?"







Tanong niya nung tumigil siya sa paglangoy. Sinamahan niya ako sa tabihan ng pool at hinawakan ang kamay ko.








"Sanay na kasi ako. Ikaw naman kasi hindi ka sanay."







"Nakakahiya tuloy na ang dali nila akong pasukuin sa inuman. Pasensya na."







Medyo seryosong sabi niya. Hindi ko alam pero parang nasasaktan ako na nakikita na seryoso siya ng ganyan.







"Sumusuko ka na ba agad?"








Humigpit ang paghawak niya sa kamay ko. Yung tipong wala siyang planong pakawalan ako.








"Alak lang yan. Ilang beses man akong pamatumba hinding hindi kita susukuan. "







"Susukahan lang?"







Napangiti siya sa sinabi ko.







"Ayun ang hindi ko mapipigilan."






Hinaplos ko ang mukha niya. Para kumbinsihin ang sarili ko na totoo nga na kaharap ko siya. Na pinapatunayan ang sarili niya sa harap ng mga kaibigan ko. Kung tutuusin hindi naman na kailangan kahit wala siya g ginagawa dati matagal na akong nahulog sa kanya. Natatakot lang talaga ako ngayon na sumugal sa inaalok niya pero sa nangyayari ngayon parang hindi naman siguro matatagalan na mapapayag niya ako.









"Miss na kita"








"Huh?"






Hindi naman kami naghihiwalay mula kanina tas namimiss niya ako? Lasing na nga ata to.







"kahit ang lapit lapit mo, kahit pa hawak kita ngayon namimiss pa din kita."









"May tama ka lang kaya ka ganyan. Huwag ka na ulit iinum ng hindi mo kaya"






"May tama naman talaga ako.. may tama sayo"






Nahampas ko nga tas ang adik lang tumawa ng pagkalakas lakas napatingin tuloy mga barkada ko.









Nagtagal kami sa pool hindi naman kasi ganun kalamig ang tubig kaya ok lang saka ayaw ko na ulit patagayin si Marco. Ok na na nakainuman niya ang barkada ko wala naman siyang kailangang patunayan sa kanila.








"Oh pre ikaw na"





Nagulat ako ng abutan ni Russel ng alak habang andito kami sa pool.








"Ang totoo pre?"







"Ganyan naman talaga tayo di ba? Umiikot ang tanggero. Madami na siyang napalampas na tagay."








Akmang kukunin ko yung baso ng mabilis tong abutin ni Marco at tuloy tuloy na ininum. Napailing na lang ako. Mga lalaki talaga.








"Tama na yung sinagot mo na tagay kanina. Nahihiya na ako sa sarili ko kung ikaw na naman iinum para sa akin."








"Pero balak ka talagang lasingin ng mga yan. Ang taas ng tagay sayo. Tas sila hindi masyadong umiinum tas ikaw ang panay inaabutan ng baso."








"Ibig sabihin hindi ka talaga nila basta basta ibibigay. Kaya kailangang may mapatunayan ako sa kanila. Na hindi din naman kita basta basta susukuan. Kaya kahit malasing ako ok lang. Kung ikaw naman ang magiging hangover ko."








"At nakuha mo pa talagang bumanat?"









"Gwapo kasi ako"








Hindi ko napigilan na hindi yumakap sa kanya. Wala na akong pakialam kung makita pa yun ng mga kaibigan ko. Kailangan din kasing may gawin ako para ipaglaban din siya. Wala na din sa isip ko kung tutol man sila. Sa una lang naman yun. Ako pa din ang magdedesisiyon. Masaya ako na kasama siya ngayon. Sobrang saya na hinaharap niya ang topak ng mga kaibigan ko.








"Baka mabugbog na ako ng mga tropa mo dahil sa yakap mo"









Lalo ko lang hinigpitan ang yakap sa kanya. Naramdaman ko ang mga kamay niya na yumakap na din sa akin. Siguro alangan siya kanina kung gagawin niya yun.









"Sabihin mo sa mga tropa mo huwag na silang magalit sa akin. Kukunin naman natin silang ninong at ninang sa unang anak natin."









"Anak agad?"








"Alangan namang mauna ang apo?"








"Adik"










Tumawa na lang siya. Magkayakap pa din kami. Yung ganitong pagkakataon na yakap yakap ko siya parang nababawasan kahit papaano yung takot na pumayag sa gusto niya. Na ipaglaban sa mismong sarili ko yung pagmamahal na alam ko na para sa kanya lang.








_casper_

Love Drunk (Completed)Where stories live. Discover now