Chapter 8

15.1K 408 32
                                    





Hindi ko na tinapos ang bakasyon namin. Umuwi akong mag isa kahit kapalit nun ay gagastos ako ng pamasahe ko pauwi. Pero ok lang. Mas ok na yung mabutas ang bulsa kesa naman patuloy na may mangyayari sa amin at aasa lang ako. Tama naulit na naman. Nung gabing nagwalk out ako sa kanya umuwi siya ng lasing. Nung una alam ko nalasing siya dahil na din sa pagod sa byahe pero yun nalasing siya sa dami ng nainum niya. Kaya parang wala talaga siya sa sarili niya. Sabi nga nila lampas ang tingin.At tama nga ang hinala ko kasi nung alalayan ko siya bigla bigla na lang niya akong hinalikan sa labi. Medyo marahas na paghalik. Pero hindi naman yung nasasaktan ako. Ibang halik lang dun sa ginagawa niya tuwing normal siya. Pero katulad nung nakaraan nagpatangay lang ako sa ginagawa niya. Nagpadala sa init na binuhay niya dahil sa mapangahas na ginagawa niya. Hindi ko alam kung anong alak ba ang nainum niya nun pero mas agresibo siya at hindi lang isang beses na ginawa namin yun. Hindi ilang beses na nagpaubaya ako. Kaya napagdesisyunan ko na iwan siya. Hindi dahil sa galit ako sa ginawa niya kundi hindi ko alam kung paano ko siya haharapin? Kung natatandaan niya man yun o hindi wala na sa akin basta hindi ko alam kung anong ikikilos ko pag nakaharap ko siya. Kasi anong silbi na tinalikuran ko siya dahil ayaw kong ma involved sa kanya? Kung ang dali dali ko din namang ibibigay ang sarili ko sa kanya.






"Akala ko ba nagbakasyon ka?"






Nagulat ako na may nagsalita sa tabi ko. Nasa company na ako ngayon. Nakatitig sa laptop ko. Dapat kanina ko pa nasend yung report ko pero hanggang ngayon wala pa ako sa kalahati ng ginagawa ko. Tama nga siguro sila nakakabobo ang pagmamahal.







"Nagbakasyon naman talaga ako pre"




Si JP, isa sa tropa ko. Bale siya ang nagtrain sa akin. Sabi ko nga madami sila na tropa ko dito. At tama din si Marco na mas madami yung tropa ko na lalaki kaya nahihirapan siya na lumapit sa akin pag andito sa company kasi feeling niya binabakuran ako ng mga ito.







"Nakakabangag pala ang pagbabakasyon? Nakita mo na ba ang sarili mo sa salamin? Mukha kang nagrereview para sa board exam. Ang laki ng eyebags mo."







Kumuha agad ako ng salamin sa bag ko. At medyo tama nga ang sinasabi niya. Nakakabawasan din pala ng ganda ang pagmamahal? Bakit parang ang dami ko naman kailangang isacrifice? Ako na nga yung agrabyado sa nangyari? Ako pa ang hindi makapagfocus sa trabaho? At ako pa ang mukhang bangag ngayon? Tapos yung may kasalanan ng lahat ng ito hanggang ngayon hindi pa din pumpasok. Baka nakakilala siya dun na uubos ng oras niya. Yung makakatalik niya kahit hindi siya lasing. At medyo masakit sa puso ko ang iniisip ko. Kainis.





"Sigurado ka ba na wala kang boyfriend Elise Monica?"








"Bakit may nakikita ka ba na boyfriend ko?"






Hindi ko na lang pinahalata na medyo nagulat ako sa tanong niya. Iniisip ba niya na kaya ganito ngayo ay dahil sa lalaki? Ang galing lang talaga.






"Wala. Kaso nag aalala kami sayo. Nakakahiya na sa dami namin na kaibigan mong lalaki eh may nakalusot sa amin para masaktan ka ng ganyan"








Hindi na ako nagsalita. Umalis na din siya sa tabi ko dahil alam naman niya ang ugali ko. Buti na lang at malapit na din kaming lumabas. Makakaiwas ako sa ibang pagtatanong nila. Masyado kasi nila akong binaby. Kaya masyado akong nasasaktan ngayon. Hindi ako sumabay sa kanila sa paglabas. Kahit nakakamiss nga na makipagkulitan sa kanila. Alam ko na pinaguusapan nila ako. Kilala ko sila. At alam ko na nag aalala nga sila. Nagpalipas ako ng isang oras bago ako lumabas ng company. Magcocommute na lang ulit ako. O baka dumaan kung saan para uminum ng konti. Alak na naman? Pwede naman sigurong kalimutan sa pamamagitan ng alak ang sakit na gawa din ng alak di ba? Yung mas matapang ang iinumin ko.






"Akala ko bukas pa ng umaga ang uwi mo Elise Monica"





Nagulat ako dahil nakaabang siya dun. Dun sa dating parking area na para sa mga executive.






"Anong ginagawa mo dito Ethan Marco?"





"Sinusundo ka"







"So wala kang oras na magtrabaho pero may oras ka na sunduin ako?"





Ewan kung bakit sinabi ko yun. Kasi parang nag aassume na naman ang dating. Aasa na naman sa mga kilos niya. Yung sakit andun pa dadagdagan na naman.







"Bakit hindi mo kaya ulitin yung sinabi mo Monica para malinawan ka kung bakit andito ako?"







Anong gusto niyang iparating? Na binibigyan niya ako ng oras? Ng pagpapahalaga? Ng pagasa?







"Marco tapos na ang bakasyon natin. Di ba kung ano man ang nangyari dun o kung gaano man kasweet tayo dun hanggang dun lang yun."







"Ganun ganun lang? Yung ibibigay mo ang sarili mo tas wala lang?"







Medyo hindi agad ako nakapagreact sa sinabi niya. Posible naman talaga na malalaman niya yun. Kasi iniwan ko siya nun ng walang saplot.






"Anong pinagsasabi mo Ethan Marco?"






"Nung unang gabing may namagitan sa atin alam ko yun. Yung unang beses na binigay mo ang sarili mo. Pero masakit na gumawa ka ng paraan para palabasin na wala lang ang lahat. Mas masakit na ayaw mong maging bahagi ng buhay ko. Nung pangalawang gabi nagpaubaya ka naman ng ilang ulit akala ko pagkatapos magiging ok na tayo. Pero iniwan mo ako."








"Tama lang naman ang ginawa ko. Nahihiya na ako sa sarili ko na lagi na lang nagpapaubaya."







Lumapit siya sa akin. Masuyong hinaplos ang mukha ko.







"Pakasalan mo ako Elise Monica"






Seryoso naman siya sa sinabi niya pero hindi ko napigilan na hindi matawa. Adik ba siya? Pakasalan?






"Adik ka ba? Hindi naman ako menor de edad na nadevirginized mo para pakasalan"








"Kung hindi mo ako papakasalan? Sasampahan ko ang sarili ko ng kaso dahil parang nirape kita"








"Bakit pakiramdam ko pinipikot mo ang sarili mo para pakasalan ako? Ang baliw mo Ethan Marco"








"Ang hirap mo kasing itali."








Iginiya na niya ako para makapasok sa sasakyan niya. Nung makasakay siya nagulat ako dahil kinabig niya ako para mahalikan sa labi. Matagal. Yung halos maubusan ako ng hangin.








"Na miss ko yan"






Sabi niya. Tas pinaandar na niya sasakyan niya. Hinawakan pa niya kamay ko. So ano na kami? Parang nagbibiro lang naman siya sa kasal na sinasabi niya. At parang papayag ako? Ang katulad niyang sobrang gwapo ay napakahirap itali sa isang relasyon. May aagaw at aagaw sa kanya. At isa pa? Parang wala naman siyang sinabi na Mahal niya ako. Kahit yun man lang sana. Kahit walang kasal. Basta mahal niya din ako. Kasi anong silbi ng kasal na sinasabi niya kung ako lang ang nagmamahal?







_casper_

Love Drunk (Completed)Where stories live. Discover now