Chapter 21

8.5K 256 15
                                    

Marco

Hindi ko na magawang sumagot kanina kay Monica. Sobrang dami kasing ginagawa. Bakit nga ba ako napapayag na magtraining? Ayos na naman ako dati. Kaso kung future namin ni Monica ang iisipin ko kailangan ko talagang tanggapin ang pamamalakad ng company. Naisip ko na huwag na lang sumunod sa resort na sinasabi ni Monica kasi sina Russel naman kasama niya. Wala namang problema sa kanila. Kahit nga magdamag pa silang mag inom safe si Monica sa kanila.

Kaso mas lamang yung pagkamiss ko sa kanya kumpara sa pagod na nararamdaman ko. Kaya kahit pauwi na ako ibinaling ko ang sasakyan ko papunta sa resort. Saka para makasama ko nga din si Monica. Ilang araw na din na halos hatid at sundo lang ang nagiging pagsasama namin. Naiintindihan naman daw niya ako. Sabi niya noong nakaraan nakakamiss lang daw talaga kasi sinanay ko siya na lahat ng oras ko sa nasa kanya.


Pagdating ko sa resort tahimik na. Walang kumakanta sa videoke. At ang nakakagulat lahat ng tropa niya halos nakatulog na sa may lamesa na pinag inuman nila. Pero wala si Monica. Imposible naman na umuwi yun ng hindi nagsasabi sa akin . At hindi talaga yun uuwi kasi delikadong umuwi. Umakyat ako sa taas para hanapin siya. Baka kasi nasa isang kwarto lang doon at nagpapahinga. Nakakapagtaka lang na nalasing agad ang mga tropa nito. Ang lalakas uminom ng mga yun eh. Pinuntahan ko yung isang kwarto na may bukas na ilaw. At ganoon na lang ang gulat ko ng may hubad na lalaki sa ibabaw ni Monica. Agad kong dinaluhong sila at ganoon na lang ang gulat ko ng makitang wala ng damit si Monica, at akma ng ipapasok ng lalaki yung sa kanya. Hinila ko agad yung lalaki at nabigla ata na may humila sa kanya.



"Sir Marco."




"Gago ka! Papatayin kitang hayop ka!"



Pinagsusuntok ko siya. Dahil sa kabiglahan hindi niya magawang gumanti sa akin. Pinagsisipa ko siya. Lahat ng galit binuhos ko sa kanya. Hindi ko siya tinigilan hanggang sa mawalan ito ng malay.  Kulang pa yun. Kung pwede ko lang siyang patayin ginawa ko na dahil sa pagsasamantala niya sa babaeng mahal ko.

Pinuntahan ko si Monica. Kahit ang damit nito ay pinunit ng gagong yun. Hinubad ko ang jacket ko at yun ang sinuot ko sa kanya. Hindi pa din humuhupa ang galit ko. Pero habang hawak ko siya na walang malay hindi ko mapigilan na pumatak ang luha ko. Paano kung nahuli ako ng dating? Alam ko na wala siyang malay hindi sa sobrang kalasingan. Malakas uminom si Monica kaya sigurado ako na may ginawa yung lalaking yun para mawalan ng malay siya.




Binuhat ko si Monica pasakay ng sasakyan ko. Ng maiayos ko siya doon agad kong tinawagan ang abogado ko para magpadala ng pulis dito at pinapunta ko din siya dito para siya na din ang mag asikaso para hindi makawala yung lalaking yun sa ginawa niya. Wala pang 30 minutes nga ay andito na sila. Nagising na din ang mga tropa ni Monica at takang taka bakit may mga pulis. Hanggat maaari sana ayaw ko silang harapin kasi pinabayaan nila ang mahal ko.





"Akala ko ba safe si Monica pag kasama kayo? Kung hindi ako dumating tuluyan na siyang narape. Sino ba yun?! Bakit nagsasama kayo ng ibang tao sa lakad na dapat sa inyo lang?!"





"Marco pasensya na.."




"Pasensya siya? Russel kung hindi ako dumating saan makakarating ang pasensya mo? Pinagkatiwala ko sa inyo si Monica. Tapos ganito ang mangyayari?" Hindi na sila nakapagsalita pa. "Mula ngayon hindi ko na hahayaan na sumama si Monica sa inyo"





Tinalikuran ko na sila. Hinayaan ko na din ang abogado ko na siya na ang makipag usap. Iniuwi ko si Monica sa unit ko. Hindi ko alam kung sa pagising niya kung makakaya kong makita na nasasaktan siya. Kaya ngayon habang wala pa din siyang malay yayakapin ko muna siya. Hindi ko siya iiwan. Kahit pa natuloy yung binabalak ng lalaking yun na maangkin si Monica hindi ko pa din siya iiwan. Pero buti na lang talaga hindi nagtagumpay yung gagong yun. Nagpapasalamat na lang ako na dumating ako sa tamang oras. Kundi pagsisihan ko hanggang sa huli na wala ako sa tabi niya sa oras na kailangan niya ako.







_casper_

Parang hindi ko ata naitawid ang chapter na ito. Pasensya na.

Love Drunk (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon