Chapter 32

7.9K 217 16
                                    

Chapter 32

Marco

Matapos niya akong pakainin ng hapunan ay umalis na ulit ito. Ilang oras pa lang kaming nagsasama sama. Parang ang ilap naman ata niya? Ni hindi siya makatingin sa akin kanina. Parang inaalagaan niya lang ako pero hindi ko talaga siya maramdaman. Simula kaninang dumating ako dito halos kada trenta minutos lalabas siya ng kwarto. Ilang minuto siyang mawawala tapos babalik at uupo doon sa may sofa sa loob ng kwarto ko. Yung malayo sa akin. Ngayon siguro kumain din siya kaya medyo matagal siyang bumalik.

"May kailangan ka pa ba Marco?"


Seryosong tanong niya sa akin. Si Monica ba talaga siya? Bakit hindi ko maramdaman?



"Pag wala na ba? Iiwan mo na ako?"


"Marco.."

"Pero kailangan kita noon pero iniwan mo ako."



"Kung wala na magpahinga ka na. Matutulog na din ako."


At tumalikod na ito sa akin.  Ayaw niyang pag usapan namin ang nakaraan. At mukhang sa nakaraan ko lang siya pag aari.



"Naiihi ako."



Gulat siyang napatingin sa akin. Gusto ko mang pigilan pero hindi na talaga kaya. At sana bago niya tinanggap na alagaan ako naisip na niya na kasama yun sa gagawin niya.  Pumasok ito sa bathroom ng kwarto ko. Hindi ko din kasi alam kung paano ba ang gagawin? Pagbalik nito ay may hawak itong bote. Mukhang galing itong hospital kasi may tatak pa ito ng pangalan ng hospital kung saan ako galing. Inalalayan niya akong umupo. Buti maluwag na short ang suot ko kaya hindi na mahirap ibaba. Ang problema naka brief pa ako kaya no choice kundi ibinaba niya din yun. Parang wala lang dito na hawakan ang pagkalalaki ko at itama sa bukana ng bote para doon ako umihi.

Katulad kanina hindi pa din siya makatingin sa akin. Hindi ko naman alam kung paano ako magcoconcentrate sa pag ihi ko na andito siya sa harap ko at nakalabas ang pagkalalaki ko. Ilang minuto yun tumagal bago niya ilayo yung bote at dalhin sa bathroom. Hindi naman niya kasi itinaas ang brief at short ko bago niya ako talikuran.


"Mas ok siguro na huwag ka na magbrief or boxer muna. Para hindi mahirap pag iihi ka."


Pinaupo niya ako at walang sabi sabi na hinubad ang short at brief ko. Hindi ko naman mapigilan na mag init dahil sa ginawa niya. Kumuha ito ng panibagong short na mas komportable para sa  akin. Isinuot niya yun at medyo napatigil pa siya kasi medyo sumaludo sa kanya ang aking kaibigan. Ilang beses ko siyang nakitang napalunok bago tuluyang maitaas ang aking short.



"May gagawin lang ako saglit pero diyan ako matutulog sa sofa maya para madali mo akong matatawag pag kailangan mo ako. Magpahinga ka na."




Gusto ko siyang pigilan. Gusto ko siyang hawakan. Pero hindi ko magawa dahil sa benda ng aking mga kamay. Ngayon nag sisisi ako kung bakit nagpadala ako sa galit ko at saktan ang sarili ko.

Nalilito ako kung anong meron sa kanila ni Neon. Kung meron mang namamagitan sa kanila hindi papayag ang pinsan ko na andito siya kasama ko. Pero kung andito siya dahil sa pakiusap ng magulang ko? Wala na ba talaga siyang pagmamahal sa akin? Kasal na lang ang kulang sa aming dalawa dati. Seryoso naman ako sa kanya. Tapos bigla na lang siyang nawala. Ni walang paliwanag. Baka sakaling maintindihan ko naman. Pero wala. Sa loob ng mga panahon na wala siya hindi ko alam kung paano ko nakayanan. Ngayon andito siya. Kaso sa lamig nang pakikitungo niya? Mukhang talo pa din ako sa sitwasyon.




_casper_

Love Drunk (Completed)Where stories live. Discover now