Isang Perpektong Pasko

27 2 0
                                    


MADALING-ARAW NA. Kailangan ko na namang gumising para sa simbang-gabi. Kung ako lang ang masusunod, ayaw kong mag-simbang gabi. Si Mama itong may gusto at mapilit. Kompleto kasi kami ngayon. Nandito sina Kuya at Ate kasama ng sari-sariling pamilya nila. Sa iba't ibang siyudad na sila nakatira. Si Kuya Roland ay sa Iloilo City. Si Ate Hannah naman ay sa Bacolod City.

Kasama ni Kuya ang asawa nitong si Ate Janet at ang dalawa nilang anak na sina Roel at Pierre na pawang nasa high school na. Kasama naman ni Ate ang asawa nitong si Kuya Dennis at ang isa nilang anak na si Jannis na magha-high school na rin sa susunod na taon. Christmas vacation kaya nandito sila.

Tatlo kaming magkakapatid. Ako ang bunso. Medyo natagalan bago ako sumunod sa kanila. Dalawang taon lang ang agwat nina Kuya at Ate. Samantalang pitong taon pa ang lumipas bago ako ipinanganak. Ngayon, ako naman ang hinihintay nila na mag-asawa na. Ang sabi ko sa kanila, hindi ko pa nahahanap ang tamang babae para sa akin.

Pero sa totoo lang, matagal ko na siyang nahanap.

Ayaw kong sumama upang magsimbang-gabi dahil hindi naman ako makakapag-concentrate sa misa. Sigurado kasi na aantukin ako. Pero bakit ngayon, sinipag akong gumising? S-in-et ko pa ang alarm clock ng three-thirty AM, isang oras bago magsimula ang misa de gallo. Nagising ako bago pa mag-alarm ang orasan.

Hindi ko alam kung nakatulog nga ba ako o hindi. Hindi ko alam kung bakit excited ako para sa araw na ito.

HINDI KO alam kung bakit parang may hinahanap ako pagdating sa simbahan. Mayamaya ay napako ang mga mata ko sa isang magandang babaeng pamilyar sa akin. Namilog ang mga mata ko.

Si Bea!

Hindi ako nagkakamali. Kahit hindi siya malapit sa akin, alam kong siya iyon. Ang ganda pa rin niya. Lalo pa siyang gumanda mula nang huli ko siyang makita.

Umuwi pala siya. Sa iisang bayan lang kami sa aming probinsiya pero magkaiba kami ng baranggay.

Hindi ako makapag-concentrate sa misa sapagkat inaagaw niya ang atensiyon ko. Sa bandang unahan siya nakaupo. Ako naman ay nasa gilid, nakatayo dahil wala nang maupuan.

Nakikita ko sa side view ang mukha niya. Nararamdaman kaya niyang may nakatingin sa kanya? Sana naman, lumingon siya.

Na-miss ko siya bigla nang muli ko siyang makita pagkalipas ng anim na taon. Mula nang umalis siya patungong Maynila kasama ang mama niya pagkatapos ng college graduation ay hindi pa siya nakauwi sa probinsiya. Ngayon lang. Doon siya nagtatrabaho. Ako naman ay dito lang.


THIRD YEAR high school kami noon nang naging magkasintahan kami ni Bea. Pero bago naging kami, may kanya-kanya muna kaming panandaliang relasyon. Nagkahiwalay naman kami noong third year college. Ewan ko lang kung may boyfriend siya ngayon.

Gaya ng ibang love stories, nagsimula kami bilang hindi magkakilala hanggang sa pinagtagpo kami ng tadhana. Pareho kaming miyembro ng music club noong high school. Magaling siyang kumanta. Ako naman, maggitara. Hindi kami nagkakausap noong una hanggang sa narinig niya akong tumugtog ng musikang umagaw ng kanyang atensiyon.

Gustong-gusto niya ang guitar instrumental na pinamagatang Romance. Lagi raw tinutugtog iyon ng papa niya noong nabubuhay pa ito. Malungkot na ikinuwento niya sa akin ang tungkol sa kanyang ama. Kung nabubuhay lang daw ito, siguradong lagi niyang maririnig na tinutugtog nito ang Romance. Kulang daw ang araw niya kapag hindi niya naririnig iyon.

Mga Alaala sa Paris [at iba pang mga Kuwento]Where stories live. Discover now