Chapter 19

8.6K 257 20
                                    





After akong ihatid ni Marco pagtapos naming maglunch kasama ang Daddy nito ay isa isang dumating na ang mga tropa ko.








"Seryosohan na talaga pre?"







Seryosong tanong ni Russel. Sa kanilang lahat naman talaga sa kanya ako pinakamalapit. Tas may pagtaas pa nito ang kamay na may singsing na bigay ni Marco.








"At nagpropose na talaga siya?"







Si JP naman yun. Para akong kriminal kung imbestigahan nila. Kriminal na ang tanging kasalanan ay ang magmahal.









"Nagpropose siya pero hindi pa ako pumapayag na magpakasal kami"









"At bakit?" Seryoso pa din sila. Hindi ko alam kung matutuwa ba ako na kaibigan ko sila o hindi. Masyado silang mahigpit. Pero alam ko naman na mahal na mahal lang nila ako. At ayaw nila na mapahamak ako. Lalo na kung usaping pagmamahal ang usapan. "Pero suot mo yang singsing? Ano yun? Hindi ka sumagot? Pero pumayag ka na suotan ka ng singsing? At nakilala mo na magulang niya? Anong pumipigil sayo para pumayag na magpakasal sa kaniya? Kasi hanggat walang kasal na mangayayari sa pagitan niyo hindi kami matatahimik para sayo"









"Payag kayo na magpakasal ako sa kanya? Akala ko ba ayaw niyo?"








"Anong magagawa namin? Nasalasihan kami. Naisuko ang bataan ng hindi namin namamalayan"







"Adik"







Nahampas ko nga sila. Ang kulit lang. Akala ko isa sila sa tutol sa relasyon namin. Isa pa din kasing isipin yun kung pati sila poproblemahin ko. Tama na yung mga tsismosa dito sa department na kanina pa masama ang tingin sa kaniya.









"Salamat mga pre. Pag payag na akong magpakasal sa kanya kayo ang una kong sasabihan"







"Pre kasal muna bago binyag huh?"







Hindi ko na napigilan na hindi pamulahan ng pisngi dahil sa sinabi nila. Alam ko naman na posibleng mangyari yun na mabuntis ako bago man ako pumayag magpakasal kay Marco.








"Oo pre. Ang kulit niyo"






Akala ko maghapon nila akong kukulitin buti iniwan nila ako para makapagtrabaho ako ng maayos. Ng uwian ay sabay na kaming umuwi ni Marco.







"Ang gwapo mo lalo sa suot mo"





Hindi ko yun nasabi kanina nung maglunch kami kasi kasama ang Daddy niya. Nakakahiya pa din.







"Andami ngang nagsabi kanina"





"Tuwang tuwa ka naman na ang daming lumuwa ang mata sayo?"






Tas nakakaloko pa ang ngiti nito. Nakakainis. Kaya nga ba ayaw ko na magpagwapo siya lalo. Ang daming kaagaw.







"Sayo lang naman ako"







Tas hinawakan niya ang kamay ko. Ngayon lang din kami nagkahiwalay sa trabaho. Dati kasi malapit lang ang cubicle namin. Nakakasama ko siya tuwing meeting. Pero ngayong maghapon nakakamiss pala na dalawang beses ko lang siyang nakita.









"Sabi nga pala nina Russel, Kasal muna daw bago binyag"






"Talaga? Pumapayag na sila?"





"At susundin ko sila.."





Ako naman ang ngumiti ng pagkatamis tamis sa kanya. Medyo sumeryoso si Marco ng konti na para bang nakikinita na meron siyang masamang balitang matatanggap.






"Paanong susun..din?"







"Bawal ang sex hanggat hindi ako pumapayag magpakasal sayo"






"Ano?!!"







_casper_




Boom Tigang si Marco.

Love Drunk (Completed)Where stories live. Discover now