Chapter 27

7.2K 194 18
                                    


Monica

Wala naman talaga akong balak na tuluyang lumayo kay Marco. Noong gabing yun gusto ko lang sanang lumayo ng ilang araw para makapag isip. Kaso ang hindi niya paglapit sa akin ng ilang araw ay sobrang masakit para sa akin. Pakiramdam ko noon na ok lang talaga na magkahiwalay kami. Iniisip ko din na baka busy siya pero hindi ko naman kailangan ng buong maghapon niya. Sapat na sa akin sana ang saglit na atensyon at pagsuyo. Ngunit nabigo ako.


Nagfile ako ng resignation. Kahit ang ilang na pag aasikaso noon ay wala pa din siyang paramdam sa akin. Kaya nakaalis ako sa company nila ng hindi niya alam. Napagbenta ko ang bahay namin para tumira sa mas maliit na bahay na tama lang para sa akin. Hindi ko naisip pumunta sa mga magulang ko. Madali lang akong mahahanap ni Marco doon pag naisip na niya na hanapin ako. Pag nag sink in na sa kanya na wala pala ako. Nag apply ako sa isang company na hindi niya iisipin na doon ako mag aapply. Kahit ang mga tropa ko ay walang kaalam alam kung saan nga ba ako lumipat. Sabi nga nila saan nga ba pwedeng magtago? Saan magandang magtago? Hindi naman talaga ako lumayo kung tutuusin. Sa company ng pinsan niya ako nag apply ng trabaho. Hindi ko nilagay na galing ako sa company nina Marco kahit pa sabihin na dagdag sana yun sa credentials ko. Nagkataon lang din siguro na sobrang nangangailangan sila ng Process Engineer kaya tinanggap nila ako kahit pa sabihin na hindi ko nga nilagay yung work experience ko. Buti pasado ako sa exam nila. Pumasa sa technical interview at sa situational interview. Isang buwan after kong magresign sa company ng mga Valero lumipat ako sa company ng mga Villaluz.

Doon na nabago lahat. Doon na nabago ang mga plano ko para sa aming dalawa ni Marco. Ang ilang araw na paglayo ay naging lampas tatlong taon na. At kung magkita man kami ngayon hindi ko alam kung matatanggap niya ako. O kung meron pa bang kami.


"Bakit ba sa daming nanliligaw sa'yo dito o nagtangkang manligaw bakit single ka pa din?"



"Wala namang masama sa pagiging single."

Ilang buwan pa lang ako dito nagsimula nang magparamdam ang iba. Kaso kasi mahirap magmahal ulit kung may nagmamay ari pa ng puso ko. Lumayo lang ako kay Marco pero nanatiling hawak  niya pa din ang puso ko.

"Sabagay naman nga hindi masisisi sila na tumigil na nga sa panliligaw. Kung ang karibal naman kasi nila ay kapatid ng presidente ng kumpanya."


Si Hyacinth ang isa sa unang nakaclose niya dito sa company. Lagi kasi itong nakangiti lagi. Hindi siya mahirap lapitan. Siya din ang unang tumulong noong unang naka encounter ako ng problema sa process ko. Kung sa dating company kasi parang madali na lang pero yung ngayon kasi madami akong kailangan pang pag aralan. Kaya yung unang downtime hindi ko halos alam kung saan ba ako mag aadjust. Buti na lang andyan si Hyacinth. After noon hindi na kami napaghiwalay. Sa mundong ang pinahahalagahan ng iba ay competition at promotion, andyan siya na mas piniling tumulong. At tama din siya na  isa sa nagparamdam sa akin ay ang kapatid ng Presidente ng kumpanya. Kapatid na Sir Ethan Michael Villaluz, si Neon Michael. Hindi ko mapigilan na hindi mapangiti sa tuwing maaalala kung paano ang aming unang pagkikita.

Palabas na kasi ako noon, nakasalubong ko siya sa hallway ng company. Halos 18 months pa lang ako sa company noon. Nakasanayan na kasi naming bumati sa mga Executive. Kilala naman namin sila kasi every meeting andoon sila. Saka kilala talaga si Neon Michael kasi kahit pa sabihin na hindi siya ang humahawak ng company mas kinagigiliwan siya ng kababaihan kasi siya ang single sa magkapatid. 


"Good Afternoon, Sir."

Bati ko sa kanya noong halos magtapat na kami. Tumingin lang siya sa akin. Ako naman dumiretso na kasi kailangan kong makauwi agad. Pero hindi pa man ako nakakalampas sa kanya ay nagsalita ito na labis kong ikinagulat.


"Finally, ang tagal na kitang hinahanap."


Medyo nagulat ako. Alam na ba ni Marco na andito ako kaya pinapahanap niya ako kay Neon? Akala ko safe na ako dito. Naka 18 months na ako na wala namang problema.




"Hinahanap po? May problema po ba Sir?"

Humarap ito sa akin at ang lapad lang ng ngiti. Kaso yung ngiting binibigay niya ay sobrang pamilyar sa akin. Minsan na akong nahulog, natupok.



"Yup. Nakita kita sa meeting dati tapos tinanong ko si Kuya if kilala niya yung pinakamagandang empleyado dito. Hindi daw. Siguro kasi may asawa na siya kaya hindi siya interesado. At buti na lang pala may asawa na siya kasi baka maging karibal ko pa siya." Tumigil ito saglit pero kapansin pansin na medyo namula ang mukha nito. Para saan? "Ayaw kong palampasin ang pagkakataon na ito. Sabi ko nga matagal kitang hinanap. Engineer, pwede bang manligaw?"

Hindi ko alam ang isasagot ko. Hindi ko alam kung sinong mas bata sa aming dalawa pero sa sobrang cute niya ngayon habang nasa harapan ko iisipin ko na lang na siya yung mas bata sa akin.




"Sir, ayaw ko pong maging tampulan ng tsismis dito. Gustong gusto ko po sa company niyo."



Napansin ko ang pagbakas ng lungkot sa mga mata niya. Gwapo naman kasi talaga si Neon kung sa kagwapuhan lang ang usapan. Ikaw na ang maging produkto ng genes ng Valero at Villaluz anong aasahan mong itsura niya.





"First day pa lang busted na. Samantalang nagkakandarapa sa akin ang ibang empleyado dito. Tapos sa'yo balewala lang ang kagwapuhan ko?"




Napangiti na lang ako. Ayan na naman ang pinagmamalaking kagwapuhan. Parehas na parehas silang magpinsan. Kung ibang babae din sana ako madali lang ang mahulog sa kanya. Kaso natuto na ako.



"Pasensya na po, Sir."




Pero hindi nito tinanggap yun. Pagkalabas ko sumabay din siya s akin. Pinilit niya akong inihatid. Hindi daw pwedeng mabusted siya sa unang araw ng kanyang panliligaw. Bigyan ko naman daw siya ng magandang laban.




"Hindi ko na kasalanan na umatras sila dahil kay Sir Neon. Hindi din naman sila tinakot nung tao."



Mabait din talaga si Neon. Halos ang tagal na din simula noong nagsimula siyang manligaw. Yung patagong relasyon namin noon ni Marco hindi niya yun pinaranas sa akin. Kahit sinong kasama ko o kahit sinong kasama niya hindi siya pumapalya na iparamdam ang pagmamahal at pag aalaga niya s akin. Kung tutuusin mas matagal ko dating kasama si Marco pero yung tagal na magkasama kami na close talaga saglit lang din. Mas matagal na kung tutuusin na nakakasama ko si Neon. Yung ilang beses na date namin o out of town. Minsan sa bahay lang kami maghapon. Kaya siguro hindi ko masisisi ang mga katrabaho ko na isipin na posibleng maging kami nga ni Neon.



"Sorry sa paghihintay."


Late na kasi akong nakalabas dahil madami akong ginawa maghapon. At may usapan kaming sabay kakain ng dinner ngayon. Pinagbuksan niya ako ng pinto. Ganyan siya lagi. Ipaparamdam sa'yo na babaeng babae ka. Ipaparamdam sa'yo na dapat pinagsisilbihan ka. Ipaparamdam sa'yo na mahalaga ka.


Bago nito paandarin ang sasakyan niya at humarap muna ito sa akin.




"Kahit anong paghihintay pa yan basta ikaw."



Sabay halik sa pisngi ko. Tapos hindi na nawala ang ngiti nito sa labi. Ang kulit lang din ng lalaking ito. Posible bang mahulog na namaj ako sa isang Valero?

_casper_

Love Drunk (Completed)Where stories live. Discover now