Ang Lasa ng Tinola

45 3 0
                                    


PUMASOK si Rey sa karinderyang nasa tapat ng pamantasan kung saan siya nag-aaral. Maraming kumakain doon kapag oras ng pananghalian. Dumiretso siya sa kinapupuwestuhan ng mga ulam.

"Hindi ka ba nagsasawa riyan?" tanong ng nagbabantay roon, tinutukoy ang in-order niyang tinolang manok.

"Bakit naman ako magsasawa rito, Loisa? Alam mo namang kaya kong ulamin ito habambuhay, hindi ba?"

"Oo na. O, siya, heto na ang order mo."

"Salamat. Ang ganda mo talaga!"

"Hindi mo na kailangang mambola para makalibre."

"Talaga? Libre na naman ito?"

"Ano pa ba sa palagay mo? Nakakahiya naman kay Tita Digna kung sisingilin pa kita, ano?"

"Hay naku, pagpasensiyahan mo na iyang anak ko, hija," sabad ng kanyang tiyahin na itinuturing siyang tunay na anak. Galing ito sa kusina. Nagluluto ito ng ilang ulam para sa karinderya, kasama ang paborito niyang tinolang manok.

Namatay sa aksidente ang kanyang mga magulang. Kasama rin siya ng mga ito sa bus na nahulog sa bangin at sumabog ngunit mapalad at himala siyang nakaligtas. Sampung taong gulang pa lang siya noon. Kinupkop at kalaunan ay inampon siya ng kanyang tiyahing kapatid ng kanyang ina at ng asawa nito. Walang anak ang mag-asawa. May deperensiya ang kanyang tiyuhing namayapa na noong isang taon. Iniuwi siya ng mga ito sa probinsiya. Itinuring niyang tunay na mga magulang ang mga ito.

"Alam ko namang may pagkamakakalimutin siya, Tita," ani Loisa.

"Nagkukunwaring nakalilimot," pagtatama ng kanyang tiyahin.

"Sinabi n'yo pa. Sanay na po ako riyan. Huwag lang sanang matuluyan."

"At aminin mo, kahit hindi namin pagmamay-ari ang karinderyang ito, ililibre mo pa rin ako," aniya.

"At bakit naman, aber?"

"Dahil nakabibighani ang aking kaguwapuhan."

"Pakisabi po sa mokong na iyan, Tita Digna na ang presko at ang kapal niya."

"O, narinig mo iyon, Rey? Ang presko at ang kapal mo raw. At totoo ang sinabi niya."

"Sige, 'Nay, kampihan mo pa 'yan kaysa sa akin," kunwari ay nagtatampong wika niya. Alam niyang magkasundo ito at si Loisa. Alam niyang kapag nag-aasaran sila, ang dalaga ang kinakampihan ng kanyang tiyahin.

"Nahihirapan na nga ako kung saan kukuha ng pambayad ng tuition, pagbabayarin mo pa ako kung sakali," ani Loisa. "Pero sige, oo na, guwapo ka na."

"Hay, mabuti na lang, crush mo ako."

"Anong crush kita? Hindi kaya."

"Anong hindi? Naguguwapuhan ka sa akin, hindi ba?"

"Naguguwapuhan lang, crush agad? Kumain ka na nga."

"Hindi ako kakain hangga't hindi mo inaamin na crush mo ako."

Hinila nito ang kuwelyo ng uniporme niya. "Ang daming kumakain. Hindi ka ba nahihiya?" bulong nito.

"Ang alam ko, magugutom ako kung hindi ako makakakain. Sigurado iyon."

"Malamang. Pero bahala ka. Ikaw naman ang magugutom. Hindi ako." Binitawan nito ang kuwelyo niya.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Apr 25, 2016 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Mga Alaala sa Paris [at iba pang mga Kuwento]Where stories live. Discover now